WHO WANTS TO LIVE FOREVER
♫ There's no time for us
There's no place for us
What is this thing that builds our dreams
Yet slips away from us ♫
(Queen)
Halos paliparin ko ang sasakyan ko mula Paranaque hanggang Camp Crame. Sabi ni Robert, bangkay ko nang aabutan ang mga pumatay kay Maryeen, pero hindi ko iyon alintana. Alam kong iginagalang ng mga Muslim ang bangkay ng mga yumao sila at ang kabaligtaran noon ang gusto kong gawin. Gusto kong wasakin ang kung anumang dangal na meron sila. Gusto kong duraan ang mga mukha nila kahit wala na silang buhay. Gusto kong pugutin ang mga ulo nila. Gusto kong gutay-gutayin ang mga bangkay nila. Gusto kong maghiganti!
K-Kuya... m-maraming salamat...
Mga huling salita ni Mayreen ang nangingibabaw sa isip ko noon, kasama ang anyo niya noong naghihingalo siya. Anim na tama ng bala sa katawan. Umaagos ang dugo. Hinahabol ang hininga.
Kahit papano, magbabayad sila!
Inabutan ko sa harapan ng morge ng Camp Crame si Robert. Kasama niya si Greg, ang police officer na anak ng ninong ko.
Dere-deretso ang lakad ko, sa direksyon ng pinto ng morge. "Nandito ba ang mga bangkay?" tanong ko.
Pinigilan nila ako bago ako makapasok. "Mike, huminahon ka," sabi ni Greg.
"Gusto kong makita ang mga bangkay nila," matigas kong sagot.
"Pare, bangkay na ang mga yan!" saway ni Robert. "Ano pang gagawin mo?"
"Wawasakin ko ang natitirang dignidad na meron sila."
Pinilit kong pumiglas sa paghawak nila, pero lalo nilang hinigpitan iyon.
"Bitiwan nyo ko," mahinahon pero matigas kong utos.
"Mike, kumalma ka," sabi ni Greg.
"Oo nga, Pare," sabi naman ni Robert. "Wag ka namang padalos-dalos."
"Bitiwan nyo ko!"
"Bitiwan nyo siya," narinig kong salita mula sa gawing likuran namin. Pamilyar na boses. Boses na puno ng kapangyarihan.
Napalingon kaming tatlo.
Si Ninong. Si General Jaime Tabuena. Tatay ni Greg. May kasama siyang mga pulis, dalawang sarhento at isang tinyente.
Agad bumitaw sina Robert at Greg sa akin.
Agad namang yumakap si Ninong sa akin na para akong anak niya. "Alam ko kung bakit ka nandito, Mike," sabi niya, mahinahon, ubod ng hinahon. "Naiintindihan kita."
Hindi ako nakaimik. Nanginginig noon ang katawan ko. Pero sa sobrang paggalang ko sa kanya, nagawa kong pigilan ang nagwawala kong galit.
Bumitaw siya sa akin at sumenyas siya sa kasama niyang tinyente.
Tumango naman ito at pumasok sa loob ng morge. Maya-maya ay may lumabas na dalawang pulis kasama ang tinyente. "Okey na, Sir," sabi nito.
Inakbayan ako ni Ninong at sabay kaming pumasok sa morge. Sumunod naman sa amin sina Robert, Greg, at ang tatlong pulis.
BINABASA MO ANG
Simple Heart
RomanceWith his fiancee dead and his heart grieving, a long lost love from the past returns to help Mike heal his wounded heart. Is there still a place in his heart to rekindle their love?
