EPILOGUE
♫ I'll be your dream, I'll be your wish
I'll be your fantasy
I'll be your hope, I'll be your love
Be everything that you need ♫
(Savage Garden)
June 1, 2006.
Nakatayo ako noon malapit sa altar ng simbahan ng Santo Nino. Nakasuot ako ng puti, puting pormal na pantalon, puting amerikana.
Puting-puti rin ang simbahan dahil sa mga dekorasyon.
Iyon ang araw ng kasal namin ni Jules, at para akong nasa langit.
"Kinakabahan ka ba, Pare?" tanong ni Robert sa akin. Gaya ko, nakaputi rin siya. Siya kasi ang best man ko. Sa totoo lang, pangalawang beses na niyang pagbe-best man iyon sa akin. Noong una ay sa naging kasal namin ni Monique. Pero ayoko nang alalahanin ang mga panahong iyon.
"Hindi ako kinakabahan, Pare," sagot ko. "Excited ako. Akala ko, nawala na siya sa akin. Akala ko, hindi na talaga kami magkakatuluyan."
"Iba talaga kapag itinakda, Pare," hirit niya. "Baka nga maunahan nyo pa kami ni Elaine makabuo ng anak."
Natawa ako. "Naunahan na talaga kita, Pare. Anim na taon na ang anak namin."
Natawa rin siya. "Ah, oo nga pala."
Tumunog ang piano ng simbahan. Hudyat ng pagsisimula ng bridal entourage.
Napatingin ang lahat ng nandoon sa gawing pintuan ng simbahan.
Una sa entourage si Sharon. Siya kasi ang maid of honor ni Jules. Siya kasi ang pinakamalapit na kaibigan ni Jules sa buong barkada. Sila talagang dalawa ang laging magkasama at magkatulong sa mga problema, lalo na noong nasa Amerika pa sila.
Nginitian ako ni Sharon noong malapit na siya sa harapan ng altar, ngiti ng kasiyahan. May halo ding panunukso.
Nginitian ko rin siya.
Umugong ang mga boses ng mga nanonood nang magsimulang maglakad ang first flower girl. Mga boses iyon ng paghanga sa napakagandang batang babae na siyang may dala ng basket ng mga bulaklak.
Si Jenna. Matamis ang ngiti niya sa akin.
"Wow, ang cute naman ng flower girl," narinig kong papuri mula sa mga nandoon.
"Dapat lang, guwapo ang daddy, maganda ang mommy..."
Napangiti lang ako. Sa loob-loob ko, ang ganda naman kasi talaga ng anak ko.
Sumunod kay Jenna ang kambal na mga anak nina Randy at Sharon, sina Rei at Ren, second flower girl at ring bearer. Nakakatuwa ang kasiglahan ng dalawa. Nakangiti pa sila ng todo. Pero naisip ko, parang ganon yata ang ngiti nila kapag nakakaisip ng kalokohan.
Napangiti na lang ako at napailing.
Sumunod naman ang mga abay. Tatlong babae at tatlong lalaki. Puro nakababatang pinsan ko ang mga lalaki. Sina Carol naman at ang kambal na pinsan ni Jules na sina Anna at Annette ang mga abay na babae.
Matapos ang mga abay, ang bride naman ang sumunod na nagkakad papunta sa altar. At parang tumigil sa pagtibok ang puso ko.
Sa pagitan nina Daddy Jules at Mommy Anne, ang ganda-ganda ng bespren ko. Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang puting gown, straight cut, closed neck, sleeveless. Bagay na bagay din sa kanya ang ayos ng buhok niya, pati na ang Asian look na make-up niya.

BINABASA MO ANG
Simple Heart
RomansaWith his fiancee dead and his heart grieving, a long lost love from the past returns to help Mike heal his wounded heart. Is there still a place in his heart to rekindle their love?