I'M YOURS
I may not have the softest touch ♫
I may not say the words as such
And though I may not look like much
♫ I'm yours
(The Script)
"Welcome to Villa Eleonor!"
Si Robert yun. Ipinagmamalaki na naman niya sa amin ang resort niya sa Puerto Galera. Naaalala ko pa, noong una kaming pumunta doon, 'Robert's Resort' ang tawag niya doon. Pero mula nang magpakasal sila ni Elaine, naging Villa Eleonor na.
Nakasakay kami noon sa yate ng pamilya nila. Buo ang barkada. Sina Robert at Elaine, Tony at Shy, Randy at Sharon, at kami ni Jules. Palapit na kami sa daungan ng resort.
"Pare, akala ko, ipapangalan mo sa yo yang resort na yan?" sabi ni Randy, nang-aasar.
Agad namang inakbayan ni Robert ang asawang si Elaine. "Noon yun. Di ko pa kilala itong soulmate ko noon," sagot niya nang may pagmamalaki.
Idinikit naman ni Elaine ang pisngi niya sa balikat ng asawa.
Napatingin ako sa resort. Ilang minuto na lang at dadaong na ang yateng sinasakyan namin. Malaki na ang ipinagbago ng lugar. Nagkaroon na ng isang magarang building na mukhang napakagandang hotel. May mga cottages na rin sa tabing-dagat.
Pero kahit marami nang nagbago, nandoon pa rin sa isang bahagi ang bahay na tinuluyan namin mahigit sampung taon na ang nakakaraan. Family house iyon ng pamilya ni Robert. Maraming ala-ala ang bahay na iyon sa aming lahat.
Naramdaman ko na lang na tumabi si Jules sa akin. "Ang laki na ng nagbago, Bespren," sabi niya.
"Oo nga," sagot ko lang. Kumislap sa ala-ala ko ang mga nakakatuwang pangyayari noong una kaming pumunta doon. Tatlong araw at dalawang gabi kami doon dati. Ang babata pa namin noon. Puro kami tawanan at laro. Puro kulitan pa at tuksuhan.
Pero naisip ko rin, hanggang ngayon naman, nagkukulitan at nagtutuksuhan pa rin kami.
Dumikit si Jules sa akin at isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. Niyakap pa niya ang braso ko.
"Ehem! Ehem!" narinig naming pagpaparinig ni Randy.
Sabay pa kami ni Jules sa paglingon.
"Ang sweet naman," hirit ni Randy. Lahat sila noon, nakangiti sa amin na parang gustong manukso.
Napailing lang ako. Sanay na ko sa kanila.
Pero si Jules, lalong hinigpitan ang yakap sa braso ko.
"Ayeeeeee!" sigawan ng mga babae.
"Kayo na ba ulet?" gulat na tanong ni Robert.
Nagkatinginan kami ni Jules. Matamis ang ngiti niya.
Napangiti rin ako. Sa mga nagdaang linggo kasi, nagpapalitan na ulit kami ng mga i love you namin. Tiningnan ko na lang ang barkada at saka ako tumango.
"Yeeeeeeee! Sila na ulet!"
Ayun, kinuyog nila kami ni Jules.
Gaya noong una kaming nandoon, doon kami tumuloy sa family house ng pamilya Villegas. Pagpasok pa lang namin ay sinalubong na kami ng mga katiwala doon. Inalalayan nila kami sa pagpasok at binitbit pa nila ang mga bag namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/28783131-288-k914939.jpg)
BINABASA MO ANG
Simple Heart
RomanceWith his fiancee dead and his heart grieving, a long lost love from the past returns to help Mike heal his wounded heart. Is there still a place in his heart to rekindle their love?