Chapter 11 - Somewhere Out There

968 36 0
                                    

SOMEWHERE OUT THERE

♫  "Somewhere out there

     Beneath the pale moonlight

     Someone's thinking of me

     And loving me tonight..."   ♫

                            (Kaitlyn Maher)

Dinig na dinig namin ni Jules ang pagkanta ni Jenna bago pa kami pumasok ng bahay. Nangingibabaw ang boses niya sa tunog ng karaoke na sinasabayan niya.

"Si Jenna ba yon?" tanong ko kay Jules. Noon ko lang kasi narinig kumanta ang bata at gusto ko lang masiguro na hindi ako nagkakamali ng akala. Pakiramdam ko rin kasi ay nagsasayaw ang puso ko dahil sa naririnig kong pagkanta.

Tiningnan lang ako ni Jules, ngumiti, at tumango.

Napangiti ako. Tuwang-tuwa ang puso ko sa pagkanta ni Jenna.

"Somewhere out there

Someone's saying a prayer

That we'll find one another

In that big somewhere out there..."

Kagagaling lang namin noon sa opisina ni Randy. Umorder kasi si Jules ng mga medical equipments para sa ipapatayo niyang derma clinic. Nakakuha naman siya ng magandang payment terms. Siyempre, kay Randy pa. Kaibigan, kabarkada, kumpare pa.

Binuksan ni Jules ang pinto ng bahay. Tumambad sa paningin namin si Jenna na nasa sala kasama si Mommy Ann. Hawak-hawak ng bata ang microphone at seryosong kumakanta habang nakatayo sa harap ng karaoke.

"Mommy! Tito Mike!" masayang bati agad ni Jenna sa amin. At dahil hindi niya binibitiwan ang microphone, dinig na dinig sa malakas na speaker ng karaoke ang pagtawag niya sa pangalan namin.

"Jenna baby!" sagot naman ni Jules sa kanya. "How's my daughter's singing?"

Ngimiti siya nang pagkatamis-tamis. "I'm good!"

Masayang-masayang nilapitan siya ni Jules at niyakap nang mahigpit. "That's my girl!"

Nanlambot ang puso ko sa tagpong iyon. Nakaramdam ako ng inggit. Sa loob-loob ko, sana may mag-ina rin akong ganoon.

"Upo ka, Mike," alok sa akin ni Mommy Ann.

Tumango ako at ngumiti, pagkatapos ay tumabi ako sa kanya.

"Kumusta ang lakad nyo?" tanong niya sa akin.

"Okey naman po," sagot ko. "Naorder na po ni Jules yung mga kailangan niya. Yung iba po, may stock si Randy. Yung ilan po, sa States pa oorderin. One month daw po bago makarating dito sa Pilipinas."

Ngumiti lang si Mommy Ann, sabay tingin sa mag-ina. "Okey na rin yun," sabi niya.

Napatingin rin ako kina Jules at Jenna.

Palapit na sila noon sa akin.

"Jenna baby, Mommy's gonna change first," sabi ni Jules. "Stay with Tito Mike, okay?"

Tuwang-tuwa namang tumabi sa akin si Jenna. "Yes, Mommy!"

"Mike, sandali lang ha," sabi niya naman sa akin.

Simple HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon