Chapter 21

954 4 0
                                    

Jenny POV

Nagising akong masakit ang ulo ko. Nasaan kaya ako. Ang huli kong naalala ay naglalakad kami sa dalampasigan ni Albert.

"Thank God gising kana hon." nag aalalang boses ni Albert.

"Anong ngyari?" naguguluhang tanong ko.

"Hinimatay ka habang naglalakad tayo sa dalampasigan. Buntis ka pala, bakit hindi mo sinabi sa akin?" may hinanakit sa boses niya pero pinilit niyang ngumiti.

Napayuko na lang ako sa hiya. Tama nga ang hinala kong buntis ako. Nagbunga ang ginawa namin. Tuloy tuloy na umagos ang mga luha sa mga mata ko. Pareho naming alam ni Albert na hindi sa kanya ang batang dinadala ko dahil wala pang nangyayari sa amin.

"I'm sorry Albert." humihikbing paghingi ko ng paumanhin sa asawa kong alam kong sobrang nasasaktan ngayon.

"Handa akong akuin ang batang nasa sinapupunan mo. Mahal na mahal kita Jenny. Pero alam kong mahal mo si Jer. At alam kong wala akong laban sa kanya, lalo na ngayong magkakaanak na kayo." lumuluhang pahayag ni Albert at niyakap niya ako ng mahigpit.

Sobra akong naguguluhan. Tama si Albert, mahal ko Jer at masaya ako na magkakababy na kami. At unfair para kay Albert na akuin ang responsibilidad na hindi naman sa kanya.

"I'm sorry Albert, pero hindi tama na akuin mo ang hindi mo naman responsibilidad. Anak namin to ni Jerimiah. I'm sorry." nakayukong sambit ko.

"Pano ang kapatid mo? Pano su Jeaniah? Pano ako Jen? Mag asawa na tayo." mahinahong tanong niya pero kitang kita ko ang sakit na nararamdaman niya.

"All this time ako ang nagbibigay. All this time siya ang nakakatanggap ng lahat ng pagmamahal mula sa mga mahal namin sa buhay. Puro kaligayahan na lang niya ang inuuna namin. Kaligayahan ko naman ang iisipin ko ngayon. I need him. Our baby needs him. At makakahanap ka pa ng babaeng magmamahal sayo higit pa sa pagmamahal na maibibigay mo." matigas kong tugon sa tanong niya.

"Sana maging masaya ka sa disisiyon mo Jen. Andito lang ako para sa yo at sa magiging anak mo. Mahal na mahal kita. Kung ito ang magpapaligaya sa iyo, susuportahan kita." mapait na tugon ni Albert.

Jerimiah POV

Sobrang saya ko dahil buo na ang pamilya ko. Ngayon ang araw ng kasal namin ng pinakamamahal ko. At siyempre flower girl ang napakakulit kong anak. At si Alvin naman ang bestman ko. At ang bridesmaid naman ni Jean ay si Mae, yung naging bestfriend at karamay niya sa amerika habang pinagbubuntis niya si Jeaniah.

Hindi nakadalo si Jenny dahil kasalukuyan itong nasa hospital ngayon, nakunan kasi siya sa first baby nila ni Albert. Kasal na pala sila ni Albert na dating namblackmail kay Jean pero hindi nila pinaalam. Nag aalala ako kay Jenny pero alam kong nagbago na si Albert at mahal na mahal niya si Jen.

Napangiti ako ng malapad ng masilayan ko ang papalapit na sa akin na ang napakaganda kong mapapangasawa. Sexy pa rin ito kahit medyo nagkalaman siya dahil sa pagdadalang tao. Yes, magkakababy na uli kami.

"I love you babe." nakangiti kong bati kay Jean ng tuluyan na itong makalapit sa akin.

"I love you more babe." naiiyak na tugon nito. Napakaiyakin nito lately.

"We are gathered here today to celebrate one of life's greatest moments, the joining of two hearts. In this ceremony today we will witness the joining Jerimiah and
Jean in marriage.

If there is anyone present who has just cause why this couple should not be united let
them speak now or forever hold their peace." bungad ng pari.

SALAWAHANG TEMTEM (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon