JER POV
Agad kong sinagot ang tawag sa celphone ni Jean baka yung tumawag kanina ang tumatawag.
"HELLO?! Sino ka?" maangas kong sagot. At narinig ko pa ang malakas na pagtawa ni Jean. Aba't natutuwa pa tong babaeng to.
"Galit ka papa?" Tanong ng isang bata sa kabilang linya. Ano raw? Papa? Sino ba tong bubuwit na to.
"Oo. Bakit sino ka ba?" Maangas ko pa ring tanong at bigla na lang akong nakaramdam ng malakas ng batok mula kay Jean.
"Aray naman babe! Bakit ka ba nangbabatok?"angal ko dito. At nakarinig naman ako ng bungisngis sa kabilang linya.
"Hoy bubuwit pinagtatawanan mo ba ako?" Inis kong baling sa kausap ko sa celphone.
"Hoy Jerimiah! Bakit ganyan ka makipag usap sa anak natin?" Mataas ang boses na tanong ni Jean sakin na naniningkit pa ang singkit na niyang mata.
"A-anak? M-may a-anak tayo?" Nauutal at naguguluhan kong tanong. At tango lang ang sagot ng nakangiting si Jean.
"Waaaahhhhh! Sa cute kong ito ipagkakaila mo ako papa?!" Ngawa ng bubuwit sa kabilang linya kaya naman napangiti ako.
"Hindi ko yan anak Jean. Ang ingay eh." Nakangisi kong parinig sa anak ko.
"Waaahhhh! Bad papa! Sabi ni mommy mana daw ako sayo! Kasi nung ginawa niyo ako maingay ka daw" inosenteng ngawa ng anak ko na nagpanganga sakin.
"Jean! Anong itinuturo mo sa anak ko ha?!" Namumula kong baling sa tumatawang si Jean dahil naririnig niya ang sinabi ng anak namin dahil ni loud speaker ko.
"Hahaha. Totoo naman kasi babe na nakuha ni Jeaniah ang pagiging maingay sayo." Tumatawang sagot ni Jean. Kaya nakatikim ito ng kurot sa singit mula sa akin. Pero pinagtawanan lang ako lalo.
"Baby pupunta si papa diyan. Gusto kitang mayakap." Naiiyak kong sabi sa anak ko sa kabilang linya.
"Aantayin kita papa." Malambing na tugon ng anak ko at pinatay ko na ang tawag saka ko binalingan si Jean at mahigpit na niyakap.
"Mag-usap tayo mamaya pero sa ngayon magbihis na tayo. Gusto ko makita ang anak ko." Malambing kong sabi kay Jean.
Agad kaming bumiyahe papunta sa bahay nila Jean.
Pinapasok naman kami agad sa gate ng gwardiya nila Jean ng makita nito si Jean.
Papalapit na kami sa bahay ng makita kong may batang kumakaway sa entrance ng bahay. Napangiti ako ng makitang nagtatalon pa ito habang pumapalakpak ng inalabas ko ang ulo ko sa bintana ng kotse.
Paghinto ng sasakyan ay agad akong lumabas at tumakbo papunta sa batang kasama ni Jean nung pumunta sa apartment ko. Agad kong binuhat at niyakap ng mahigpit ang cute kong anak at pinupog ng halik sa mukha na nagpabungisngis dito.
"Yuck papa puno na ako ng laway mo!" Ungot nito at lalo ko lang siyang pinanggigilan dahil sa katabilan nito.
"Oh ate Jen andito ka pa pala?" Narinig kong tanong ni Jean.
"Ah oo inantay lang talaga kitang umuwi. Ayaw ko kasing iwan tong si Jeaniah sa mga katulong." Sagot naman ng pamilyar na boses sa likuran ko. Napatigil ako sa pagpupog sa anak ko at dahan dahang lumingon sa babaeng kausap ni Jean sabay sa panalanging wag naman sana siya.
"Hi Jerimiah." Nakangiting bati sakin ni Jenny ng magtama ang aming paningin. Muntik ko ng mabitawan ang anak ko sa sobrang gulat buti na lang at mahigpit itong nakakapit sa batok ko.
*waaaaahhhhhh wag nyo ko ipasalvage* *anong mangyayari sa harapang Jean, Jerimiah, Jenny at Jeaniah? Abangan*
BINABASA MO ANG
SALAWAHANG TEMTEM (Completed)
RomantizmAng istoryang ito ay sagad sa kalibugan at kabalbalan ngunit kapupulutan ng aral. Huwag magpatuloy sa pagbabasa kung hindi kaya ng sikmura. I wrote this story way back 2015 in dedication to my bestfriend Aaron... Miss you bessy. You know how much I...