Jean POV
Nagdaan ang isang linggo na hindi dumadalaw si ate Jenny sa amin. Nakakausap ko naman siya sa celphone at okay naman daw siya. Busy lang daw sa school. Ngayong buwan na pala na ito sila gagraduate.
Sobrang saya ko kasi kasama na namin si Jer dito sa bahay. Mas naging hyper naman si Jeaniah at panay ang pangtitrip nito sa ama.
Nagkita na rin si papa at si Jer. May konting aksyon pero naging maayos naman pagkatapos. Napagkasunduan na magpapakasal kami sa June ni Jer. Sobrang excited na ako.
Magiging buo na rin ng tuluyan at magiging masaya ang pamilya ko.
Albert POV
Legal na kami na mag asawa ni Jenny, masaya kaming nagsasama sa bahay ko. Ayaw nga lang muna niya ipaalam sa pamilya niya na kasal na kami and I respect it. Basta para sa kanya at makapagpapasaya sa kanya ibibigay ko.
Graduate na rin kami pareho. Kasalukuyan kaming nasa palawan ngayon para sa aming honeymoon. Hindi na kasi kami nakabyahe pagkatapos naming ikasal dahil busy sa school. Kaya itong trip na ito ay getting to know more kumbaga.
Nandito kami ngayon naglalakad sa tabing dagat habang magkaholding hands kaming dalawa.
"Hon" tawag sa akin ni Jen. Aba himala hindi mainit ulo niya ngayon. Madalas kasi siyang nagsusungit sa akin lately.
"Yes hon" nakangiting sagot ko.
"Thank you sa lahat lahat. For loving me at sa pagtatyaga sa akin kahit hindi maganda pinapakita ko sayo." nakayukong litanya niya.
"Maganda naman lahat ng pinapakita mo sa akin hon ah. Ang kinis nga." nagbibirong sagot ko kahit alam ko na hindi yun ang tinutukoy niya. Gusto ko lang siyang patawanin. Kaya ayun nakatanggap naman ako ng malutong na batok mula sa napakaganda kong asawa na sobrang pula na ang mukha.
"Hon naman eh. Hindi yun!" maktol ng asawa ko.
"Alam ko hon. Lahat naman ng ito ginagawa ko because I love you. Lahat gagawin ko maging masaya ka lang." malambing kong sambit habang nakatitig ako sa mga mata niya. Napansin kong pinagpapawisan siya at namumutla.
"Are you okay? Ang putla mo." nag aalala kong tanong pero hindi na niya nagawang sumagot dahil bigla na lang ito nawalan ng malay pero bago pa siya tumumba ay nasalo ko na siya.
Agad ko siyang dinala sa clinic ng resort. Sobrang nag aalala na ako.
"Ikaw ba ang asawa ni misis Jenny Fiero?" agad na tanong sa akin ng doktor na lumabas mula sa silid ni Jenny.
"Yes dok, I'm Albert Fiero." agad kong pagpapakilala.
"How's my wife dok? Bakit siya hinimatay?" kinakabahan kong tanong.
"Nothing to worry Mister Fiero. Normal lang ang ganyang pagkahilo sa first trimester ng pagbubuntis. Congratulations." nakangiting bati sa akin ng doktor na nagpagunaw ng mundo ko. God she is pregnant.
"Pwede na siyang lumabas pagkagising niya. Reresetahan ko na lang siya ng vitamins. Ingatan mo ang asawa mo dahil maselan ang condition niya ngayon.Maiwan na muna kita." at umalis na nga ang doktor at naiwan akong nakatulala sa kawalan.
Parang hindi ko matanggap na buntis si Jenny. Pero hindi ko kayang iwan siya.
Pumasok ako sa silid ni Jenny at naabutan ko siyang mahimbing na natutulog.
"Jen, lahat gagawin ko maging masaya ka lang. Pero sana, ako ang piliin mo sa huli." mahinang usal ko at hindi ko na napigil ang mga luha ko.
BINABASA MO ANG
SALAWAHANG TEMTEM (Completed)
RomanceAng istoryang ito ay sagad sa kalibugan at kabalbalan ngunit kapupulutan ng aral. Huwag magpatuloy sa pagbabasa kung hindi kaya ng sikmura. I wrote this story way back 2015 in dedication to my bestfriend Aaron... Miss you bessy. You know how much I...