CHAPTER 4

25 2 0
                                    

Xiomara's POV

*Krrrriiiiiiiiiiiiinnnggg~

Nahulog ako mula sa kama ko ng dahil sa gulat doon sa alarm clock ko. Haisst.
Tiningnan ko yung oras at feeling ko nanlaki yung mga mata ko kahit wala na namang mailalaki pa 'to. 7:30A.M. na pala! Shit! 8:00A.M. yung klase ko ngayon. Bakit di ko narinig yung unang alarm?

Tumakbo na ako agad papunta sa c.r. at pagkatapos ay mabilisang nagprepare at nag-ayos sa sarili. Saktong 8:00A.M. na nong natapos ako kaya hindi na rin ako kumain at halos paliparin ko na yung motor ko papunta sa school. Ang layo pa naman.

After 20 minutes, sa wakas ay nakarating na ako. Ipinasok ko na rin sa campus yung motor ko dahil nga late na ako. Mas matatagalan ako pag maglakad pa ako. Sakto naman na kakarating lang din ata ni Ma'am. Buti nalang medyo late din siya.

Pumunta na ako agad sa upuan ko at nong naibaling ko yung tingin ko doon sa seatmate ko na nakaupo sa may bintana, napatakip ako ng bibig ko dahil natatawa ako. Tiningnan niya naman ako ng masama at hindi na ako pinansin pa. Di ko parin alam kung anong pangalan niya.

Pero at least alam ko na ngayon kung anong pangalan ng teacher namin sa Algebra, nagpakilala kasi siya ulit eh. Si Ma'am Sherly. Hihi sana naman mataas magbigay 'to ng grades.

Madali lang naman ang Algebra eh. Madalas mo lang hahanapin si X and Y. Si "X" nasa Japan, and "Y"? Kasi ayaw niya na sakin. Hihi ano ba yan lutang nanaman ako sa klase.

Natapos yung discussion ni Ma'am na wala manlang ako natutunan. Pero ayos lang yan. Sabi ko nga diba, madali lang naman ang Algebra. Kahit turuan ko pa si Ma'am. mwehehe!

Kakaalis lang ni Ma'am kaya ako naman ay tumayo agad para tumambay nanaman sa kung saan. Natatawa pa akong naglakad palabas ng classroom ngunit laking gulat ko na lamang nang biglang—

*paaaaakkkkkkkk

Kung kanina lutang yung isip ko, ngayon naman ay parang lumipad bigla yung utak ko ng dahil sa sampal na dumapo sa mukha ko.

Napalingon ako doon sa sumampal sakin. Ang bigat ng kamay ah. Tsk.

"Anong problema mo nanaman sakin?" Mahinahong tanong ko sa kanya subalit yung mga tao sa paligid namin ay nagkakagulo na.

"Problema ko? Ito oh!" Sigaw niya sakin sabay may ipinakita na pictures sa phone niya. Pictures namin ng boyfriend niya kagabi nong sumayaw kami. Tsaka yung magkalapit yung mga mukha namin.

"Oh! I look so hot on that picture." I replied.

"You're such a slut! Damn! Napakalandi mo!" Sigaw niya nanaman at sinugod nanaman ako.

*paaaaakkkkkkkkk

Ayan, sinampal nanaman ako. Pero pinakita ko lang sa kanya na parang di manlang ako nasaktan sa mga sampal niya.

"Syra! Please stop it!" Pigil naman sa kanya ng boyfriend niya na biglang dumating.

Naka-dalawang sampal ka na ha. Isa nalang talaga babalibagin na kita.

Hinawakan na siya ng boyfriend niya pero nagpupumiglas parin siya. Galit na galit. Gustong manakit.

Napangisi ako, na ikinagalit niya naman lalo. Napansin ko rin na sobrang dami na ng mga estudyanting nakapalibot samin. Yung iba kinukunan pa kami ng pictures at video. Tsk.

"Damn you! If you want to flirt, go find some jerks and fuck with them! You should stay away from someone who's already in a relationship!"

Malakas na sigaw niya na para bang sinadya niya talaga para mas maraming makarinig sa sinabi niya.

Don't Mess With The Badass ChicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon