Xiomara's POV
Pagkauwing-pagkauwi ko palang sa apartment, dumiretso na ako agad sa kusina at kumuha ng beer sa ref. Binuksan ko ito at nagsimulang uminom mag-isa.
Haaayyy. My first day was really tiring. Kinuha ko yung phone ko at binuksan ang messenger nito.
Oh I see. I was flooded with messages from my family and some of my friends. Miss na nila ako agad? Mag-isa lang kasi akong umuwi dito sa Pilipinas. Nasa Japan sila lahat. My mom is a half-Japanese model and she's really famous all over the world. Minsan nga pinipilit nila ako na maging model din, but I'm not really into modelling. Si papa naman, he's a pure Filipino and a doctor in Japan. And I have a younger brother too.
I chuckled.
Maki-ate kasi yun. Gusto nga sanang sumama sakin dito pero di ako pumayag. Tiningnan ko yung messages niya sakin at napa-iling nalang ako. Daig pa ata boyfriend kung makapag check sakin kung anong mga ginagawa ko. Baka namimiss ako ng bakulaw na 'to. Haha.
Okay naman ang buhay namin sa Japan. Maganda rin ang career ko dun. I'm a vocalist sa isang pinaka-sikat na banda doon. Pero temporarily na disband kami ngayon, dahil nga umuwi ako dito sa Pilipinas. Medyo nalungkot ako dahil yung mga ka-banda ko, sila rin yung pinakamalapit kong mga kaibigan. Pero naintindihan naman nila ako sa desisyon ko. Ayaw din nilang maghanap ng kapalit ko.
Registered nurse na rin ako and nag business ad naman ako ngayon dito sa Pilipinas. Kung bakit? Hindi ko rin alam. Maayos ang buhay ko sa Japan, pero pakiramdam ko may kulang sa pagkatao ko. Kaya napagdesisyonan ko nang bumalik dito sa Pilipinas at mag-aral ulit para naman may magawa ako rito. Gusto ko ang career ko sa Japan, pero minsan gusto ko rin ng tahimik at simpling buhay lang.
Kumuha ako ulit ng alak at nilagok iyun ng diretso.
We used to live here. But I was the reason why we have decided to go to Japan and live there— to get rid of my past.
I took my cigarette from my pocket and lit it up.
Now I'm back here. Nakatira ako sa isang maliit na bahay na kakabili ko lang noong isang linggo. Isang ordinaryong bahay lang 'to, pero gusto ko yung space sa loob. Siguro sa weekends ko nalang papaayusin ang loob ng bahay na 'to. Ayoko nang ayusin sa labas para iwas magnanakaw. Haha.
Di manlang ako nakapagpalit ng damit ko, dumeritso na ako sa kwarto at natulog. I feel so tired.
ZzzzzZzzzzZzzzzzzZzz
*Krrrrriiiiiinnnggggg~
Puta naman ang sakit ng ulo ko! Ang aga mag-ring nung alarm clock!
Bumangon na ako agad at naligo. Di uso sakin yung "5mins more" dahil kalokohan yun.
Maliban sa nagustuhan ko ang loob ng bahay kaya ko binili, nagustuhan ko rin yung bahay dahil may malapit na kainan. Doon ako nag almusal at talaga namang sulit ang pera ko dun dahil ang sarap ng mga pagkain. Huhu! Friends na nga kami ni nanay na taga luto eh, simula nong tumira ako rito, doon na ako laging kumakain. Di parin kasi ako nakakapag-grocery hehe.
Pagkatapos kong mag-ayos sa sarili ko with a light make-up and my usual getup na black jeans and sleeveless shirt, dumiretso na ako sa university.
Pero di ako nakapasok sa first subject ko ngayong araw. Tsk.
Dahil pinatawag ako sa guidance office.
Tinitingnan ko ngayon yung babaing umiiyak habang nagsusumbong sa matandang nasa harap namin. Ito yung babaing binato ako kahapon ng sapatos. Tsk. Napakagaling mag-drama.
Tinulak ko raw yung boyfriend niya hanggang sa masubsob sa lupa tapos binato yung sapatos niya sa puno. Ano 'to? Pambatang sumbungan?
I smirked.
BINABASA MO ANG
Don't Mess With The Badass Chic
RomanceFeeling incomplete is one of the reasons why we can't love ourself. There is a missing part within us so we try to search it in some places or maybe sometimes, we try to search it from people. A strong woman went back to the country where she had ex...