CHAPTER 1

29 2 2
                                    

Xiomara's POV

Pagka-sakay ko palang sa motor ko ay tiningnan ko na agad ang relo ko. Mukhang napaaga ata ako. Hinigpitan ko ang hawak sa helmet ko at napangisi nalang bigla.

Hayyyy. This is it! Excited na akong mag-aral ulit!

Sinuot ko na ang helmet ko at pinaharurot ang motor papunta sa bagong University na papasukan ko.

Pagdating ko doon ay ipinark ko na agad ang motor at kalmadong pumasok sa campus. Syimpre para di halatang excited ako.

Nagtingin-tingin at nagtanong-tanong ako kung nasaan yung building ng college namin at nalaman ko na nasa dulo pala haissst! Ang layo naman! Tsaka nalaman ko na pwede naman pala makapasok yung motor, iniwan ko pa dun sa parking lot. Haayyyy badtrip! Ayoko nang bumalik sa parking lot kasi mas matatagalan lang ako.

Tumuloy nalang ako sa paglalakad habang nakasimangot. Maya-maya pa'y nakita kong may lalaking tumatakbo papunta sa direksyon ko subalit may pahabol na kinakausap siya sa likod niya kaya di na niya napansing may tao sa harapan niya.

*boooggshh*

Huli na para makaiwas ako dahil nabangga na niya ako. Tsk! Ngunit imbes na ako yung matumba, para lang siyang nag-bounce sakin at napagulong pa sa lupa. Siguro napalakas yung impact ng pagkakabangga niya kasi tumatakbo siya. Tsk.

Napansin ko namang marami na palang nakatingin samin kaya imbes na tulungan siya, tiningnan ko lang siya ng masama.

"Hey! What do you think you're doing?"
Bigla nalang may sumulpot na babae mula sa likod ko at dinuro-duro ako.

Nagsimula nang umingay sa paligid at napansin kong mas dumami na yung nakatingin samin. Anong eksena ba 'to? Haissst.

"Sa tingin mo papalampasin ko 'to? Ha?!"
Sigaw parin ng babae sa harap ko pero tinampal ko lang ang kamay niya na nakaduro sakin at tiningnan din siya ng masama. Nakita ko namang gigil na gigil siya sa ginawa ko.

"Stop it baby! It was my fault!" Pigil sa kanya nung lalaking bumangga sakin. Ahh mag-jowa pala. Whatever.

Nagsimula na akong maglakad pero bago pa man ako makalayo, naramdaman kong may matulis na bagay na tumama sa likod ko at nakita ko ring naka-pigil hininga yung ibang mga tao. Kaya napalingon ako.

Nakita ko sa lupa yung sapatos nung babae kaya tiningnan ko siya ulit at nakitang pulang pula na siya at gigil parin. Pinulot ko yung sapatos niya na may matulis na takong. Tsk. Namumuro na siya ha. Papatulan ko na sana pero nakita ko yung oras sa relo ko.

Shit! Late na ako!!!

I looked at them and chuckle. Haha pasalamat kayo late na ako. Kaya ang ginawa ko, ibinato ko nalang yung sapatos niya dun sa pinaka-malapit na puno. Nabigla ang lahat at nakita kong medyo natawa rin yung lalaki sa ginawa ko samantalang yung girlfriend niya naman ay tiningnan siya ng masama. Pero wala na akong pakialam dahil late na talaga ako kaya kumaripas na rin ako ng takbo papunta sa room kung nasaan ang first class ko.

Nakarating ako sa pinto ng classroom na habol parin ang hininga sa kakatakbo at shit lang! 30 mins. late na ako!

"Kyaaaaaahhhh omg! Woah!"

Biglang napatingin sakin lahat ng nasa classroom nung may biglang sumigaw na babae sa loob at tinuro-turo ako. Fuck!

Tiningnan ko ng masama yung babae na yun at tinakpan niya naman ang bibig niya saka nahihiyang umupo habang nakatingin parin sakin.

"Do you belong in my class Miss?"

Napalingon ako sa Teacher na nasa harap ko na pala.

"Yes." I replied and then I bowed in front of her. Saka ko lang narealize na nasa Pilipinas na pala ako, wala na sa Japan. Tsk.

"Introduce yourself to us." Yun lang ang sinabi niya at naglakad na papunta sa may whiteboard. Sumunod naman ako sa kanya at tumayo ako sa harap ng classmates ko. Napansin ko naman agad na parang hindi mapakali yung babaing tumili kanina pati na rin yung katabi niyang lalaki na titig na titig sakin. Hinayaan ko nalang sila at tumingin nalang ako ng diretso.

"I'm see-yoh-MAH-ruh Dizon." Inemphasize ko talaga yung pangalan ko dahil maraming nagkakamali dito. Tsk. Sounds like Mississippi, ganun lang yun.

Di ko na sana dudugtongan pa pero nakita kong pati yung teacher naghihintay pa ng karugtong kaya ang nasabi ko nalang...

"A transferee. And don't mess with me."

Naghiyawan naman yung mga nasa likod tapos yung iba nama'y pumalakpak pa. Akala siguro nagbibiro ako. Tsk.

"Okay. You can sit there. And class, this is your final sitting arrangement till the end of the semister." Sabi ni Ma'am sabay turo sakin dun sa bakanting upuan sa gitna nung dalawang lalaki at sa likod lang din nung babaing tumili kanina.

Pumunta na ako dun at nakasimangot na umupo. Ang gandang pwesto ah. Haisst! Di ko nalang pinansin yung mga katabi ko.

Since first day of school, panay litanya lang si Ma'am sa class rules niya. Kaya di nalang ako nakinig, di pa naman seryoso yung klase.

Ito namang dalawang classmates ko sa harap ay panay lihim na sumusulyap sakin pero nahahalata ko rin naman. Tiningnan ko sila ng blanko kaya tumigil na rin kakalingon sakin.

Ano bang problema ng dalawang 'to? Nababadtrip na ako agad sa araw na 'to!
Pinagmasdan ko nalang yung likod ng babae na naka-upo sa harap ko. At mas na-frustrate lang ako kasi she's acting weird kanina tapos ngayon naman she has a flower base on her hair.

Kumunot yung noo ko habang tinitingnan yun. kulang nalang flowers. Haisst! Stupid hairpin.

*somebody chuckles*

Napalingon ako sa katabi ko nung bigla ko siyang narinig na mahinang tumawa. Tiningnan ko siya at mas kumunot yung noo ko nung marealize kong sakin pala siya nakatingin.

"Hahahahaha!" At yung gago, nagpakawala pa ng makalas na tawa. Napatingin naman ako agad sa harap pero nakita kong kakalabas lang pala ni Ma'am. Di ko na namalayan na dismissed na pala kami.

"Hala! Ang cute niya tumawa waaahh!" Rinig ko namang sambit ng ilang classmates kong babae kaya napalingon ulit ako sa seatmate ko. Nagpipigil parin ng tawa. Ngisi ng ngisi. Parang tanga.

Tumayo nalang na ako at naglakad palabas ng classroom. Naghanap ako ng pweding matambayan dahil may one hour pa naman akong vacant time at sakto namang may nakita akong malaking puno sa di kalayuan. Walang tao pero hindi mainit at tanaw na tanaw ang ilang bahagi ng campus. Inakyat ko 'to at doon pansamantalang tumambay.

"Haiiissstt!! Kakasimula palang ng araw ko, nakaka-badtrip na agad!"

Don't Mess With The Badass ChicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon