PROLOGUE

41 4 2
                                    

Minsan nasasanay nalang tayo na manahimik kapag napagod na tayong patunayan ang sarili natin sa ibang tao. Maging mabuti ka man o maging masama, kung anong tingin nila sayo, yun lang ang papaniwalaan nila.

Nakakapagod din naman kasing magpaliwanag kung walang maniniwala sayo. Nakakalungkot kapag ang pagsasabi ng nararamdaman mo'y tila balewala nalang sa mga tao. Nakakatakot ikulong ang sarili sa dilim lalo na kung walang nakakakita sa liwanag mo.

Marahil may mga pagkakataon na napakahirap nang harapin ng mundo. Madalas ay napakahirap nang pakisamahan ng mga tao sa paligid mo. Subalit andyan ka parin, pinipiling intindihin ang mga bagay na nakakapagpa-hirap sayo. Pinipiling maging mabuti kahit na ilang beses ka nang ginawan ng masama. Pinipiling mag-unawa. Pinipili mo parin na magpatawad at magmahal kahit na ilang beses ka nang nasaktan.

Palagi mo nalang iniintindi at pinapahalagahan ang iba.

Subalit paano ka?

Sinong makikinig sayo kapag hindi mo na kayang manahimik?

Sinong iintindi sayo kapag wala nang naniniwala sayo?

Sinong uunawa sayo kapag galit ka sa mundo?

Sinong mananatiling tapat sayo kapag wala ka nang tiwala sa kahit na sino?

Sinong magpapahalaga sayo kapag hindi mo na rin makita ang sariling halaga mo?

Sinong mananatili sa tabi mo kapag pakiramdam mo'y iniwan ka na ng lahat?

Palagi nalang ikaw ang nang-iintindi. Subalit sino ang iintindi sayo kapag pagod ka na?

Palagi ka nalang lumalaban mag-isa. Subalit sino ang handang ipaglaban ka?

At higit sa lahat...
Sinong magmamahal sayo kapag hindi mo na rin kayang mahalin ang sarili mo?

Don't Mess With The Badass ChicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon