CHAPTER 8

15 0 0
                                    


Xiomara's POV

knock.knock.knock.

"ay hala shit! pre tingnan mo dali!"

"bakit? woah!"

"picturan mo dali!"

hmmm. Ang ingay naman. Sumasakit lalo ang ulo ko.

"Gago! Tigilan niyo yan. Ano ba?!"

"Bro. Anong nangyari diyan kagabi? Ba't diyan kayo natulog? Hahahaha!"

"Xio. Wake-up. Xio!"

Hmmm. Naramdaman kong may yumu-yugyog sakin, pero wala akong pakialam. Sobrang sakit ng ulo ko kaya kung sino man yung mga taong kanina pa nag-iingay diyan, ayoko na munang intindihin.

"Xio! Hey. Wake-up! Hey!"

Hmmmm. Masasakal ko talaga kung sino man iyang nang-gigising sakin.

"sarap na sarap ata pre hahahahaha!"

"gago! umalis na nga kayo diyan!"

Hmmmm. Isang ingay nalang talaga, sasapakin ko lahat ng sumisira sa tulog ko. Narinig ko naman na parang may nagtakbuhan na papalayo at bigla nalang tumahimik ulit yung paligid.

"Xio! Hey! I said wake-up!"

Haissst! Ayan nanaman may yumu-yugyog nanaman sakin. Nakakainis!

"Ano ba?!" sigaw ko at saka ko iminulat ang aking mga mata.

What the fuck?

"Enjoying the ride huh?" sabi ni Kent sakin habang naka-ngisi.

Naramdaman kong nag-init yung mga pisngi ko dahil sa sinabi niya kaya umiwas akong tingnan siya at kaagad akong umalis sa pagkaka-upo sa mga hita niya. Nagmamadali akong lumabas sa kotse niya. Damn! Naalala ko yung nangyari kagabi kaya napalingon ulit ako sa kanya, pero yung gago naka-ngisi parin sakin.

"Here's your bra." napamaang ako nong akmang may kukunin si Kent sa tabi niya kaya kinapa ko na rin yung dibdib ko.

Tumawa siya ng malakas dahil sa ginawa ko kaya binuksan ko ulit yung kotse niya saka siya binatukan. Nandito parin naman yung bra ko eh. Joke niya lang pala yun.

Bumalik na ako ulit sa motor ko at nagdadabog na isinuot ang helmet. Ipapasok ko na sana yung susi para paandarin ang motor ngunit napahinto ako dahil sa biglaang pagkahilo ko. Ang sakit parin ng ulo ko. Inilagay ko yung palad ko sa noo ko pati na rin sa leeg at tama mga ang pakiramdam ko, inaapoy ako ng lagnat.

"I'll drive you home. I know you're not feeling well. Sobrang init mo kanina. Mag suot ka ba naman ng ganyan kahit na sobrang lamig kagabi? Tsk."

Napalingon ako kay Kent na nasa tabi ko na pala. He just drove me crazy last night! Ngayon naman, he'll drive me home? Hmmm.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya dahil bahagya rin akong natawa sa pinag-iisip ko.

"Hindi na. Kaya ko pa ang sarili ko," sagot ko sa kanya.

Ayokong malaman niya kung saan ako nakatira. Baka bisitahin niya ako palagi. Hihi feelingera!

Nag insist parin siya na ihatid niya ako pero hindi talaga ako pumayag. Isa pa, paano ang motor ko? Ayokong iwan dito. Nainis siya bigla sakin at pumasok sa kotse niya na di manlang nagpapaalam sakin. Ano daw? Bakit kailangan pa bang magpaalam? Haha!

Napailing ako at itinuloy ko na ang pagpapa-andar sa motor ko kahit na nahihilo ako. Di na rin ako nagpaalam kina Peter na aalis na ako. Uwing-uwi na ako eh!

Don't Mess With The Badass ChicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon