CHAPTER 6

34 2 2
                                    


Xiomara's POV

Today is friday, at excited na akong matapos agad ang araw na 'to. Mula pa kanina party lang ang iniisip ko. Sana pala di nalang ako nag-aral ulit kung pagliliwaliw lang naman pala ang hanap ko. Pero sabagay, gusto ko rin naman ng bago so okay nang mag-aral nalang ulit.

Naglalakad ako ngayon sa campus dahil iniwan ko sa parking lot ang motor ko. Sobrang aga ko kasing pumasok ngayon kaya feel kong maglakad-lakad na muna. May isang oras pa ako bago magsimula ang una kong klase.

Sa di kalayuan, nakita ko si Hannah na papunta sa direksyon ko pero di nya parin ako nakikita. Bigla ko namang naalala yung cookies na binigay niya sakin ilang araw na ang nakakaraan pero di ko parin nakakain dahil palagi kong nakakalimutan at iniiwas ko lagi ang usapan pag tinatanong niya ako kung anong lasa ng cookies na binigay niya. Patay!

Mabilis akong nag-iba ng direksyon at hinalungkat yung bag ko. Ayun! Mabuti naman at hindi nilanggam yung cookies. Kakainin ko na talaga 'to, nakakahiya na kay Hannah. Tumingin ako sa paligid ko, mabuti naman at wala akong nakitang signs na nandyan si Hannah.

Umupo ako sa gilid malapit sa may basketball court at doon ko mabilis na kinain yung cookies. Ang sarap pala nito! Di ko ma-explain yung lasa pero kakaiba sa mga cookies na una kong natikman.

Minsan ay pinagsasabay ko nang dalawa ang sinusubong cookies dahil bukod sa masarap, baka ma-late na rin ako. Kumain lang ako ng kumain sa gilid at disedido akong ubusin 'to. Umakto pa akong gumagawa ng commercial ng cookies habang kumakain.

Maya-maya pa'y may narinig akong nagtawanan mula sa likod ko. Napatigil ako nong mag sink-in sakin na may mga tao pala sa likod ko kanina pa. Huhu!

Dahan-dahan ko silang nilingon at nakita kong sakin nga sila nakatingin habang tumatawa. Dalawa silang kanina pa pala nakikinig at nanunuod sakin. Nakilala ko pa ang isa dahil ilang beses ko na siyang na encounter— si Mackie, ngunit yung kasama niya ay di ko kilala.

Tumawa lang sila ng tumawa at bigla naman akong nakaramdam ng hiya dahil dun, kaya nama'y inaklok ko nalang sila ng cookies.

"do you want some?" pag-aalok ko sa kanila sabay inilahad ang cookies.

"I'd love to. I think it's tastier and yummier than anybody's ass!" sabi nong kasama ni Mackie na ginaya pa talaga yung sinabi ko kanina.

Sabay silang humagalpak sa tawa dahil dun habang ako naman ay natatawa na rin pero pinigilan ko lang. Binigay ko dun sa nagsalita yung cookies na tira ko at saka ako nagmadaling naglakad palayo sa kanila.

Pagdating ko sa classroom namin ay bigla nalang may humila sakin palabas.

Si Hannah.

Tumakbo kami ng tumakbo pero hindi ko alam kung bakit. Hinihila niya lang kasi ako sa kung saan. Lingon siya ng lingon sa likod pero wala namang humahabol samin. She's acting weird. Ano bang meron?

Nakarating kami sa isang... music room?

Kaagad niyang nilock ang pinto at mula sa gilid ay may kinuha siyang gitara na nakatago rito. Kumunot naman ang noo ko ng makita ko yun.

"Nagsisimula na ngayon ang klase natin. Why did you dragged me here?" tanong ko sa kanya.

"Sorry Xio! Nadamay pa kita rito... Ano kasi eh, birthday ngayon ni Tj," sabi niya sakin.

"Gusto ko sana itong papirmahan sayo," pag tutuloy niya sa sinabi niya at inabot ang gitara sakin.

Naguluhan naman ako sa sinabi niya kaya tiningnan ko lang yung gitara.

Don't Mess With The Badass ChicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon