Kent's POV
When I looked into her eyes, I felt like something inside me wants to take care of her forever. I don't really know her— I only know her name, but I have this strange feeling for her and I don't know what it is.
She's acting like a kid when she's sick. But it's cute, I love seeing her that way. Kinulit niya pa ako ng kinulit buong gabi hanggang sa nakatulog nalang kaming dalawa sa sofa.
Kinabukasan, maaga akong nagising para sana magluto ng breakfast namin pero naalala ko na wala nga pala siyang stock ng pagkain. Haissst! Ano ba naman itong babaing 'to? Naghalungkat pa ulit ako sa mga cabinet niya sa kusina pero wala talaga akong makita. Bumalik ulit ako sa sala ngunit nagulat ako na gising na pala siya.
Nakabusangot siyang nakaupo sa sofa at sobrang sama ng tingin sakin. Tumayo siya at mabilis na naglakad papunta sa kwarto niya. Ang mas nakakapag-taka pa, nagdadabog niyang isinara yung pintuan.
Woah! What was that for?
Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil sa ginawa niya. Nilingon ko ulit yung pinto pero sarado parin kaya nahiga na muna ulit ako sa sofa. Maya-maya pa'y lumabas na rin si Xio na naka-bihis at nakabusangot parin na nakatingin sakin. Panay parin ang ubo niya at kita parin sa mga mata niyang matamlay na nilalagnat siya.
"Saan ka pupunta?" tanong ko.
"May pasok tayo ngayon diba? Bakit di ka pa— achooo! Bakit di ka pa nagpi-prepare?"
Kumunot yung noo ko dahil sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Papasok siya kahit mataas parin ang lagnat niya? Di maka-absent kahit may sakit? Tsk.
"I'm not going to school, and you're not going either." sabi ko sa kanya, at kampanting humiga ulit ako sa sofa.
"Kung ayaw mong pumasok, edi wag. Basta ako papasok ako."
Napabangon ako dahil sa sinabi niya. Aba, ang tigas ng ulo. Nilapitan ko siya at idinikit ko yung mga palad ko sa leeg at noo niya.
"No. You're not going anywhere. Sobrang init mo parin. Naligo ka nanaman! Di ka ba nahihilo? Bakit ba gustong-gusto mong pumasok? Come here!"
Hinila ko siya papunta sa may sofa at pinaupo siya doon. Mas sumama yung tingin niya sakin at halos konti nalang ang nakikita sa mga mata niya dahil naniningkit nanaman. Ano ba kasing problema ng babaing 'to?
"Nase-sense ko na magkakaroon tayo ng quiz ngayon sa math kaya gusto kong pumasok parin. Kung gusto mo umabsent, wag moko idamay."
"Luh! Eh ba't ka nagagalit? Kanina ka pa diyan nagdadabog," sabi ko sa kanya.
"tsk."
"Fine! Pero sa math lang tayo papasok. Uuwi agad tayo para makapag-pahinga ka. Hintayin moko."
Mukhang desidido talaga siyang pumasok kaya siyempre pati ako papasok din. Haisst! Ang hirap niyang alagaan, ang tigas ng ulo!
Dalawa naman yung C.R. ng bahay niya kaya doon na ako naki-ligo sa C.R. na malapit sa kusina. After 15 minutes lang din siguro, bumalik na ako sa sala para makaalis na agad kami. Nadatnan ko siyang magbubukas na sana ng tv pero napahinto siya dahil nakita niyang tapos na ako.
"Let's go. Kakain pa tayo," sabi ko sa kanya.
Inirapan niya lang ako at naglakad palabas ng bahay. Isinara niya nanaman ng malakas yung pinto habang ako naman ay nagtataka parin na nakatayo rito. Di ko alam kung gutom lang ba yun o ano eh. Napailing nalang ako at sumunod sa kanya.
Paglabas na paglabas ko palang ay nakita ko na agad na nakasakay na siya sa motor. Nilapitan ko siya at tinanggal yung susi ng motor niya kaya napalingon siya sakin. Kumunot yung noo niya dahil sa ginawa ko pero tinaasan ko lang din siya ng isang kilay ko.
BINABASA MO ANG
Don't Mess With The Badass Chic
RomanceFeeling incomplete is one of the reasons why we can't love ourself. There is a missing part within us so we try to search it in some places or maybe sometimes, we try to search it from people. A strong woman went back to the country where she had ex...