CHAPTER 7

38 2 4
                                    


Xiomara's POV

Madalas sinasabi ng iba na isang hakbang para makalimot ang pagpapatawad. Upang tuluyang maghilom yung sakit na nararamdaman, kailangan mo raw patawarin yung mga taong naging dahilan kung bakit ka nasasaktan. Kabaliktaran naman ang paniniwala ko dun. Paano mo naman kasi magagawang magpatawad kung nasasaktan ka pa?

Para sakin kasi, kapag naghilom na yung mga sugat mo, kapag hindi na nababalutan ng galit yung puso mo, kapag nagkaroon ka na ng katahimikan sa puso't isip mo, saka mo lang mapapatawad yung mga taong nagkasala sayo.

Paano ko ngaba mapapatawad ang mga taong yun?

Naikuyom ko ang aking kamao ng maalala nanaman ang trahedyang nangyari noon.

Pinagmasdan ko ang puntod na nasa harap ko at inilapag sa tabi ang bulaklak na dala ko.

Bernard Dizon.

Siya ang tumayong pangalawang ama ko at siya rin ang nagsanay sakin simula bata palang upang matutong makipaglaban. Kapatid siya ni Papa at dati siyang kagalang-galang na Heneral. Limang taong gulang palang ako nong sinanay niya akong mag-karate pati na rin sa kung paano makipaglaban gamit ang punyal.

Walong taong gulang ako nong tinuruan niya akong bumaril. Itinuro niya sakin kung paano gamitin ang iba't ibang klase ng baril at maging sa archery ay tinulungan niya akong maging bihasa rito. Hindi ko alam noon kung bakit kailangan kong pag-aralan iyun sa murang edad pa lamang. Ngunit ang sabi niya sa akin, balang-araw ay kakailanganin ko yun.

Sampung taong gulang ako noong pinagsanay niya rin ako sa Aikido. Binigyan niya rin ako ng exclusive training kung saan ako tuluyang naging bihasa sa pakikipaglaban kahit na bata palang. Labing-dalawang taong gulang ako noong sinabi niya saking handa na ako, ngunit labing-dalawang taong gulang din ako noong nawala siya.

*Flashback*

*baaaanngggg

Napaluhod ako ng barilin ako sa paa nong lalaking nasa harap ko. Di ko na rin maitayo ang sarili ko dahil marami na rin akong saksak sa katawan. Sinipa niya ako sa mukha na tuluyan ko nang ikinatumba sa semento.

"You're just a kid." Sabi niya sakin bago siya tuluyang umalis sa harap ko. Sobrang lakas ng ulan noon at sinasabayan pa ito ng malakas na kulog at kidlat ngunit narinig ko parin ang mga sinabi niya.

"Kayo na ang bahala sa mga batang yan." Utos niya sa mga tauhan niya bago siya umalis. Sumunod na rin sa kanya ang iba niyang mga tauhan samantalang ang iba naman'y naiwan dito sa amin.

Napaluha ako ng makita ko sa harap ang walang buhay na si Tay Bernard. Kitang kita ko kanina kung paano siya binaril sa ulo at paulit-ulit na sinaksak sa harap ko kahit na wala na itong malay.

Sa gilid nito'y kita ko rin ang isang pugot na ulo, ito yung ulo ng lalaking ama ata ng batang kaedad ko rin siguro na nasa tabi ko ngayon. Napabaling ako sa likod nito at nakita ko naman ang katawan ng babaing walang buhay na rin, iyun naman ang ina na binaril din kanina sa ulo.

Napapikit ako dahil di ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.

"aahhhhhhh!" sigaw ng batang nasa tabi ko kaya napamulat ako't nakitang sinaksan na pala siya sa binti nong lalaking nasa harap niya.

Lumalabo na rin ang paningin ko dahil na rin siguro sa ulan kaya di ko makita ng maayos yung mukha ng bata ngunit alam kong sobrang masakit yun. Hindi ako makakilos. Makita ko palang si Tay Bernard ay nanghihina na ako. Napapikit ulit ako nong marinig kong humiyaw ulit sa sakit yung batang kasama ko. Alam kong ako na ang susunod.

"If you can't win the fight, then you should at least do everything to survive the fight."

Bigla akong napamulat noong naalala ko ang madalas na paalala sakin ni Tay Bernard. Pinunasan ko ang mga luha ko at dahan-dahang kinuha yung dalawang punyal na naka-suksok sa sapatos ko. Ibinato ko ang isa doon sa leeg ng lalaking sumaksak sa bata samantalang yung isa naman ay ibinato ko sa leeg nong lalaking pinakamalapit sakin.

Don't Mess With The Badass ChicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon