Kent's POV
"Maaa!! Ateeeee! Stop it!" Awat ko sa kanilang dalawa ng bigla silang nagsikapit kay Xio. Haisst!
"I'm not his girlfriend." Kalmadong nagsalita si Xio at nginitian sila pareho.
"Ang hina mo bro." sabi sakin ni ate, pagkatapos ay inirapan ako.
"Di pa siya tapos kumain. Tsk." Umupo ako pagkatapos kong sabihin iyun. Bigla naman silang napabitaw pareho at humingi ng paumanhin. Pero di parin sila umalis. Nakiupo pa sa bakanting upuan sa tabi namin. wtf? Nakakahiya.
"It's okay." Kalmado paring sagot ni Xio at nag-bow sa kanilang dalawa bago maupo ulit.
"Wow. I like her." My mom exclaimed.
Parang gusto ko nalang magtago sa ilalim ng mesa ngayon. Bakit ba kasi sumugod pa sila rito? Akala ko ba busy sila? Kaya nga dito nalang kami kumain eh. Pati ako nagulat sa biglaang pagdating nila. Ahh badtrip!
"Baby boy wag ka ngang bumusangot dyan!" Sabi sakin ni mama nong napansin ako.
"Maaa!!!! I'm not a kid!" Kaagad na sagot ko ng marinig ko yung 'baby boy'. Fuck.
Napalingon kami nong bigla nalang tumawa ng malakas si Xio. Marami rin ang napatingin sa kanya. Yes. She has that beautiful laugh that no one would ever dare to resist. And she's not aware of that.
Tahimik lang kami at pinagmasadan siyang tumawa. Alam kong tumatawa siya dahil sa itinawag sakin ni mama pero di ko magawang mainis. Nakita kong napangiti sina mama at ganun din yung mga taong nakatingin samin ngayon.
Nagpakilala sila at nagkwentuhan na parang di ako kasama sa mesa. At ito namang si Xio, akala ko'y mahihiya manlang pero walang hiya rin ata ang babaing yan. Nagawa niya pang makipag-biruan kina ate.
Tinutukso kaming dalawa pero siya naman ay sinasakyan lang ang trip nila. Tinatawag pa akong baby sa harap nina mama. Pambihira naman oh!
Napahaba na ang kwentuhan nila. Pero nong mag 2pm na, nagpaalam si Xio na aalis na dahil may importante pa raw na gagawin. Baka kamo napagod na sa kakasalita. Tsk.
"Alis na ako moma." Sabi niya sa mama ko.
Yes. Moma na agad ang tawag niya, na ikinatutuwa naman nilang dalawa. Tiningnan ko siya ng masama dahil sa sinabi niya pero di niya ako pinansin. Inihatid ko naman siya hanggang sa labas pero di ko parin siya kinikibo kahit minsan nagsasalita siya.
"The foods are great and the ambiance of the place is very refreshing. I'll probably visit here sometimes. Thanks!" Sabi niya habang tinitingala yung taas ng Café kung saan nakasulat ang "Señoritas Café". Isinuot na niya yung helmet niya habang nakasakay na rin sa motor.
"Whatever." Yun nalang ang nasabi ko at tatalikuran ko na sana siya pero narinig ko siyang nagsalita ulit kaya tiningnan ko siya.
"By the way, you look cute when you're mad."
*Brrroooooooooommm*
Naiwan akong nakatayo sa labas dahil mabilis niyang pinaharurot yung motor pagkatapos niyang sabihin iyun.
By the way, you look cute when you're mad.
You look cute when you're mad.
You look cute when you're mad.
Haissst! Ginulo ko nalang ang buhok ko ng biglang magpaulit-ulit sa utak ko yung sinabi niya.
Tumalikod na ako para sana bumalik sa loob pero may bigla akong nabangga nong tumalikod ako.
"Araayy!" Reklamo ni ate na nasa likod ko na pala kasama si mama.
"Ano nanaman?" Naiiritang sabi ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
Don't Mess With The Badass Chic
RomanceFeeling incomplete is one of the reasons why we can't love ourself. There is a missing part within us so we try to search it in some places or maybe sometimes, we try to search it from people. A strong woman went back to the country where she had ex...