Prologue

14 1 0
                                    

Matagal na akong hanga sayo.

Hindi ko na nga maalala kung gaano kalaki ang buka ng bibig ko sa t'wing napapanganga ako dahil sa sobrang galing ng mga mumunting tricks mo sa yoyo nung mga paslit pa lang tayo.

Bilib na bilib nga rin ako sa mga dinosaurs na minolde mo mula sa modelling clay noong pre-school pa lang tayo.

At naaalala mo pa ba nung elementary tayo? Sa t'wing irerecite mo ang multiplication table ay pigil-hininga akong napapabilib sayo dahil nagagawa mo ito ng walang palya at dire-diretso.

Noong mag-high school naman tayo, alam mo bang napapatulala na lamang ako dahil sa tindi ng mga arguments mo t'wing kasali ka sa debate sa school?

At hindi ka siguro maniniwala kung sasabihin ko sa iyong isa ako sa mga bumoto sayo noong SSG elections nung fourth year tayo. Naniniwala kasi akong kung ikaw ang magiging SSG president ng SJA, nasa mabuti itong kamay dahil isa kang magaling na lider.

At ito pa, alam mo bang isa ako sa mga may malakas na hiyaw t'wing nasu-shoot mo ang bola sa t'wing may interschool basketball tournament kayong sinasalihan ng team mo. Ni wala nga akong pinapalampas na laban. Kahit nga sa Men's volleyball competition na sinasalihan mo, nanonood ako. Bilib na bilib pa nga ako sa lakas ng spike mo.

Isa nga din ako sa mga taga-hawak ng banner ng banda nyo t'wing may battle of the bands kayong sinasalihan. Ang galing mong tumugtog ng gitara.

Grabe ang lupet mo Tsong! Nasayo na lahat. Ikaw na.

Alam mo ba kung ano lang ang hindi ko hinahangaan sayo?

Yun ay ang KAGASPANGAN NG UGALI MO SAKIN. Ewan ko ba kung bakit. Mabait ka naman sa iba. Eh bakit sakin kung umasta ka parang kamag-anak mo si Moriarty? Lakas mong makakontrabida.

Eh Bakit nga ba?

Dahil ba, hindi ko man mapantayan ang kagalingan mo sa yoyo, wala ka pa rin namang panama sakin sa karera ng bisikleta nung maliit pa tayo?

O dahil mas natutuwa ang pre-school teacher natin sa mga swan and flower origami ko kaysa sa mga clay dinosaurs mo?

Baka naman dahil madalas ding purihin ng mga elementary teachers natin ang pagiging science and history freak ko, 'sing dalas ng pagpuri sa pagiging math wizard mo.

Hindi kaya dahil halos magkahawig ang mga ideya natin sa mga bagay-bagay? Yun nga lang kung sayo pinahahayag mo sa mga debates, ako, nilalahad ko sa mga written literary works.

O di kaya baka dahil nanalo rin akong SSG Vice President nung Fourth year tayo. Meaning, marami ring naniniwalang magaling din akong lider.

Dahil ba lagi din akong nanalo sa Taekwondo at swimming? 'Sing-sporty mo rin ako.

O dahil ba biniyayaan din ako ng konting kahusayan sa pag-awit kaya lagi din akong naisasabak sa mga singing contests sa SJA? Inclined din ako sa music tulad mo.

Hindi kaya dahil ako ang dahilan kung bakit hindi mo nasolo ang pagiging valedictorian nung high school tayo?

Kung iniisip mong sinasadya kong kumpetensiyahin ka, uy, hindi ah! Nagkakamali ka.

ANG TOTOO NIYAN...

rivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon