Chapter Nineteen

0 0 0
                                    

(Maddison's POV)

"SIGE na naman, friend. Akin na lang itong t-shirt mo", muli ay pangungulit ko kay Greg.

"Hindi nga puwede eh. At sinabi ko nang tigil-tigilan mo iyang katatawag mo sa akin ng friend. Sinabi ko naman na diba na nasabi ko lang yun dahil wala akong mahanap na salita para maintindihan ni Bless", asik nito sa akin habang nagpapatiuna na sa paglalakad. Nagprisinta kasi itong ihatid na ako pauwi dahil madilim na. Kagagaling ko kasi sa kanila dahil ginawa namin yung problem set namin nina Andrew at pagkatapos ay nawili ako sa pakikipaglaro kay Bless at nauwi pa sa habulan at pahiran ng pintura ang lahat kasama itong si Greg kaya hindi ko tuloy namalayang gabi na pala.

Hindi ko nga inaasahang mangyayari iyon eh. Parang isa lamang panaginip na imposibleng magkatotoo pero nangyari talaga. I can't imagine naka-bonding ko si Greg. It's unbelievable yet a worthwhile and priceless experience. I can't help but to be so happy about it.

"Bakit hindi ba niya maiintindihan kung sinabi mong classmates lang tayo? Sige na naman friend. Akin na lang ito", muli ay pamimilit ko. I am referring to the shirt he lent me last week. Ang totoo ay ibinalik ko na ito noong lunes pa pero muli niya itong pinahiram sa akin kanina. Pagkatapos kasi naming maghabulan at magpahiran ng pintura ay sobrang dungis namin kaya kinailangan kong magbihis dahil nakakahiya namang umuwi ako na ganun ang itsura ko. At dahil muli ay wala na naman akong dalang extra shirt ay muli na namang ipinahiram sa akin ni Greg itong t-shirt niya.

"Eh bakit ba kasi gusto mong hingin sa akin iyang t-shirt ko ha?" Bigla siyang tumigil sa pagalalakad saka hinarap ako. Mataman niya akong tinitigan at mukhang seryoso siyang malaman kung ano ang sagot ko doon sa tanong niya. Eh bakit ko nga ba gustong hingin itong t-shirt niya? Alangan namang sabihin kong, feeling ko kasi para na rin niya akong girlfriend kapag suot ko ito. Siyempre hinding-hindi ko sasabihin iyon no! NEVER! At saan ba kasi nanggaling ang pinagsasasabi kong iyon? Maddison talaga, oo.

Ang totoo ay kaya ko lang naman siya kinukulit na hingin itong t-shirt niya ay para may pag-usapan at pagbangayan kami hanggang sa makarating kami sa bahay. Parang tanga lang iyong dahilan ko. Pero naiilang kasi ako kapag magkasama kami lalung-lalo na pag hindi kami nag-iimikan eh. Kaya ayos na ito kahit na nagbabangayan kami at least hindi ako naiilang. At isa pa, natutuwa din kasi ako pag naiinis itong si Greg sa kakulitan ko eh. Pero yung inis na tipong charot-charot lang. Ansaya kasing tingnan habang nanlalaki yung butas ng ilong at yung mga mata niya saka iirap sa akin at mapapa-tss. Pero hindi ko rin naman pwedeng sabihin sa kanya nun no.

"Ah...eh..." Wala akong maisip na sagot.

"Ok. Here's the deal..."

"Ay ano ito? Deal or no deal? Is that you banker?" pamimilosopo ko sa kanya.

"Shut up and listen carefully. I will give you that shirt if you give me a valid reason why I should do that. You have three tries. So, what now?" sabi nito saka nagpatuloy sa paglalakad. Agad din naman akong sumunod sa kanya.

"Ah..." Nag-isip ako nang mabuti.

"Oh ano? Antagal naman. Kung wala kang maisip, you can just give up."

"Sandali lang naman. Wala ka namang sinet na time limit eh. Oh sige ito na. Dahil nga sabi mo noon napagliitan mo na ito? Oh di aanhin mo pa ito? Sayang naman. Eh tutal kasya ko naman, oh di ibigay mo na lang sa akin diba? Nakarecycle ka na, nakapagkawang-gawa ka pa. Oh, ayos ba?"

"Nah! Kasya ko pa iyan, medyo nagfifit lang pero nasusuot ko pa. Wala ka na bang ibang maisip? You still have two tries"

"Tss! Pwede naman na kasi yun eh! Pero sige. Eh di ba naisuot ko na ito, dalawang beses na nga eh. Ibig-sabihin kapit na kapit na dito yung amoy ko, ok lang ba iyon sa iyo?" Muli ay banat ko. Naku paniguradong susuko na iyon dito. Hahaha! I know you Greg. Believe me.

rivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon