Chapter Thirteen

0 0 0
                                    

(Maddison's POV)

PARANG kailan lang nang abala ang halos lahat ng estudyante ng UVC sa paghahanda para sa Foundation Day pero ngayon idinaraos na ito at katunayan ay nasa pangatlong araw na. Noong unang araw ay nagperform ang pep squad ng college namin na kinabibilangan nina Dennis at Mico at as expected ay isang spectacular performance ang ipinamalas nila na siya namang ikinatuwa ng mga audience.

May kani-kanya namang event sina Andrew at Madel kahapon. Si Andrew ay kasali sa extemporaneous speaking na ginanap kahapon ng umaga at game 1 naman ni Madel sa table tennis kinahapunan. Ngayon ay gaganapin ang event ni Lei sa essay writing. Gusto ko sana siyang panoorin at suportahan ngayon pero sumabay kasi yung responsibilidad ko sa Assistance Committee. Hay! Sayang naman.

"Good morning po Coach", bati ko kay Coach Oli, ang coach ng basketball team ng college namin.

"Oh Ms. Madriaga, anong ginagawa mo dito? Huwag mong sabihing may problem set na naman kayong gagawin ni Buenavista ah. Game 1 namin para sa Finals ngayon", pagbibiro ni Coach Oli. Naalala pala niya ako.

"Naku, hindi po. Huwag po kayong mag-alala, wala po kaming P.S. Nandito po ako para magdala ng mga kakailanganin ninyo sa game. Galing po ako sa Assistance Committee ng College natin. Kasama ko po sina Rick at Jonas", tukoy ko sa dalawa ko pang kasama na mula sa Assistance Committee na sa ngayon ay nagliligpit na din ng mga dadalhin namin sa University Gymnasium.

"Ha? Eh nasaan si Ramos? Siya ang kasama ng dalawang iyan nung nakaraan ah."

"Ah si Jeffrey po ba? Naku, tinrangkaso po siya eh kaya ako po muna ang hahalili sa kanya sa pag-assist sa inyo. Nadeploy na din po kasi sa ibang mga events ang ibang members ng committee namin, lalo na po iyong mga lalaki at ako na lang po ang bakante dahil nagchampion na ang college natin kahapon doon sa nakatoka sa aking event."

"Ganoon ba? Bakit wala ka bang event ngayon Foundation Day?"

"Ah wala po. Wala po akong sinalihan kaya sa Assistance Committee na lang po ako since considered as participation pa rin naman po iyon."

"I see. Siya sige. Pupunta na tayo sa University Gym mamaya. Hay! Sana manalo ang team natin. Sigurado akong todo ang ginawang paghahanda ng College of Human Kinetics sa muli na naman naming pagtutuos na ito. Sisiguraduhin nila na hindi namin masisilat mula sa kanila ang trono sa pagiging defending champion."

"Naku, kayang-kaya po ninyo iyan Coach. Alam ko pong puspusan din ang ginawa ninyong paghahanda kaya naniniwala po akong kakayanin ninyong manalo."

"Sana nga magdilang anghel ka hija. Dalawang taon na din kasi naming pinipilit magkampiyon laban sa CHK pero hindi kami nagtatagumpay. Palagi kaming nauuwi sa pagiging first runner up lang. Kaya sana ngayong taon ay magawa na naming pataubin ang kabilang koponan at nang hindi nila maisakatuparan ang kagustuhan nilang mag-grand slam dahil paniguradong mas lalaki na naman ang mga ulo at lalakas ang hangin ng mga iyon. Tsk! Tsk! Tsk!"

"Mahigpit niyo po pala talagang katunggali ang CHK. Pero chill lang po kayo Coach, alam ko pong ibibigay ng buong team ninyo ang best para manalo. Kayang-kaya po ninyo iyon."

"Sana nga hija, sana. Oh mag-aalas otso na. Mabuti pa, tara na at malapit nang magsimula ang game. Boys, let's go!"

Agad naman akong lumapit sa mga kasama kong mula sa Assistance Committee.

"Maddison, itong bag na lang ng mga towels at first aid kit ang dadalhin mo kami na ni Jonas ang bahala sa ibang mga kakailanganin ng team."

"Ha? Eh masyado naman atang magaan itong mga ito, pwede ko pang bitbitin iyong iba para naman hindi kayo mahirapang dalawa. Mukhang mabibigat iyang mga iyan eh." Dalawang gallon kasi ng tubig at may ilan pang bote ng mga energy drinks ang bubuhatin nila.

rivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon