Chapter Eighteen

0 0 0
                                    

(Gregory's POV)

MABILIS na lumipas ang mga araw at dahil sa sobrang dami ng mga ipinagagawa ng aming mga professors ay hindi na namin namalayan pang isang linggo na pala ang nakalipas mula nang matagumpay na maidaos ang foundation day ng aming unibersidad. Pero dahil na rin dito, naantala ang ilan naming mga gawaing pampaaralan kaya sa loob nitong nakaraang linggo ay tinadtad kami ng kaliwa't kanang mga requirements lalo pa't prelim examinations na namin sa susunod na linggo. Kaya naman ang mga butihin naming mga propesor ay hindi na rin nagkandaugaga sa pagbibigay sa amin ng mga tambak na gawain dahil wala pa daw sila masyadong magagamit sa pagcompute ng aming prelim grade. Quiz dito, problem set doon at iba pang mga requirements ang pinagkaabalahan namin kaya naman stressed na stressed kaming lahat sa klase. Mabuti na lang at maaayos naman ang resulta ng mga iyon para sa akin.

"Ate Maddie, you'll play...play with Bless after...after your homework?" muling usisa ng kapatid kong si Bless kay Maddison. Bilib din ako sa kakulitan nitong kapatid ko, pang-walong ulit na ata niyang itinatanong iyan eh.

"Yes Baby Bless, we'll play afterwards ha. I'll just help Kuya Greg and Kuya Andrew finish our homework ha. Don't worry, konti na lang ito, ok?"

Sagot naman ni Maddison. Aba! Mas bilib naman ako sa pasensiya ng isang ito dahil kung pang-walong ulit na siyang kinukulit ni Bless ay walong ulit na din niyang sinasagot ito nang hindi inaaburido. Ngiting-ngiti pa nga ito sa makulit kong kapatid. Ewan ko ba kung bakit magkasundong-magkasundo ang dalawang ito.

"Ah Bless, why don't you help Ate Tessie prepare snacks for Ate Maddie and Kuya Andrew in the kitchen? Sige na, they look hungry na oh lalo na si Ate Maddie mo", kumbinsi ko sa kapatid ko para tantanan niya muna itong si Maddison at nang matapos na namin itong problem set namin at agad din naman siyang sumunod. Nagbigay kasi yung propesor namin sa subject kung saan kami magkakagrupo nina Maddison at Andrew ng isa pang problem set na kailangan naming maipasa sa araw ng scheduled exam namin sa kanya next week. Kaya naman heto kami't nagkukumahog sa pagtapos nito. Katunayan ay kanina pa kaming alas nuebe nagsimula kaya naman konti na lang ang kailangan naming tapusin.

Napagdesisyunan namin na dito na lang namin sa bahay gawin ito dahil may gaganaping conference sa UVC ngayong araw at hindi raw sila magpapapasok ng mga estudyante sa loob ng campus ngayon. Kinansela nga nila ang mangilan-ngilang mga klase ngayong araw ng sabado sa UVC eh. Mukhang mga bigating tao kasi ang magtitipon-tipon ngayon doon.

"Mukha ba akong gutom na gutom?" maya-maya pa ay usisa ni Maddison nang may nakakunot na noo na siya naming ikinatawa ni Andrew.

"Masyado mo naman atang sineryoso yung sinabi ni Greg, Madz. Segue niya lang yun para tantanan ka pansamantala ni Bless eh", sabi ni Andrew. Buti pa itong si Andrew nagets agad. Itong si Maddison, LG. Parang hindi tuloy ako makapaniwalang nag-tie kami sa pagiging valedictorian noong high school. Tss!

"Ganoon ba? Akala ko mukha talaga akong gutom na gutom, nawindang yung tenga ko eh", pagbibiro niya.

"Segue ko nga lang talaga iyon. Nga pala, pasensiya ka na sa kakulitan nung kapatid ko ha. Masyado kasing natutuwa na may bago siyang nakakalaro", sabi ko naman na ikinangiti niya.

"Nananawa na siguro siyang makalaro ka. Hahaha!" pagbibiro niya. "Biro lang. Pero ayos lang iyon, mas natutuwa pa nga ako sa kakulitan niyang kapatid mo kaysa sa pagkapasaway ni Eric eh. Yun, yun ang talaga namang nakakapang-gigil minsan", muli ay pagpapatuloy niya saka natawa.

"Madz, as in kamukhang-kamukha mo ba yung kakambal mo?" Pagkuwan ay usisa ni Andrew kay Maddison. Marahil ay hindi pa nito nakikita sa personal si Eric. Napaisip naman ako sa tanong niya. Ang totoo ay hindi sila masyadong magkamukha. Madalas nilang punahin noon na mas hawig si Maddison sa tatay nila samantalang si Eric naman ay sa nanay nila. Ngunit kung mayroon man silang pagkakapareho, iyon ay ang kapwa expressive nilang na mga mata.

rivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon