Chapter One

8 1 0
                                    

(Third Person POV)

KANINA pa siya titig na titig sa mapa ng bagong unibersidad na kanilang nilipatan ng kanyang kakambal- Ang Universidad del Valle Cagayan. Maingat niyang kinakabisado ang bawat detalye nito. Pilit niyang isinasaulo ang bawat gusali at bawat daan na sa tingin niya ay kailangan niyang kabisaduhin para hindi siya mawala. Sa laki ba naman ng bago nilang paaralan, mahirap na at baka kahit tanghaling tapat at tirik na tirik ang araw ay maligaw pa siya.

Nasa kalagitnaan siya ng kanyang pinagkakaabalahan nang mapansin niya ang pagtabi sa kanya ng isang babaeng estudyante. Nang lingunin niya ito ay isang masigla at nakangiting mukha ang agad na sumalubong sa kanya.

"Uhm Hi! Maddison, right? My names Leona Arnaiz. Lei for short. We belong in the same class, uhm, one of your new classmates", pagpapakilala nito. Doon niya lang naalala na kaklase nga niya ito. Ito yung kaklase niyang ngiti ng ngiti sa kanya kanina habang nagpapakilala siya sa mga ito.

"U-Uhm Hello Lei! Yeah, ako nga si Maddison. Maddison Madriaga. Its nice to meet you! Naaalala nga kita eh. You have the friendliest smile kanina habang nagpapakilala ako."

Lalo namang lumawak ang ngiti ng nauna dahil sa sinabi ni Maddison.

"Napansin mo pala. Natutuwa lang kasi ako na matapos ang tatlong taon na unti-unting nalalagasan ang populasyon naming mga BSAE students dito sa UVC, finally, may dumating na isang tulad mo para dagdagan ang naghihingalong bilang namin dito. Not to mention, natutuwa akong may bagong mukha na akong masisilayan everyday aside sa pagmumukha ng mga gurang kong classmates dati. Nakakasawa na kasi eh."

Natawa naman sila pareho dahil sa huling tinuran ni Lei.

"You're funny Lei!" Natatawang komento ni Maddison.

"Hahaha! Im just stating a fact. By the way, what's keeping you busy?"

"Oh, ito ba? I'm trying to familiarize the university through this map. Ang laki kasi nitong campus natin eh, baka maligaw ako ng wala sa oras."

"Ay oo nga ano. Hindi mo pa nga pala alam ang pasikut-sikot dito sa UVC. Pero ano ka ba naman? Bakit ka naman nagtitiyaga diyan sa mapang yan? Eh puwedeng-puwede naman kitang i-tour. Oh ano, game ka?" Masiglang anyaya ni Lei sa kanya.

"Ha? Eh baka naman maabala kita niyan Lei. Wala ka bang mahalagang gagawin?" Interesado ngunit nagdadalawang-isip na usisa nito sa nauna.

"Naku wag kang mag-alala, wala akong kahit na anong gagawin. I have all the time in the world para itour ka. At isa pa, 11:00 pa lang. Eh 2:00 pa ang next class natin. Mabo-bore lang tayo if we wait until two. So, pano, tara na Maddison?"

"Naku, Thank you Lei ha. Sige, 'lika na. And by the way, you can call me Madz na lang for short. Masyadong mahaba yung Maddison eh."

"Okay, no problem Madz and you're always welcome. Come on lets go!"

***

ALAS-DOSE pasado na nang matapos siyang i-tour ni Lei. Lagpas isang oras din silang palakad-lakad sa buong campus para makabisado niya ito. Agad niya namang nakakabisado ang mga idine-detalye ni Lei na siya namang tila ba walang kapaguran at kahit na payong lang ang dala nilang pananggalang sa matinding sikat ng araw ay wala pa rin itong karekla-reklamo bagkus ay enjoy na enjoy pa nga ito.

At ngayon nga ay kasalukuyan na silang nagla-lunch ni Lei sa food court ng bago niyang paaralan na ilang metro lamang ang layo mula sa College of Engineering Building kung saan madalas na niyang gugugulin ang kanyang mga araw.

"Ano ka ba naman Madz? 'Di mo naman ako kailangang ilibre. Eh ni hindi nga ako pinagpawisan sa pagtutour sayo eh."

"Ikaw talaga. Nakakatuwa ka kasi at ang bait-bait mo sakin. Kahit nga init-init ay sige ka pa rin sa pagtutour sa akin. I think I just found a new friend here in Cagayan. Thank you ha."

rivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon