Chapter Fifteen

2 0 0
                                    

(Maddison's POV)

"HELLO MADDISON MADRIAGA!" Bungad na pambati sa akin ng hari ng kambugan. Binigyang-diin pa talaga niya ang pangalan ko tila ipinapahalatang kilala na niya ako. Eh ano naman ngayon? Tss! Mukhang alam ko na naman kung anong sasabihin ng kumag na ito.

"Nagulat ka ba at kilala na kita? Hahaha! Siyempre kailangan kong kilalanin ang aking numero unong basher. Nga pala, sigurado ka bang busog ka ngayon? Mukhang ipapa-buffet ko sa iyo lahat ng sinabi mo sa akin kahapon eh. Have you seen the scoreboard? 62-43. Hahaha! Grabe, mukhang mabubusog ang mga estudyante ng COE ngayon ah. Ang team ninyo, pinakakain namin ng alikabok at ikaw mukhang kakainin mo lahat ng sinabi mo sa akin. Hahaha!" Pangangantiyaw nito sa akin. Sinasabi ko na nga ba.

Game 2 ngayon ng Finals ng Basketball Tournament para sa Foundation Day Celebration ng UVC. At mukhang hindi ganoon kaganda ang inilalaro ng aming koponan. Bago pa man matapos ang first half ay natambakan na sila ng disinuebe puntos na siya namang inilalaki ng ulo nitong si Hizon kaya naman ngayong half-time ay heto siyat sinasalanta na naman ako ng hagupit ng kanyang kahambugan. Talagang nag-abala pa siyang lapitan ako ah. Iba!

"Hizon! Oo nga eh. Naka-62 points na agad kayo for the first two quarters. Ang galing talaga ng team ninyo! Sa 62 points na iyon, 6 points pa lang ata contribution mo no?" Pambabara ko sa kanya. Hah! Bigla namang bumahid ang inis sa mukha niya.

Thats because konting minutes pa lang akong pinaglalaro ni Coach.

"Ay oo nga pala. Mukhang nakaisip ang coach ninyo ng bagong strategy – ang manatili ka sa bangko. Tingnan mo naman, epektib. Ang ganda ng inilalaro ng team ninyo. Mukhang mas maayos kung di ka naglalaro ah. Kaya siguro marami ka na namang energy sa paghahasik ng kahambugan mo no, nagpapahinga ka lang naman kasi sa bench niyo eh. Buti di ka inugat don", pangangantiyaw ko sa kanya.

"Coach is reserving me for the second half!" Sa pagkakasabi niya ay alam kong galit na naman siya.

"Naku nasaan yung Coach ninyo? Sasabihan ko siyang wag ka nang paglaruin. Sayang naman yung magandang ipinapakita nung mga kateam mo. Sisirain mo lang diskarte ng team niyo eh. Sa bench ka na lang, tutal mas bagay sa iyo ang nakaupo. Diba ganon ang hari? Hari ka eh, hari ng kahambugan."

"Talagang matabil iyang dila mo no? Ang dami mong sinasabi, ang dami mong satsat. Ang intindihin mo ay yung team ninyong talunan!" Ay galit na talaga si kuya.

"Ay di naman ako nainform na bago na pala ang mechanics ng basketball ngayon. Sa pagkaka-alam ko kasi, may natitira pang dalawang quarters. So hindi pa tapos ang laban, hindi pa kayo nananalo. Huwag ka munang magdiwang at magyabang. Iyong mga kateam mo nga na mas maraming contribution kaysa sa iyo, nanahimik lang dun sa tabi eh. Ikaw pa talaga ang..."

"Ang ano ha?!" Nagulat naman ako nang bigla niya akong higitin sa braso. Mukhang galit na galit na siya. Masakit ah pero akala ba niya natatakot ako sa kanya? Aalisin ko na sana ang kamay niyang humuhigit sa braso ko nang may biglang magsalita sa likuran ko.

"Let go of her Hizon. Everybody knows that what she's telling you is true and the truth really hurts but you don't have to hurt her in return." Si Greg ang nagsalita. Lumapit siya sa amin saka inalis ang kamay ni Hizon na humihigit sa braso ko saka siya humarang sa pagitan namin ni Hizon para silang dalawa na ang tuluyang magkaharap habang nasa likuran niya ako at hawak pa rin ang braso ko.

"You were the ones who approached her first. So basically, you started this mess. Ngayon, kung naaanghangan ka sa pananalita niya, then that's your fault. You shouldnt have started it in the first place. You already know what can happen but youre very persistent. Hindi ka pa kasi nadadala kahapon eh. Ilang beses ka ba dapat ipahiya para mabawasan iyang kahambugan mo? Ano ba kasing ipinuputok pa ng butsi mo? You already won the game yesterday and youre leading the game now. Isnt that enough for you to just shut the f*ck up?"

rivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon