Chapter Five

5 1 0
                                    

(Gregory's POV)

IT'S been a week since our classes has officially started. At isang linggo na rin mula nang malaman kong tapos na ang maliligayang araw ko dahil muli na namang nagbabalik ang dakilang epal at super-pabidang si Maddison Madriaga para umepal sa buhay ko.

Bata palang kami ay ganun na ang reputasyon sa akin ng babaeng iyon. Dakilang pabida. Gusto niya laging tinatapatan ang mga achievements ko. Kung mataas ang grade ko sa Math dapat mataas naman yung grade niya sa Science. Kung may posisyon ako sa student council, dapat meron din siya. Kung may sinalihan akong event sa school, dapat ganun din siya. Napaka-epal! At ang nakakainis pa, kung maka-asta siya, akala mo kung sino siyang santa na saksakan ng bait na para bang wala siyang alam sa kaepalang pinaggagagawa niya. Pa-inosente ang putspa!

Some may judge me for the way I perceive that girl and for having such a very hostile attitude towards her. I can't blame anyone for doing that. It's hard to understand where I am coming from but that certainly cannot invalidate how I feel towards her and the reason behind it. I have my own reasons for doing so but I do not want to discuss and explain it to everyone just to stop them from judging me. It's pathetic and the mere thought of it is leaving me disgusted that I just chose to not talk about it anymore.

Pero tuwing nakikita ko ang babaeng yun, kusang umiinit ang ulo ko. Sobrang kumukulo ang dugo ko sa kanya. She has been a pain in my ass for more than a decade. Matagal-tagal ko din siyang pinagtiyagaang makasalamuha. Noong akala ko tapos na ang pagdurusa ko dahil sa kawalan niya at tahimik ko nang ipinagpapatuloy ang aking pag-aaral, bigla-bigla na lang siyang babalik. Kung di ba naman siya dakilang panira!

But surprisingly, that girl is not making any move so far. Hindi siya umeepal or should I say hindi PA siya umeepal. Because as much as I want to believe in the possibility that she already changed and quit doing that as her hobby (you know, being such an epal), a part of me also believes that this silence may just be temporary and might just be a part of her scheme. I don't know but one thing is for sure really, I do not trust her.

"Oy Greg, kinakausap kita, saan na naman ba napapadpad 'yang utak mo at hindi mo na naman ako pinakikinggan? Kanina pa ako salita nang salita dito ah, ni isa ata sa mga pinagsasasabi ko dito, wala kang narinig. Huwag mong sabihing pinagpaplanuhan mo nang dispatsahin yung si Maddison ha, masama yan bro!" Biglang nagsalita si Eugene na kaharap ko ngayon sa mesa. Well, kanina pa daw siya nagsasalita according to him but I failed to listen to him because I am busy thinking about that damn girl. Katatapos lang kasi ng huli naming klase para sa araw na ito at kasalukuyan kaming nasa paborito naming tea shop which is just two streets away from our university.

"Shut up Eugenio! I'm not a criminal!"

"Ay grabe siya. Criminal agad? Krimen, eh ang ibig ko lang namang sabihin doon sa 'dispatsahin' ay palayasin siya sa UVC. Ikaw, grabe ka mag-isip, pawang karahasan. Lupet!"

"I am not thinking about anything like those! Eh di kung gagawin ko yung mga yun, di pinakita ko lang na natatakot ako sa kanya." As if naman, neknek ng babaeng yun.

"Eh bakit, hindi nga ba?"

"Of course not! It's just that... Argghhh! Why do I even have to explain? At teka nga lang, nakakahalata na ako ah. Did you just call her 'Maddison'? Pwe! Such a bad word that I felt sorry for saying it. Anyway, di naman ako nainform na first name basis na pala kayo, what happened to 'Miss Transferee'? Don't tell me-"

"Oh teka lang pre, teka lang. Bro naman, relax ka lang kaya ka napaghahalataan diyan eh. Anyway, regarding me calling her with her first name, that is because almost everyone in class is calling her that already which I think is normal lang naman kasi one week na tayong magkakaklase man, so it's just normal na makilala na namin siya. Palibhasa gusto mo ata ikaw lang nakakakilala sa kanya eh, wag ka ngang madamot diyan, higit isang dekada mo nga siyang kilala eh. At ano ka ba man, huwag ka ngang nagseselos diyan, alam mo namang loyal friend mo ako diba. Sa iyo lang ako be! Promise. Hahaha!" Ang lakas din talagang mambuwisit ng isang ito eh, parang gusto ko tuloy magsisi na nakipagkaibigan ako sa kanya.

rivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon