Chapter Ten

4 0 0
                                    

(Maddison's POV)

"OH my Golly! Ngayon daw ibabalik ni Sir Arevalo yung mga papel natin sa long quiz a week ago. I'm sure mababa ang score ko doon. Waah!"

"OMG! I feel you Celest. Hindi ako nakareview that day. I just hope hindi na I-announce pa ni Sir yung scores. Oh dear, he loves doing that pa naman. Oh no!"

"Kung pagrereview kasi ang ina-atupag ninyo at hindi iyang pagsagap ng mga nagbabagang chika, 'di wala sana kayong pinoproblemang ganyan."

"Shut up Mico! Just mind your own business!"

"Look who's talking. The one who loves minding other people's business. Hahaha!"

"Whatever!"

"Good morning class! Ano na naman bang ingay 'yan? Ang aga-aga ah!"

"Good morning Sir!" Bigla namang nagsitahimik at umayos ang lahat.

"Ok, everybody settled now?... Ok let's proceed. Katulad ng nasabi ko last week, ngayon ko ibabalik ang mga papers ninyo sa inyong long quiz. I am very delighted to announce that there were students who managed to have perfect scores. Nakakatuwa na kahit first long quiz pa lang ay ipinapakita na ninyo na sineseryoso ninyo ang inyong pag-aaral. Although some of you still have low scores. But there is still plenty of time for you to make up for this quiz. Nagsisimula pa lang ang klase. Makakabawi pa kayo. Basta magsipag pa lalo sa pag-aaral."

May edad na si Sir Arevalo. Halata na sa mga linya sa kanyang mukha ang mga marka ng kanyang mga pinagdaanan sa buhay. Ayon kina Lei, tatlumpu't pitong taon na raw siyang nagtuturo dito sa UVC. Beteranong-beterano na, ika nga. Pero nakakatuwang isipin na sa kabila ng kanyang edad ay mahusay pa rin ito sa pagtuturo. Kahanga-hanga pa rin ang talas ng memorya niya dahil tandang-tanda pa rin niya ang bawat detalye ng kanyang mga leksiyon. Maliban sa kahusayan nito sa pagtuturo ay may puso din ito para sa kanyang mga estudyante. Magaan ang pakikitungo niya sa amin na animo'y para lang namin siyang tatay. Sa ikli pa lamang ng panahong nakilala ko siya, pakiramdam ko ay pasok na siya sa listahan ng mga paborito kong guro.

"Sir, 'di niyo po ba iaannounce yung score?" Si Mico ang nagtanong na umani ng sari-saring mga komento mula sa aming mga kaklase lalo na kina Elisa at Celest.

"Bakit naman hindi? Inayos ko na nga ito mula sa pinaka mataas hanggang sa pinakamababa eh. Habang ibinabalik ko sa inyo 'yung mga papel ninyo, iaannounce ko naman yung scores ninyo."

"Halla Sir! 'Wag naman na po!" Duet na pagtutol nina Elisa at Celest na animo'y kumakanta at sinabayan naman ng sari-saring mga ingay ng pagtutol ng iba pa naming mga kaklase na nagmistula namang mga accompaniment nila.

"Oh bakit naman? Huwag ninyong masamain. Paraan ko lang ito para mas hikayatin kayong mas mag-aral pa ng mabuti. Kung gusto ninyong maunang iannounce ang mga pangalan ninyo at ayaw ninyong mahuli, 'di alam niyo na kung anong dapat niyong gawin."

Sabagay ay may punto si sir. Tutol sana ako sa ideya na iarrange niya ang pag-aannounce sa mga scores namin from highest to lowest kasi parang in that manner, our intellect seem to be creating a divide already. Pero considering what he said, I think he's really got a point.

"Katulad ng nasabi ko, from highest to lowest ang iaannounce ko. Ibig-sabihin, magsisimula tayo sa mga estudyanteng nakakuha ng perfect score. 'MGA' dahil dalawa sila. Inaasahan na nating lahat itong isa eh."

"Pupusta ako si Greg iyan!"

"Sus si Greg na naman iyan!"

"Kung hindi si Greg iyan, ayawan na 'to."

Kani-kaniyang bulungan ng aming mga kaklase ng kanilang iba't-ibang bersiyon ng hulang si Greg ang tinutukoy ni Sir Arevalo na isa sa mga nakakuha ng perfect score. Maging ako, palagay ko ay siya rin. Sa talino niyang 'yun, paniguradong kayang-kaya niyang makaperfect.

rivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon