Chapter Twenty-Four

6 1 0
                                    

(Maddison's POV)

KAKATAPOS lang ng huling subject namin para sa araw na ito at abala na ang buong klase sa pagliligpit ng kani-kaniyang gamit bago tuluyang umuwi. 

Nauna na akong lumabas para hindi na ako makipag-siksikan mamaya tutal nailigpit ko naman na kaagad yung mga gamit ko. Nakaka-tatlong hakbang pa lang ata ako palabas ng pinto nang may biglang tumawag sa akin.

"Maddie!"

"Oh bakit Greg?"

"Ah...kuwan kasi...nagpatawag kasi ng meeting si Coach Oli. May announcement daw siya sa aming mga players pero hindi naman siguro yun aabutin ng matagal. Ayos lang ba na maghintay ka sandali? Pasensiya ka na ha? Baka may gagawin ka pa sa inyo", tila nahihiya niyang paalam sa akin.

"Sige lang. Naku! Ano ka ba? Ayos lang iyon. Wala naman akong gagawin sa bahay. At isa pa, ako nga itong dapat humingi ng pasensiya sa iyo dahil hindi mo naman responsibilidad na ihatid-sundo ako eh. Ako nga itong nakakaabala sa iyo eh."

"Tss! Hayan ka na naman. Diba, nagkasundo na tayo dito? Sa lagay mong iyan, siguradong mahihirapan kang mag-commute kaya mabuti nang sumabay ka sa akin sa pagpasok at pag-uwi. At isa pa, we're friends right? So, what are friends for?" Malumanay niyang kumbinsi sa akin.

"Oh siya, siya. Sige na. But take your time. I am not in a hurry anyway. I'll wait for you sa quadrangle."

"Ok. I'll see you there then", paalam niya na sinuklian ko na lamang ng tango at ngiti saka kumaway sa kanya.

Hindi pa rin ako makapaniwala na ang dating pinapangarap ko lamang noon na world peace sa pagitan namin ni Greg ay natupad na. We are already friends for real. It has been all that I wanted ever since we were little. I mean, he's a smart and a very talented guy. Idagdag mo pang halos magkapareho ang mga bagay na kinahihiligan namin. Who wouldn't want to be friends with him?

Unfortunately, he didn't feel the same way about me. That is why, kahit labing-isang taon kaming naging magkaklase at magkapitbahay pa noon, ay hindi kami nagkaroon ng pagkakataong maging magkaibigan. 

Regardless of that, I'm really glad that we're already friends right now. It's a different feeling. I don't know and I can't explain. But whatever this might be doesn't matter to me anymore. All I know is that the mere thought of our friendship makes me so happy. Really happy.

"Ay may ganong ganap? Hatid-sundo na, kuntodo paalam pa si Kuya sa kanya. Tapos itong si Ate naman, ang ngiti, abot hanggang langit. Mapunit iyang labi mo Teh!" Tukso sa akin ni Dennis na sinundan naman ng kantiyaw ng apat pa naming kaibigan.

"Uy! Ano iyan ha? Anong kababalaghan ang naganap mula nang mangyari ang panghahampas sa iyo ng baseball bat ng mga varsity players ng baseball team?" Mapanuring tanong naman ni Lei.

"Correction, hindi dapat siya yung mahahampas pero ibinuwis niya ang kanyang sarili para hindi masaktan si Greg", sulsol naman ni Mico na may actions pang nalalaman.

"Ayieee! Dun pa lang eh. Alam na", tila pagkumpirma naman ni Madel.

"So, what's really the deal between you and Greg huh, Maddison?" Pangha-hot seat naman bigla sa akin ni Andrew.

"Shh! Manahimik nga kayo. Baka may ibang makarinig at kung ano pang isipin nila. There's nothing going on between me and Greg. We're...we're just friends. And I think, that's what makes me really happy."

At doon nga ay pahapyaw kong ikinuwento sa kanila ang buod ng mga nangyari. Hindi ko na idinetalye pa sa kanila ang lahat. For me, I should just keep the details between me and Greg.

"Awww! That was really a great thing to hear. Making amends and starting anew with your greatest enemy doesn't happen everyday. I would also really be happy if I were you", komento ni Lei.

rivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon