It's another day at school. May sinasagutan kaming seatwork sa Oral Comm ngayon. Wala ang teacher dahil may ibang inasikaso so we were left with seatworks, facilitated by our president. At dahil walang teacher, nagtutulungan kaming apat dito. Zack and Aliyah even faced us! Saamin sila nakaharap at hindi sa board!Hindi na 'ko magugulat kung pinagalitan kaming apat dahil dito. Pare-parehas kami ng sagot, e! Hanggang 60 yung numbering at number 48 na kami. Mabilis talaga magsagot kapag teamwork! Medyo nahuhuli nga lang kami ni Basty dahil kapag di namin alam yung sagot, inaantay namin sina Aliyah.
Speaking of Basty, nae-excite ako mamaya sa lakad namin kasama si Santy! This time, sa buffet naman daw kami pupunta at nabayaran na raw iyon ni Tita! I cannot wait na talaga!
At nasabi ko na rin kay sakanya na ka-grupo ko si Mavi sa activity namin, nagalit sya kahapon, hindi ako pinansin ng mahigit dalawang oras pero nang makita nyang dumaan si Mavi sa harap namin noong lunch, 'tsaka nya lang ako pinansin! Napaka weird talaga nito!
"Guys!" Sigaw nung president namin. "Bigay 'to ni Miss, para sa camping daw!"
Isa-isa naman nya 'tong dinistribute saamin.
"Oh my gosh, I'm so excited!" Aliyah squealed while answering.
"Same!" Zack mocked Aliyah's voice, kaya nahampas ito ng jowa nya.
"Pupunta kayo di'ba!!" Aliyah asked.
"Yes,"
"No,"
Sabay pa kaming sumagot ni Basty. Hindi talaga sya pupunta ha!
"Huh? Bakit? Next week na 'yun, ah?" Kumunot ang noo ni Aliyah kay Basty.
He sighed. "Boring nga! Paulit ulit na 'kong sumasagot, ah!"
"Tsk," Umiling iling si Zack. "Kelan ka ba sinipag, aber?"
Matapos ang ilang segundo tumayo si Aliyah at Zack. Tapos na ata sila sa setwork!
"Teka lang, ano sagot mo sa 56?" Tanong ko. Ang complicated kasi ng tanong! Hindi ko gets!
Umirap si Aliyah bago ipakita saakin ang papel nya. Tumango ako at pinagpatuloy sagutan ang seatwork. Alam ko naman ang sagot sa 57-60, copy & answer nga lang kaya natagalan.
When we were given the slips for the camping, agad ko 'yon tinupi at inipit sa filler ko. While Basty crumpled it and throwed it in his bag.
"Huy!" Saway ko.
Umirap sya. "I already told you, I'm not going,"
"Pero kailangan parin ipasa 'yon!" Sagot ko.
"Kapag hindi ako nagpasa, malalaman parin ni Miss na hindi ako pupunta!" he drawled.
Umirap nalang ako sakanya at pinagpatuloy ang sinasagutan. Nang matapos ako, pinasa ko na iyon kasabay si Basty at bumalik na kami sa inuupuan namin. Basty and Zack stood up holding their phone papunta sa likod. Maglalaro daw sila nila Kiel ng COD!
Naiwan kami ni Aliyah sa table. Nagsasagot pa naman sina Bianca kaya pwede ko ikwento sakanya ang nangyari. I told her about the other day with Santy and the one when I told my parents I have a boyfriend. Naikwento ko rin sakanya ang nangyari noong pagkatapos nung birthday ni Liane.
Todo kilig at ngiti naman sya sa bawat kwento ko.
"But, Ava, let me ask you, are you falling for him... again?" She asked seriously.
Nawala ang ngiti ko at napatingin sakanya. Am I? Those actions of his... Alam kong walang ibig sabihin 'yun, saakin lang meron at dahil doon, pakiramdam ko...
BINABASA MO ANG
Unexpected Mistake (Mistake Series #1)
Romance(Mistake Series # 1) Avaleigh Raegan Mendes has a teeny tiny crush on a guy named Sebastian Levi Cavallero, Basty for short. Until one day, all of a sudden, Basty wanna make Ava his girlfriend.