A week has passed. Naging busy kaming lahat dahil exams namin 'yon. Hindi na kami masyadong nakakalabas ni Basty dahil parehas kaming busy. We would study together at night through video call kasi tuwing hapon, ang mga kaibigan namin ang kasama namin.Mamo-move ang bakasyon namin dahil magkakaroon kami ng camping. Nakakatamad nga umattend pero required daw for the first semester! Yung camping na 'yon ay mangyayari next next week! For the remaining weeks naman, pagche-check lang ng grades tapos, yung activity naman ng bawat strand.
Ngayon, nasa classroom lang kami. Wala kami masyadong ginagawa dahil kakatapos lang naming mag check ng test papers. I don't know what my score is kasi sa ibang section ang chini-check namin.
I'm not very sure about my answers, though. Basta ang alam ko, ginalingan ko ng sobra! Second to the last exam na kasi namin 'to for this semester! Medyo mahihirap ang mga tanong, kinalabit pa nga ako ni Kiel noong Math exam! Buti nalang hindi sya napansin ng proctor!
"Okay, class, I've decided to introduce our new topics for this quarter!" Our teacher said.
My classmates groaned. Mga 30 minutes kasing busy ang teacher at naglalaro lang sila sa mga cellphone nila.
I'm reading a book while Basty's asleep beside me. Nagpuyat kasi 'yan kagabi! Their activity for STEM students started and ang unang activity nila is puro drawing! Hindi 'yon nagawa ni Basty noong nakaraang linggo dahil nga busy sa pag-aaral sa exam! Kaya noong isang gabi at kagabi nya lang ginawa!
Kinalabit ko sya. He just groaned!
"Magdi-discuss si Sir!"
"Introduction lang 'yan," He drawled but his voice was husky.
Sinimangutan ko sya at hindi na muling nilingon. Naalala ko nga, dapat hindi na 'yan papasok ngayong linggo e, dahil puro ganyan lang daw! He even told me that he won't go to the camping because it will be very boring! Napaka tamad nga naman!
In the middle of our discussion, some students knocked and excused our teacher. Lahat naman kami napatingin bukod sa katabi kong tulog!
When the students entered, nanlaki ang mata ko nang makita ko kung sino iyon! Napatingin din saakin sina Maxi, Bianca, Liane at Aliyah nang makapasok si Mavi.
He was with the teacher that he was talking to noong nasa gym kami at yung Anne na kasama nila.
Sumulyap ako sa katabi ko at tulog pa nga ito! Buti nalang.
"Good afternoon!" Mavi greeted formally.
Gumalaw ng kaunti ang katabi ko at dahan dahan na inangat ang ulo. Singkit pa ang mga mata nya dahil siguro nagising sa boses ni Mavi.
He even looked great when he just woke up!
Nang makita nya si Mavi sa harapan, agad na tumalim ang tingin nya.
"We would just like to excuse all the ABM students here," Mavi said then glanced at me.
Napansin iyon ni Basty kaya tumingin din ito sakin. I did not dare to look back!
My other classmates stood up including me, Zack and Simon.
Nang maka tayo ako napatingin ako kay Basty na nakataas ang kilay habang nakatingin saakin.
Maglalakad na sana ako paalis nang biglang hawakan ni Basty ang palapulsuhan ko. I stilled and felt my heart racing.
"Text me when you're done," He said.
Tumango lang ako at binitawan nya na ang kamay ko. I grabbed my things kasi baka hanggang uwian na raw kami doon! Ang haba nga naman! Baka ma-bored ako roon!
BINABASA MO ANG
Unexpected Mistake (Mistake Series #1)
Romance(Mistake Series # 1) Avaleigh Raegan Mendes has a teeny tiny crush on a guy named Sebastian Levi Cavallero, Basty for short. Until one day, all of a sudden, Basty wanna make Ava his girlfriend.