Chapter 15

569 26 0
                                    


Today is our last day of camping, bukas kasi ng umaga, uuwi na kami. Kaya naman susulitin na namin yung araw na 'to. 


For this day, magkakaroon kami ng activity sa umaga at sa hapon, sa gabi naman, celebration daw. They've set up some band at mukhang magkakaroon ng kantahan mamayang gabi! Na-excite ako bigla! 


Para ngayong umaga, magka-kayaking kami! I got so excited because it's my first time! Naka baba na kami ngayon sa may lake banda at tinuturuan na para sa kayaking.


 Dalawang tao lang ang pupwede sa isang boat ayon sa instructor. We quickly got our partners at nagulat pa nga ako halos nang makita si Basty sa tabi ko. He was quick ha! Kani-kanina lang nandoon sya sa malayong parte saakin!


While the instructor was still advicing something, Ian spoke behind us. 


"Sweet kagabi, ah? Sana all! Inggit ako," Ian jokingly pouted. 


"Oh, e'di maging sweet rin kayo ni Kiel mamaya sa kayak," Basty smirked.


"Gago, baka mahulog pa kami don! Ayokong makagat ng buwaya no!" Ian frowned.


Tumawa si Basty at umiling, samantalang ako naman, kumalabog ang puso ko! May buwaya doon?! Paano kung bigla kaming inatake?! Nakakatakot naman!


"Hey, 'wag kang maniwala kay Ian. Hindi totoong may buwaya doon," saad ni Basty at sinamaan ng tingin si Ian na tumatawa. 


Tumango nalang ako at huminga ng malalim. Kung mahulog man kami, kasama ko naman sya, di'ba?


Then they gave us some vest, inasar pa kami lalo ni Ian nang tulungan ako ni Basty na maisuot iyon. He then wore his.

Nang matapos ang instructor, agad kaming iginiya sa mga kayak boats. May isang butas sa gitna at dalawang upuan ang mayroon doon. 


My breathing hitched knowing that Basty will sit behind me! Or pwede naman syang sa harap di'ba?


"Go on, sa harap ka," He said and held my hand to guide me inside. 


Kumalabog ang puso ko dahil pagupo ko, medyo gumalaw ito na parang tataob! Gosh, eto ata ang papatay sakin! Basty noticed that and laughed when he saw me look at him mad. 


Pumasok na rin sya sa loob ng boat, medyo umuga ito ulit kaya napahawak ako bigla sa dalawang gilid. Not knowing that Basty's hand was on those. 


Napatingin ako kaagad kina Kiel na tumili ng paimpit nang makita iyon. 


"Pasimple ka, boss Ava, ah?" Kiel smirked. 


Inirapan ko sila at agad na tinanggal ang kamay na nakapatong sa kamay ni Basty. I heard him chuckle behind me!


Nang mauna ang nasa harapan namin, sumunod na rin kami. I thought it was that easy to paddle but, damn! Ang hirap pala? Medyo mabigat ito at tingin ko ay kakailanganin ko ang tulong ni Basty.

Unexpected Mistake (Mistake Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon