Chapter 07

568 16 0
                                    


Ang sabi ni Basty this Saturday daw ang dinner with his family. He informed me that he has a little brother in about 5 years old. Mas lalo akong kinabahan doon. What if his little brother won't like me? Paano kung ayaw saakin ng Mommy nya? Well, isn't that a benefit, though? Maagang matatapos ang deal na 'to?

But then, Basty assured me that his Mom isn't strict about this. Madaling makasama ang Mommy nya, sabi nya.

Friday ngayon at P.E. day namin. Nasa gym kami ngayon doing some exercises given by our teacher. Grupo grupo kami ngayon. I'm grouped with Maxi. Ka-close naman namin ang iba naming kagrupo. We were also tasked to make our own routine, kaya iyon ang ginagawa namin ngayon.

"Tapos, push-ups nalang tayo sunod?" Our group leader asked.

"Huh?! Pati tayong girls?" Maxi frowned.

"Oo! May pang babaeng push-ups no!" Sagot nito.

"Fine," Maxi sighed. Pinaka ayaw kasi nitong exercise ay push-ups! Feeling nya mga lalaki lang kayang gumawa noon!

My groupmates kept on talking about that nang biglang mahagip ng tingin ko si Mavi. Biglang kumalabog ang dibdib ko nang makita ko sya. He's wearing a white shirt and our school's jogging pants and his black basketball shoes. His hair is a bit damp, siguro kakagaling lang din sa P.E.

He looked so gorgeous in that simple attire! How can someone look so good in our school's jogging pants kahit medyo pawis? Kung ako 'yan haggard na itsura ko!

"Ava!" Agad akong napalingon sa kagrupo ko.

"Sa harap ka, ah?" He smiled at me.

Tumango ako ng wala sa sarili at bumaling muli kay Mavi. He was talking to a teacher. Hindi lang sya ang kausap nito. May babae pa silang kasama at mukhang taga ibang section ito.

Bigla namang nahagip ng tingin ko si Basty. His brows were furrowed while looking at me. He's sweaty. Bumabakat ang pawis nya sa P.E. shirt nya but he still looks so good. His hair was a bit damp as well. How can these men look so good in our school's jogging pants?! Hindi ko maintindihan kung paano!

Sinundan nya ang tinitignan ko kanina at nang makita nya kung sino 'yon, umigting ang panga nya.

He even looked 5x hotter! Damn!

"Let's start! Group 2 muna!" Our teacher yelled.

"Oh tayo 'yon!" Saad ng kagrupo ko.

Kinabahan ako nang nagsitayuan ang mga kagrupo ko. Kami 'yon?! Oh my gosh!

"Oh pwesto na!" Saad ni Maxi at tumabi ako sakanya kaya naman kumunot ang noo nya saakin.

"Ba't ka nandito? Doon ka!" Sabay turo sa gitnang harap.

Namilog ang mga mata ko sa sinabi nya. Sa harap ako?!

"H-huh?!"

"Oy, Ava! Doon ka! Pumayag ka diba?" Our groupleader said.

Bigla kong naalala ang sinabi nyang sa harap ako!

Shit! Masyado akong busy kanina kay Mavi!

Kaya naman wala akong magawa kundi pumunta sa harapan.

Alam ko naman yung routine namin, memorize ko naman pero nahihiya ako dahil nandoon si Mavi at baka manood samin! Ang feeling ko naman masyado kung titingin sya sakin!

The music started and we also started our routine. Ang unang routine namin ay stretching lang. Nahihiya ako dahil nasa gitna ako kaya naman ang iba kong kaklase ay saakin nakatingin at medyo nangaasar! Lalo na sina Kiel!

Unexpected Mistake (Mistake Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon