Ilang araw ko ng napapansin ang pagbabago ni Naila.Madalas ay makikita ko na lamang siya na nakatulala at tila may malalim na iniisip.Napansin ko rin ang pamamayat niya at tila naging matamlay siya.
Naninibago ako sa kaniya,parang hindi na siya 'yong nobya ko na masiyahin.Batid kong may problema siya,nais ko siyang tanungin ngunit wala akong sapat na panahon dahil masiyado akong abala sa trabaho.
Kaya naman sa mga kaibigan niya na lamang ako nagtatanong,kina Aria at Jeanel.Pinaubaya ko rin siya sa kanila dahil alam kong hindi nila ito papabayaan katulad ng ginagawa ko sa kaniya.
Alam kong nagkukulang ako sa kaniya,ngunit para naman sa kinabukasan namin ang ginagawa kong ito.
---
Pauwi na ako sa trabaho ng makatanggap ako ng mensahe galing sa kaibigan kong si Isabella,pinapapunta niya ako sa bahay nila,siguro'y may mahalaga siyang sasabihin sa akin.Pupuntahan ko dapat si Naila ngayon dahil nangako akong bibisitahin ko siya,siguro'y makakapaghintay naman siya kaya naman inuna ko muna si Isabella,alam ko namang maiintindihan ako ng aking nobya.
Habang nagmamaneho ako papunta kina Isabella ay nakatanggap ako ng mensahe kay Naila,nagtatanong kung nasaan ako.Hindi ko na ito tinugon dahil nagmamaneho ako at baka ako'y maaksidente.
Pagkarating ko kina Isabella ay pinapasok niya na ako.Inalok niya ako ng maiinom kaya naman tinanggap ko ito.Pinapunta niya pala ako dito dahil magpapatulong siya sa kaniyang proyekto.
Pagkatapos ko siyang tulungan ay pumunta na ako sa bahay ng aking nobya,may panibago siyang mensahe ngunit hindi ko na ito tinignan dahil narito na rin naman ako.
Pagkapasok ko sa kwarto niya ay tila huminto ang takbo ng mundo ko.
Naroon siya,nakabitin ang leeg sa kisame,walang buhay.Nanlambot ako sa aking nakita,hindi ko alam ang gagawin ko.
Tulong,oo,kailangan kong humingi ng tulong.
Nilabas ko ang aking telepono ngunit isang mensage ang bumungad sa akin.Ito ang kaniyang mensahe kanina,na sana pala'y binasa ko bago pumunta kina Isabella.Kung sanang inuna ko siya,siguro'y hindi mangyayari ito.
Mahal ko,bakit mo ako iniwan?
Dahan-dahan kong binasa ang kaniyang mensahe,nakakapagsisi.
Dito'y nakalagay ang kaniyang mensahe na dapat ay binasa ko.
"Tyron,baby..Save me."