Curiosity Kills

4 0 0
                                    

Nandito ako ngayon sa dalampasigan, watching the wind and the water collide.

Napakalakas ng bugso ng hangin, sa tingin ko'y may bagyong paparating.

Umalis ako sa bahay namin dahil may naririnig akong boses, tila ba tinatawag ako nito.

Dahil sa kuryosidad ay sinundan ko ito at dito niya ako dinala.

'Where the northwind, meets the sea,'

Nakakamangha ang dagat, sinubukan kong lumusong rito kahit pa alam kong ito ay delikado.

It feels like it's calling me. Hindi ko namalayan medyo nakakalayo na pala ako.

Kaya naman bago pa ako tuluyang mapunta sa gitna ay bumalik na ako, pero sa 'di-kalayuan ay may napansin ako.

Ilog? Sa dulo ng dagat ay may ilog.

'There's a river, full of memory.'

Habang nakatitig sa ilog na 'yon ay hindi ko mapigilang mamangha, tila ba may nais iparating ang ilog na 'yon.

Malapit na palang magdilim, kaya naman bumalik na ako sa aming bahay upang magpahinga, masiyadong malayo ang nilakad ko kaya naman pagkarating sa bahay ay nakatulog na agad ako.

'Sleep my darling, safe and sound,'

Nagising ako nang marinig ko 'yon, bakit ko naririnig ito?

Ano ang nais iparating ng kumakanta nito?

Pumunta ulit ako sa dalampasigan upang alamin kung ano nga ba ang kailangan nito.

Tinitigan ko ulit ang dulo ng dalampasigan, natatanaw ko pa rin ang ilog na naroroon.

'For in this river all is found.'

All is found? Ano ang nais niyang ipakita sa akin?

Tinanaw ko muli ang ilog at may nakita akong isang babae, teka lang, babae?

Her body resembled Mom's, is she my mother?

Dahil sa kuryosidad ay nilangoy ko ulit ang dagat, hindi alintana ang naglalakasang alon.

'In her waters deep and true,'

Patuloy ko pa ring naririnig ang kaniyang boses, hindi ako pwedeng magkamali.

Boses nga iyon ng aking ina, na matagal ng namayapa.

Namatay siya kasama ang aking ama, naglalayag sila sa dagat sa kabila ng malakas na ulan.

At lumubog ang kanilang barkong sinasakyan.

Is that the reason why she's calling me?

'Lay the answers and a path for you.'

Nasa gitna na ako ng dagat, patigil-tigil ang aking paglangoy.

Marunong naman akong lumangoy ngunit kapag sobrang lalim na ay hindi na ako makahinga.

Umahon muna ako sandali at nakita kong may tulay bago ka makatawid sa ilog, siguro'y hindi na ako mahihirapan nito.

Gusto kong malaman ang kasagutan sa aking mga tanong.

Malapit na ako sa dulo, sumisid pa ako ng malalim at mas lalong lumakas ang boses niya.

'Dive down deep into her sound,'

Natatanaw ko na ito, pero bago pa ako makatawid ay sinalubong na ako ng isang kabayo.

Teka, kabayo? Papaanong may kabayo sa ilalim ng tubig? At ang mas nakakapagtaka pa ay nasa anyo rin siyang tubig?

Nananaginip ba ako? Nabigla ako nang sumugod ito sa akin na animo'y isa akong kaaway!

Nilabanan ko ito hanggang sa aking makakaya, masiyado siyang malakas.

Patibong lang ba ang boses na iyon para ako'y sunduin ni kamatayan? Ngunit bakit sa ganitong paraan pa?

Nais ko lang namang masagot ang mga katanungan sa aking isipan, siguro nga'y hindi dapat pinapairal ang kuryosidad.

Patuloy pa rin ito sa pagsugod, hindi ko na kaya.

Dahil sa labis na pagod at pagkapos ng hininga ay lumangoy nalang ako palayo rito.

Ngunit kahit anong gawin ko ay sinusundan ako nito.

Naroon pa rin ang boses, kasalanan ko ito.

Kung hindi lang sana ako nagpalamon sa kuryosidad ay hindi mangyayari ito.

Hindi ko na kayang lumaban. Pinakikinggan ko pa rin ang may-ari ng boses. Huli na nang mapagtanto kong,

Nalulunod na ako.

'But not too far or you'll be drowned.'



One-Shots StoryWhere stories live. Discover now