Left
Hayes always made sure that we have a little talks every morning. Naging routine na nga namin ang pagkakape sa canteen. Nang mag-lunch na ay nagyaya ang mga kaibigan ko na kumain sa gazebo. Bago ako umalis ng classroom ay binasa ko muna ang text ni Hayes.
From Hayes:
Sorry, I can't make it for lunch.To Hayes:
Ayos lang :))From Hayes:
Eat on time pleaseTo Hayes:
You too! <3Balita ko kasi ay medyo busy ang nga senior AgriBis students ngayong buwan kaya hindi ko rin siya masisisi if talagang busy siya.
Pagkadating ko sa gazebo ay naroon na silang apat bukod kay Abes.
"Where's Abes?" I asked them while sitting.
"He's in Manila right now. Pabalik balik pa rin ang isang 'yon doon, family business nga raw." Sagot ni Migo.
Tumango tango naman ako."Na naman? Wala siyang klase?"
"Isa lang ata ang klase niya ngayong araw pagkatapos ay umalis na," dagdag niya.
Kung pabalik balik siya from Tagaytay to Manila, napakaangas niya. Ang mahal kaya ng gas!
"Si Hugo?" Dagdag kong tanong.
Inirapan ako ni Migo. "Hanapan ba ako ng nawawala ha? May practice ata sila."
Pinisil ko na lang ang pisngi ni Migo kaya mas lalo itong nairita. Sina Migo at Lene na ang nagprisintang um-order. Nagpasabay na lang ako ng isang order ng adobo at mineral water dahil hindi naman ako gaanong gutom.
Maya maya pa ay dumating na sila. Nagpaplano na agad sila ng lugar na pagbabakasyunan bagaman sa susunod na buwan pa iyon.
"Guys, una na ako ah. May klase pa ako eh, sungit pa naman ng bakla naming prof," paalam ni Migo nang matapos siyang kumain.
Nang kaming tatlo na lang ang natira ay agad naman akong chinika ng dalawa.
"'Nasaan si Hayes?" Lene asked.
"He's probably busy, but he texted me naman," dagdag ko.
"Asenso, may pa-update nang nangyayari," kumento ni Eka.
"Anong busy ang sinasabi mo riyan?" naguguluhang tanong ni Lene.
"Sabi niya hindi niya ako masasabayan kumain dahil marami ata silang ginagawa, I said it's okay."
"Eh sino 'yun?" ngumuso si Lene sa likuran ko kaya nagtataka naman akong lumingon.
I saw Hayes walking towards us handling a tray of food. He smiled at me when he reached our table. Akala ko ba ay hindi siya makakasabay dahil busy siya?
"Don't look at me like that," puna niya.
Nang dumapo ang tingin ko sa dalawang kaibigan ay para silang nagkaroon bigla ng sariling mundo. Nagseselpon na si Eka samantalang si Lene naman ay pinagpatuloy ang pagkain kahit tira tira na lang ang nandoon.
"Eto lang kakainin mo?"
Tinignan ko naman ang pagkain na inorder ko."Oo. Ang dami na kaya."
Inilapag niya sa lamesa ang laman ng tray niya."Eat this also."
"Eh? Akala ko pagkain mo 'yan? "
"Eat this Layana, the food you're eating right now is not enough," pagpupumilit niya. "I need to go back. Ang paalam ko lang ay mag-ccr ako." Bahagya pa siyang natawa.
My lips parted a little because of what he said. Napakabuting estudyante naman nito!
Hinaplos niya ang buhok ko at pinatakan ako ng halik doon. "I'll text you later."
BINABASA MO ANG
Against the Waves (THE PRESTIGE 1)
General FictionThe Prestige Series 1 Layana never liked the idea that her first love suddenly left her without any warnings. For her, a demon is real. It has a face. And it has a name-River. Now that he is back, he wants her. Again. But as for Layana, if he want s...