Sinking
"Ate Vina si Hayes po?" mangiyak ngiyak kong tanong sa mayordoma nang makarating ako sa Chalet.
Inabutan na ako ng ulan pero wala na akong pakielam. Ang mahalaga lang sa akin sa mga oras na iyon ay si Hayes. Hindi pa kami tapos mag-usap!
Nagulat ito sa itsura ko pero agad din namang nakabawi. "Hindi ka pwedeng pumasok, Layana."
Desperada kong hinawakan ang kamay ni Ate Vina sa pagitan ng gate. "Ate Vina parang awa n'yo na po, kailangan ko lang pong makausap si Hayes. Saglit lang naman po."
Kahit ilang minuto lang, gusto ko lang makausap pa si Hayes!
"Layana, hindi nga pwede," bakas doon ang awa pero alam kong ginagawa niya kung ano ang inutos sa kaniya ng amo.
Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay ng mayordoma na para bang doon nakasalalay ang buhay ko.
"Saglit lang po talaga," pakiusap ko sa bawat hikbi ko. "Ilang minuto lang po. Nag-away po kasi kami, makikipag-ayos lang ako. Sige na po."
Pilit na kinukuha ni Ate Vina ang kamay sa akin.
"Umuwi ka na. Nababasa ka ng ulan! Magkakasakit ka!"
Umiling iling ako. "Sige na po, please. Please, Ate Vina, please papasukin n'yo na po ako. Hayes!"
Tumingin ako sa ikalawang palapag ng bahay pero nakapatay lang ang ilaw. Alam kong nasa loob siya. Hindi naman magiging ganito ang kilos ni ate Vina kung wala ang amo niya sa loob!
"Hayes! Mag-usap tayo please!" sigaw ko.
Sa sobrang lakas ng ulan ay imposibleng marinig niya ang boses ko kaya mas lalo kong nilakasan ang pagtawag hanggang sa sumakit ang lalamunan ko. Hindi ko ininda iyon dahil alam kong mas masakit ang puso ko sa mga oras na 'to.
"Hayes, please! Mag-usap tayo! Magbabago na ako. Hindi na kita aasarin. Hindi na kita guguluhin kapag nag-aaral ka. Hayes, please!" My voice cracked.
Nanginginig na ang katawan ko sa sobrang lamig pero desperada talaga akong makausap ang boyfriend ko.
Mahal na mahal ko si Hayes. Hindi na nga ako nagreklamo sa isyu patungkol sa panloloko niya sa akin dahil ayaw ko siyang mawala. Kaya kong tiisin lahat huwag lang 'to. Huwag lang kaming maghiwalay!
"Layana, umuwi ka na!" sigaw ni Ate Vina.
"Hayes!" pagbabalewala ko sa mayordoma.
Umusbong ang pag-asa sa loob ko nang bumukas ang pinto. Ilang dasal at pasasalamat ang nabggit ko dahil lumabas si Hayes pero napawi ang munting saya sa puso ko nang makita ang dalawang maleta na bitbit niya.
Aalis siya? Saan siya pupunta?
Natuod ako sa kinatatayuan at pinanood lang itong lumapit sa gate. Pinayungan ito ni Ate Vina pero mabilis at marahas ang paggalaw ni Hayes kaya nababasa pa rin siya.
"Hayes, saan ka pupunta?"natataranta kong sabi nang tuluyan siyang makalabas sa gate."Hayes," muli kong pagtawag pero hindi niya ako pinansin. Kahit nga tignan ako sa mata ay hindi niya magawa.
Binuksan niya ang backseat ng sasakyan at ipinasok doon ang maleta. Nagawa kong pigilan ito nang ipapasok na ang panghuli.
"Hayes, aalis ka? Saan ka pupunta?" Naghalo-halo na ang ulan at luha sa mukha ko. Alam kong kaawa awa na ang itsura ko ngayon. "Hayes, iiwan mo ako?" desperada kong tanong.
Hindi ito nagsalita. Nakatingin lang siya sa kawalan. Sa gilid niya ay si Ate Vina, hawak pa rin ang payong. Kahit nanlalabo ang paningin ay kita ko ang awa at mamula mula nitong mata habang nakamasid sa amin.
BINABASA MO ANG
Against the Waves (THE PRESTIGE 1)
Ficción GeneralThe Prestige Series 1 Layana never liked the idea that her first love suddenly left her without any warnings. For her, a demon is real. It has a face. And it has a name-River. Now that he is back, he wants her. Again. But as for Layana, if he want s...