29

15.9K 302 35
                                    

Drowning

R-18: Trigger Warning: Death.

"Layana," habol sa akin ni Nathan nang magmadali akong lumabas ng sasakyan."Layana let me explain."

Nahawakan agad ni Nathan ang braso ko pero padarang ko iyong tinanggal. Napupuyos ako sa galit. Halos hindi ko na makita ang dinadaanan ko dahil sa luha.

"Huwag mo akong hahawakan!"

"Layana, let me explain. Please."

"Uunahin ko pa bang pakinggan iyang walang kwenta mong paliwanag kaysa sa pamilya ko? Mamamatay tao ka!"

Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa harap ng resto pero wala akong pakielam. Hindi ako makapag-isip ng matino. Balisa ako. Ang nasa isip ko lang ay ang puntahan ang tatay at kapatid ko.

Sinubukan nitong lapitan ako pero umatras lang din ako.

"Layana..."

"Parehas lang kayo ni Hayes! Parehas lang kayong dalawa na walang ibang gawin kung hindi saktan ako! Mga manloloko! Sinungaling!"

Gamit ang natitira kong lakas ay umalis ako sa harap ng resto. Mabilis akong pumara ng taxi at tumungo sa hospital na pinagdalhan sa magulang at kapatid ko.

Walang humpay ang pag-agos ng luha ko dahil sa sakit. Natatakot ako sa mga bagay na sasalubong sa akin sa hospital...ayokong maniwala. Ayokong maniwala na wala na ang papa at kapatid ko.

Magdidinner dapat kami ngayon...Kasama sina papa at Lailana...pero bakit sa ganitong sitwasyon kami muling magkikita kita?

Tuliro ako nang makarating ako sa loob. Iginaya ako ng mga nurse na pinagtanungan ko papunta sa...sa Morgue. Naroon sa labas ng silid ang mga kaibigan ko, saba'y sabay silang nag-angat ng tingin sa akin...pero ang pinakanakakuha ng atensyon ko ay ang boses ni mama na umaalingaw ngaw sa buong pasilyo ng hospital.

Naghihinagpis.Puno ng sakit.Puno ng lungkot. Iyon ang klase ng pag-iyak na hindi pa handang magpaalam.

Nagsimula na namang pumatak ang mga luha ko. Kahit anong pagtanggi ang gawin ko, alam kong nasa harapan ko na ang katotohanan.Wala na naman akong takas.Wala na ang tatay at kapatid ko.

Nanlambot ako. Agad akong inalalayan ni Lene na ngayon ay lumuluha na rin. Pumikit ako nang mariin nang lalong lumakas ang pag-iyak ni mama sa loob ng morgue.

"Hindi! Hindi ito totoo! Ibalik niyo ang asawa't anak ko! Mga demonyo!"

Akala ko ay masakit na ang pagpapaalam...mas masakit pa pala iyong pagpapaalam na biglaan; iyong hindi ka handa—hindi mo inakala.

Kausap ko lang si papa noong nakaraan. Kung alam ko lang sana na iyon na ang huli naming pagkikita, hinagkan ko sana siya nang mahigpit.

Gamit ang natitira kong lakas ay tumayo ako at nanghihinang pumasok sa loob ng morgue. Nasa harapan ko ang dalawa sa pinakamamahal ko. Walang buhay. Nakahiga sa malamig na metal, sa ilalim ng puting tela.

Nanatili lang ang paningin ko roon, hindi iniinda ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata ko.

"P-pa..." nanginginig kong pagtawag.

Unti-unti akong lumapit kay mama. Hinagod nito ang likod ko bagaman siya ay hindi pa rin matigil sa pag-iyak. Nanginginig ang mga kamay ko nang hawakan ang puting telang nakatabong sa sa aking ama at sa aking kapatid. Nang magtama ang paningin namin ng tagabantay doon ay nakuha naman nito ang gusto kong ipahiwatig.

Unti-unti ay ibinababa nila ang puting tela at sumilay sa akin ang kahabag habag na katawan ng aking pamilya. Muntikan na kaming mabuwal ni mama kung hindi lang kami naalalayan ng mga kaibigan ko.

Against the Waves (THE PRESTIGE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon