18

16K 330 80
                                    

Official

"What's this for?"

He shrugged. "Just because."

A small smile crept in my lips. I inhaled the scent of the boquet he gave me.

"Do you like it?"

"Of course."

"I personally arranged that."

Namangha ako lalo. "Totoo?"

"Hmmm."

My lips protruded. In fairness, magmula nang maturuan ko siya sa pag-arrange ng bulaklak, nandiyan na iyong lagi niya akong sinasamahan sa pagdedeliver at pagbili ng supplies.

"And you attached a bible verse card. Sign na ba 'to para magbago ako?" I joke.

"What? No." Natatawa siya. "It's not what I'm trying to imply."

"Eh ano pala?"

He shrugged. "I just want us to include Him in our relationship. A constant reminder maybe?"

This time, I knew, he now fully claimed me.

"Sa tingin mo magugustuhan nila 'ko?" I asked him as I continue to survey the flowers.

"We can just postponed it," suhestiyon nito.

Nagsimula nang mamawis ang mga kamay ko kahit na hindi naman ako pasmado at nakatodo ang aircon ngayon dito sa sasakyan. Dahil dito sa flowers pansamantala akong nalibang pero ito na naman. Kinakabahan ako.

Parang simula noong nasigawan ako ng nanay ni Hayes ay hindi ko na gustong tangkain pa na pumasok diyan sa bahay nila. 

Umiling ako at binigyan siya ng kabadong ngiti. "Ano ka ba, naghihintay na sila sa loob. Inaasahan ako ngayon na dadalo."

He put his tongue behind his cheeks and sighed heavily. "You're uncomfortable. I told you, we can just meet them when you're ready."

He insisted me multiple times that we are not in a rush to meet them. Ako lang itong nagpupush masyado. Paano ba naman kasi, ayaw ko nang mabadshot pa sa parents nito. Baka kapag pinatagal ko pa ay isipin nila na ang paimportante kong tao.

At isa pa, I want their blessings. I want them to know me and allow me to become part of their son's life.

"This is the right time. Do you think they will like me? Iyong make up ko, hulas na ba? Halata ba na kabado ako?" natataranta kong sabi.

Hayes held my hand and look at me directly. He touched my chin and smiled. "Of course they will," he assured me.

I smiled nervously.

Alam kong pinapagaan lang ni Hayes ang loob ko ngayon. Of course, they didn't like even from before, paano pa ngayon?

Inangat muli nito ang baba ko at binigyan ako ng isang mababaw na halik sa noo. "I am with you, don't be nervous. Just be yourself."

Tumango na lang ako sa tinuran nito.

"Let's go?"

Huminga ako ng malalim bago lumabas ng sasakyan. Nakaalalay ang kamay ni Hayes sa bewang ko hanggang makapasok kami sa loob ng kanilang bahay.

Dati pa naman ako nakapasok doon, ilang beses pa nga pero ngayon ko lang naramdaman na tila kay liit ng epasyo ng kanilang masyon para sa tensyon na namumuo sa loob.

Tumungo kami sa kitchen, naagaw namin ang buong atensyon ng pamilya Espinoza, bukod kay Don Nicholas na patuloy pa rin sa pagkain. Kagaya ng una kong pagpunta rito ay ganoon pa rin ang talim ng tingin sa akin ng ina ni Hayes.

Against the Waves (THE PRESTIGE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon