07

24.6K 525 98
                                    

Notice

Ibinigay ni Sir. Frescano ang listahan ng mga estudyanteng magkakagrupo nang sumunod na araw. Each group, it consist of 7 members. Mainam na rin iyong ganito na hindi gaanong marami para mahati hati nang maayos ang mga task. Iyong iba pa naman pwet lang ambag e.

I'm not that studious type of person but I know how to become a responsible student. Hangga't maari ay gusto kong matapos agad ang isang requirements bago pa matambakan ng panibago. Ayaw ko pa namang natataranta ako. Hindi ako nakakapagdecide nang maayos kapag gano'n e. Siguro, kung tatanungin nga ako sa trabaho kung anong weakness ko, iyon ay ang hindi ko kaya na i-handle nang maayos iyong stress. I know it's something I should focus on but I am struggling not to get panicked when I am under pressure. 

Sa mga nagdaang oras ay hindi nawala sa isip ko ang sinabi ni River. Ang lalaking iyon, simula nang dumating siya dito ay palagi na siyang nasa isip ko! Imbis na pag-aaral lang ang atupagin ko ay ito ako, iniisip ang lalaki. 

He begged me. He was so determined. But why? Ngayon niya lang ba narealize iyong nagawa niya noon? Nasasayangan ba siya ngayon? O baka, may gustong patunayan? Hindi ko na alam. Hindi ko alam kung bakit bigla bigla siyang susulpot sa buhay ko at magtatanong kung pwede ba naming subukan ulit. Pero mukhang iyon din ang problema. Wala naman kaming nasimulan noon. 

I'd always remind myself that it was just a pure puppy love. We were both young. It's nothing serious. But oh well, that's just one of the lies I always believed in. 

Yes, I liked him. And by the look of my situation right now, the way my body reacts whenever he is around, I can't finally say that I am done with him. I am not foreign to these feelings. I've felt it before. He made me experienced it. And now, he's also the reason why I got this butterflies and chills again. 

But, no. I just can't give in. There are so many questions in my mind. Bakit siya hindi bumalik noong debut ko? I waited for him. Naghintay ako sa kaniya ng gabing iyon. Kahit pa noong sumunod na araw. . .hanggang sa naging linggo. . .buwan at ito, inabot ng taon bago siya nagpakita.

"Okay, settle down." Sumenyas si Sir na maupo kami nang maayos matapos magsama sama ang magkakagrupo. 

Maingay ang klase namin para sa araw na iyon. Ibang iba kapag may recitation kami. Well, hindi ko sila masisi. Nagkumpulan ba naman sa labas iyong mga seniors namin. Sa laki at tangkad ng mga iyon, halos sakupin na nila ang hallway sa tapat ng classroom namin. Iyong iba ay pamilyar ako sa mukha at may ilan naman na ngayon ko lang nakita. 

"I'll now introduce to you your seniors that will serve as one of your team in this project. They are outside." Panimula ni Sir at lumabas para makausap iyong mga seniors namin sa labas. 

Nagtilian na agad ang ilan sa amin lalo na ang mga babae. Iyong tahimik ngang si Bella ay nakita kong halos labasan na ng litid kakasigaw niya. Mukhang may natitipuhan sa mga senior namin. Nangunguna pa nga ang isang bakla na kagrupo kong si Patrick.

"Sana sa atin si Fafa River!" Pinagdikit pa nito ang dalawang kamay na parang nagdadasal.

"Anong sa inyo!? Minanifest ko na iyan kagabi. Sa amin iyon!" 

"Bakit may pangalan mo ba sa noo niya para masabi mong sa iyo iyon?" Entra ni Patrick. "Sa amin siya!"

Nagtawanan kami. 

"Bakit may pangalan mo rin ba siya sa noo kung makaangkin ka?" 

Nagpatuloy pa sila sa asaran. Nakisalo pa ang iba. Hindi ko naman maiwasan na matawa dahil talagang pinaglalaban nila na sana sa kanila iyong bagong estudyante. 

Muli tuloy akong napatingin sa labas. Biglang umahon ang kaba sa dibdib. Hindi kasi imposible na nandiyan sa labas si River. Alam kong parehas ang kursong kinukuha namin. Maliit ang tiyansang na mangyari iyon dahil halos limang sections mayroon para sa kurso namin. Pero kahit na. Hindi pa nga ako nakakabawi sa naging usapan namin ay makikita ko na naman siya.

Against the Waves (THE PRESTIGE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon