02

39.9K 824 253
                                    

Tissue

"Ang tagal mo a!" bungad ni Abes nang makabalik ako sa loob. Inalalayan naman niya ako na makaakyat sa taas ng bench.

"'Di ako sinipot." Reklamo ko na lang at umupo muli sa paanan nito.

Padabog kong binigay sa kaniya ang bulaklak. Kinuha ko rin ang bag niya para kumuha ng pagkain. Hindi na rin naman siya nagreklamo.

"Hindi ka sinipot ng customer mo?"

Umismid ako. "Ulit-ulit ka? Ano ka boomerang?"

Tumawa siya. Abes ruffle my hair. He then handed me the newly opened yakult. "Ano bang pangalan tapos course? Hanapin ko. Scam-in niyo na lahat huwag lang ang prinsesa namin!"

I rolled my eyes when I hint his humor. Prinsesa amputa. Ang maton maton ko gagawin akong prinsesa?

"Marcus. Nursing." Sagot ko.

Nanatili akong tahimik pagtapos nun. Hindi na rin ako inusisa pa ni Abes. Marahil ay naramdaman niya rin na hindi ako makakausap nang maayos kapag ganitong badtrip ako.

Nagpapanting pa rin ang tenga ko dahil sa sinabi ng impaktong iyon kanina. He want us back? Bakit ano bang babalikan niya? Akala mo kung anong gamit lang ako na pwede niyang balikan kahit kailan niya gusto?

Hindi ako mabait na tao para ipagpasa-karma na lang iyon. Bakit pa kasi siya bumalik? At bakit nandito iyon? Ano, huwag mong sabihin na dito rin mag-aaral ang harina na iyon?

"Layana para sayo 'to!" Nabaling ang atensyon namin sa court.

Si Anton ang sumigaw, isa sa mga kagrupo ni Hugo. Inasar naman ako ng mga kaibigan ko dahil doon. Nakita ko pa kung paano ako tapunan ng masamang tingin ng iilang babae sa kabilang bench. Grabe kung nag-e-exist lang siguro ang Most Hated name sa Guinness Book of Records, ang tagal ko nang napabilang doon.

"And two point shot for Navarro!"

Dinaggil ako ni Lene. "Shooter! Sa court pa lang iyan a!"

In a snap, my thoughts diverted to the game.

Isa pa itong si Lene na sulsol sa aming magkakaibigan. Shipper raw siya kuno sa tambalan namin ni Anton hashtag LanTon. Sana kung gagawa sila ng loveteam iyong maganda sa pandinig ano?

"Go LanTon!" si Lene.

"Tanginang love team iyan. Ang pangit! Ano handa niyo kapag anniversary? Pancit canton!? Gano'n!?" kutya ni Abes.

Noong first year pa lang kami rito sa University ay pinopormahan na ako ni Anton. Hindi naman siya iyong tipo na nangungulit pero vocal ito, balita ko rin ay matunog ang pangalan ko sa Twitter dahil sa kaniya.

Literal na hearthrob si Anton-mayaman dahil siya ang anak ng Mayor. Matangkad, chinito tapos part pa ng varsity team. Sabi nga ni Lene, all-in-one na. Pero ewan ko ba, ayoko sa mga chinito. Walang forever sa mga iyan. Wala na silang mata kaya hindi nila makikita ang halaga mo!

Botong boto kasi si Lene kay Anton para sa'kin pero anong magagawa ko? Hindi ako boto kay Anton para sa'kin. Doon na lang ako sa mga koryano ko. Atleast doon alam kong walang heartbreak na mangyayari.

"Ang sarap mong shotain, Monte de Ramos!"

"Huwag niyong ibigay iyong bola sa bansot!"

"Jaguars! Jaguars!"

"Uy, sarap sa ears." Nabuhayan ulit si Abes dahil may nagcheer sa kalabang koponan nila Hugo. Tumayo siya sa bench at iwinagayway ang dalawang kamay sa ere. "Louder naman!" bibong sabi ni Abes. "Hoy! mga member ng choir diyan, sigaw sigaw din 'pag may time! Isipin niyo na kalayaan ang pinaglalaban natin at isa kayong mga katipunerang naghihimagsik, at si Hugo ang dayuhang hilaw. Come on!"

Against the Waves (THE PRESTIGE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon