04

26.7K 684 153
                                    

Announcement

River Hayes Espinoza.

Siya iyong first love ko.

Siya iyong nang-iwan sa akin bigla bigla dati. Na ngayon ay nandito na ulit sa Tagaytay. Siya iyong Hindi sumipot sa birthday ko. Siya iyong nangako na liligawan ako pero nawala ng parang bula. After a year of not having a contact with him, he showed up without notice. He wants me back as if I am just his damn toy he can come back to whenever he want to.

I don't know what he really wants but I am sure, I am one of it.

"Look, I told you sa black wallet mo kuhanin. Doon sa maliit na bulsa. Shocks! Pero kapag usapang gwapo, ang linaw ng mata mo!" ani ni Lene.

Napanguso ako at pinaglaruan ang kuko ko.

"Wala ka namang sinabi na sa maliit na bulsa!" Ganti ko naman.

Lene groaned.

"Eh bakit naman kasi napakarami mong wallet? At isa pa, bakit may number ka ng lalaking 'yun?"

Pinapanood lang kami ni Eka habang nagtatalo kami ni Lene dito sa kwarto. Paano ba naman kasi, maling contact ang nakuha ko sa wallet niya!

"Of course, dapat lang! I got it from my friend. Uhm. . .First day niya ngayon dito sa University. And believe me, bunch of girls are already head over heels for him!"

"You should say sorry," pamimilit ni Elene.

Napataas ang kilay ko. "Bakit ako mag-s-sorry? Ayoko nga."

Siya nga ay hindi nag-sorry sa akin e, kaya bakit ako mag-s-sorry?

"Come on, Layana. Kahit saang anggulo mo tignan ikaw ang nagkamali. Wala akong kinakampihan, okay? But what you did was wrong," maingat na sabi ni Eka.

"Just say sorry and that's it," pagsang-ayon naman ni Lene.

"Come on, Layana."

Umiling ako. "Tinubos na ni Hesus ang kasalanan ko, bahala siya diyan."

Lumipas ang mga araw at palagi akong tinatanong ng dalawa kong kaibigan kung nakapagsorry na ba 'ko. Oo lang ako nang oo kahit hindi naman talaga. Why would I, right? I know, it's my pride talking but I just can't say it knowing he did me wrong in the first place.

Inabala ko na lang sarili ko sa pag-aaral at sa pag-m-manage ng online shop ko kaysa pag aksayahan ng oras ng lalaking iyon. Dito, kumikita pa ako ng pera. At isa pa, kahit naman anong iwas ang gawin ko sa lalaki ay talagang magkikita at magkikita kami nito sa campus. Mabuti na lang talaga at sa fourth floor ito naka-room, hindi ko masisilayan ang mukha niya sa araw-araw dito sa floor namin.

"Anak!"

I stopped walking when I heard a familiar voice called me. Napatingin ako sa gate. My lips parted in joy. I didn't waste anytime and run as fast as I can towards him. I embraced him so tight!

"Papa!"

"Mukhang namiss mo ako a? Sabagay, ako na 'to."

Bahagya akong humiwalay sa kaniya. "God! Of course I missed you!"

I hug him again. I earned a soft chuckle from him and placed his chin above my head and squeezed me.

"Ang laki laki mo na a. Kumakain ka ba dito nang maayos? Ang pag-aaral mo, hindi ka naman ba masyadong na-stress?"

I pouted as I distanced myself to him. Some students are looking at us but I don't care. I missed my father so much!

"I'm okay, Papa. I am enjoying my stay here. But sometimes, I miss your cooking."

Against the Waves (THE PRESTIGE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon