Prologo

111 34 16
                                    

Tanging busina na lamang ng sasakyan na may apat na gulong ang naririnig ni Creiah at ang napakalakas na takbo nito sa malawak na kalsada, kasabay ang malakas na ulan ang maririnig mo sa labas ng sasakyan.

"Ano ang nangyari sa 'kin?" Tanong ni Creiah sa lalakeng nakaupo sa kaliwang bahagi ng upuan ng ambulansya.

Hawak-hawak nito ang kanyang ulo na may sumusulpot at tumatalsik pa na dugo dulot ng nakabaong kinakalawang na pako. Hindi sumagot ang lalake, sa halip ay sinalo nito ang tumatagaktak niyang dugo gamit ang maliit na timba, at tinikman ito kalaunan gamit ang hintuturo.

Nakita rin ni Creiah na may kinabit na armas ang lalake sa bewang na lubos niyang kinatakutan, isang kahoy na may pako sa dulo. Nangunguna na ang kilabot at pagkasindak niya sa puntong ito. Meron pang dugo ang pako na tila bago pa lang itong ginamit kung kaya't mas lalo siyang nanghina sa nakita.

Tumawa ang lalake sa drayber na para bang pareho sila ng iniisip. Gusto niyang makawala sa pagkagapos ngunit wla siyang sapat na lakas upang tanggalin ito.

Saan kaya siya dadalhin ng mga lalake? At napansin pa niya na hindi lang siya ang nag-iisang biktima na nasakay nitong sasakyang may apat na gulong. Marami pala sila. Mga estudyante katulad niya naka uniporme pa ang mga ito. Duguan at para bang nawawalan na rin ng pag-asa. Kitang kita ko sa kanilang mga mata ang pighating nadarama nila. Dugo ang iyong makikita kahit saang banda ka tumingin sa loob ng sasakyan, dugong nagsusulputan at nagsikalatan.

Crazy Little Thing Called DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon