Kabanata 8

29 11 0
                                    

Kabanata 8

Gumising ako kinaumagahan ng dahil sa ingay na narinig ng dalawa kong tenga. Nagmumula ang ingay malapit sa lamesa ko. Bumangon ako agad - agad sinusi kung ano 'yon. Kaya naman nakita ko na iyong pinag - inoman ko ng tubig kagabi ay nabasag. Pero paano ba ito nabasag? Tanong ko sa sarili.

"Meow, Meow"

Laking gulat ko ng marinig ang boses ng isang pusa. Paano ba 'to nakapasok sa kwarto ko ang Pusang ito?

Napaka - cute ng pusa kaya naman ay agad ko itong pina - amo at pinalapit ko ito. Puro - puti ang kulay ng pusa at napakalinis . Ng lumapit na ito sa akin, agad ko itong inamoy at kinarga at masasabi ko lang ay ang bango - bango lang talaga ng pusang ito. Doon ko nalang namalayan na may nakasabit na parang napakaliit na sulat sa pendant na isinabit sa leeg nito.

Bago ko man buksan ang mga iyon may agad nag flash na mga salita sa loob ng malaking screen sa loob ng kwarto ko.

"Today would be your official first day of class, bring the pets with you."

So ayon nga, nakita ko ang mga salita na nag flash sa screen kaya naman ay dali - dali akong naligo, kumain at magbihis. Itinabi ko muna ang pusa at nilagay ito sa may upuan habang ginagawa ang mga dapat gawin upang maagang makapasok sa unang klase. Dahil hindi ko pa alam kung saan na room at saang building ako papasok sa laki nga naman ng paaralan.

Matapos gawin ang mga bagay - bagay, ay inihanda ko na ang aking sarili upang makalabas na sa silid. Naka suot ako ng uniporme at napakaiksi ng palda ngunit mataas naman ang knee sock.

"Meow"

Bago paman makaalis, nakalimotan ko nga palang dalhin ang pusa. Mayroon ng naka handang lalagyan ng pusa na gawa sa metal kaya naman ay pinasok ko ang pusa doon at kinarga ang lalagyan. Hindi naman masyadong mabigat kaya naman ay komportable akong dalhin ang mga 'yon.

Kitang - kita ko habang naglalakad na meron ding dala - dalang lalagyan ng hayop ang mga estudyante. Kaya napagtanto ko na baka ay magkaklase kami.

Napakalaki ng paaralan kaya naman ay hindi nag - sisiksikan ang mga estudyante do'n. Parang may nag vibrate sa bulsa ng aking palda kaya naman ay agad ko itong kinuha at tiningnan. Pagkuha ko ay para itong isang device na maliit. Kung susuriin, parang one inch lang ang laki nito. May kulay green na bilog doon kaya naplanohan ko na pindutin 'yon. May lumabas na parang isang mapa doon at may nakalagay na "you" isang location kung nasaan ako at kung saan ang ibat - ibang establisyemento naka lagay. Kaya naman nakita ko na kung saang room ako pupunta kaya naman ay dali - dali akong naglakad upang agad na makarating sa pupuntahan.

Laking gulat ko ng makitang isang upuan nalang ang bakante sa silid at ang lahat ay naka - upo na sa kani - kanilang pwesto, katabi nila ay ang kanilang hayop na nakalagay sa isang lalagyan katulad lang din ng sa 'kin.

"Good morning class!"

Agad - agad akong naglakad ng mabilisan patungo sa bakanteng upuan, bit - bit ang aking pusa. Buti nalang at agad akong nakarating sa upuan. Gusto ko kasing hindi ma late sa unang araw ng pasukan ngunit, 'yon nga muntikan na.

" So, I am Ms. Violeta Dema Ano, your class adviser and Understanding the Self Teacher. Glad to see all your faces in here. This section is a well - known class. Because all the students in this section is capable of making things that only this section can do. The students in here are gifted."

Ano? Gifted? Normal lang naman ako e.

"Kailangan ninyong malaman ang iba't - ibang katangian na tinataglay ninyo. This subject, Understanding the Self is basically testing and talking about yourselves. Dito, malalaman ninyo kung ano ang mga kaya ninyong gawin. To be exact, you don't have any super powers in here, only you possess abilities that only you have. Again, abilities not super powers. This section have the highest scores in every month activities and won a lot of trophies and rewards. Don't let that standard degraded. I don't want clumsy, I want your ability increases, and let your true you surprise everybody."

Nakakatakot ang mga awra ni Ms. Dema Ano. Iyong mga kilay niya, at ang postura nito ang nakaka - pagpatakot sa kanya at ang hills nito na kung susuriin ay nasa limang inches. Parang halimaw ito, isang magandang halimaw. Agad kong naalala ang sinabi ng babae sa 'kin kama - kailan lang. Kagabi para eksakto tungkol sa gurong ito.

Kahit na sinong lalaki ay mama - mangha sa kagandahang taglay ni Ms. Dema Ano, suot - suot ang puro itim na dress nito. Napakaganda niyang tingnan ngunit ang awra nito ay katulad ng suot niyang dress, itim na parang halimaw.

"Before I forgot, I don't want lovers in this section." Nakangiting sabi ng guro.

Naalala ko ulit ang tungkol sa nangyari kay Ms. Dema Ano at ng kanyang jowa.

"Get all your pets with you and put it on the top of your table. Don't open the small cage yet. Open it until I say so. Okay?"

Kanya - kanya naming inilagay ang mga kasama naming hayop sa ibabaw mesa namin.

Ipinaliwanag ni Ms. Dema Ano ang mga dapit gawin sa mga pusa namin. Sa pagka - pansin ko, lahat ng hayop na mayroon ang mga kaklase ko ay puro pusa. Napaka - cute din ng sa kanila.

"Tignan ninyong mabuti ang inyong dalang pusa at suriin ito."

Ginawa naman ng lahat ang inutos ng guro. Ano kaya ang gagawin namin neto? Titingnan lang tapos ano? Napaka - cute talaga ng pusa ko.

"Dahan - dahan ninyong buksan ang lalagyan ng inyong mga pusa. Alam niyo ba kung bakit ko kayo binigyan at pinadala ng pusa?"

Sumagot naman ang lahat ng hindi. Ewan ko pero nakakatakot talaga ang mga mata ng gurong ito parang halimaw.

"Under your desks, I've placed a small knife in there. Kindly get it and follow what I say."

Nagsimula ng manginig ang aking mga kamay sa paghawak ko ng kutsilyo kaya naman ay hinanda ko ang sarili sa iuutos ng guro.

"Putulan ninyo ng ulo ang pusa, at dalhin niyo sa akin ang ulo. 10 minutes starts now."

Crazy Little Thing Called DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon