Kabanata 2

66 29 25
                                    

Kabanata 2

Binasag ng nakakabinging ingay ang silid. Pagbukad ng dalawa kong mata ay nakita ko na may pagkaing nakahanda sa mesa.

Nakita ko rin sa isang malaking screen sa loob na may naka flash na mga salita.

"This would be your first day touring the school. Behave and enjoy yourselves."

Doon ko nalala na unang araw ko pala ngayong maglibot sa paaralan na 'to.

Kaya dali - dali akong kumain at hinanda ang sarili. May banyo sa loob, at may mga gamit na rin pang ligo. Kaya naman 'di na ako nag aksaya ng oras at ginawa ko na ang dapat kong gawin.

Pagkatapos ko lang maligo naramdaman na ang mga sugat sa ulo ko ay humupa na at wala nang kirot ang aking nadarama. At di nag atubiling kinuha ko ang uniporme sa lalagyan ng mga damit.

Pagkatapos 'kong mag ayos ay umupo muna ako ng bahadya sa silya at nag antay sa kung sino ang dadating upang sasabay sa akin.

Bumukas ang pinto at isang estudyante na lalaki ang bumulagta sa akin. Naka uniporme ito parang mag ka edad lang kami. Ang linis niyang tingnan sa uniporme na suot niya. Pero mukhang masungit. Hindi man lang kumatok sa pinto at nag pahayag ng magandang araw o kung ano.

Napaisip ako at naghinuha na sayang ang kagwapohan ng lalaki. Masungit at walang respeto.

"Pinapunta ako dito ni Mrs. Cariaga para sunduin ka. Ako ang magiging taga bantay sayo sa ngayon at higit sa lahat, ako ang sasabay sayo na maglilibot sa paaralan. Lincoln nga pala. Lincoln Morales."

Hindi na siya pumasok sa loob at naghintay na lang sa 'kin sa gilid ng pintuan.

Plastik ako ng ngumiti sa kanya, 'nong nag lahad siya ng pangalan niya.

Umuna akong lumabas at sumunod naman siya.

Hinay - hinay lang akong naglakad at umabot sa punto na ang lapit na pala ng distansya naming dalawa.

Sabay naming inilayo agad ang aming katawan sa isa't isa ng maramdam ang nagkadikitan na katawan.

Nilibot ako ni Lincoln sa mga establisyemento sa kanilang paaralan. Ako'y manghang - mangha at na we - werduhan sa mga nakikita.

Ang paaralan ay maganda pero ang creepy lang talaga.

Hindi nag papansinan at konsentrado ang lahat ng naglalakad at umuupo sa bleachers. May nag se - selpon, laptop, pero ang nakakapaghinayang lang talaga ay hindi nagsasalita man lang ang mga tao. Katahimikan ang bumabalot sa paaralan ngayon.

Magtatanong na sana ako kay Lincoln,

"Huwag kang mag alala, masasanay ka rin sa mga tao dito." Ani Lincoln.

Napakalaki talaga ng paaralan. Kahit sinong estudyante ay mamamangha sa hindi lang malaki ngunit napakagandang paaralan.

"Dito ang huling distinasyon natin sa paglalakad. Ang opisina ng paaralan. Magmasid ka at ibigay mo ang iyong atensyon sa mga bagay sa paligid".

Sinunod ko ang sinabi ni Lincoln. Grabe napakalaki ng opisina nila. Ang mga gurong nasa loob ay may kanya - kanyang computer sets, napaka espasyo ng bawat area ng mga guro. Busy ang lahat na parang ngayong araw na ito ang deadline sa kung anong pinagawa ng prinsipal.

Matapos namin sa opisina, dinala ako ni Lincoln sa isang napakalaking arena. High - Tech ang arena sabi ni Lincoln. Teknolohiya raw ang  nagmama - nipyulita nito. Battlefield daw ito kung tawagin.  Bawat buwan raw ay may ginaganap na patimpalak sa paaralan, isang patimpalak na hindi lang puro kasiyahan, kung hindi ay meron ding patayan, dugoan.

Mga balahibo ko'y tumindig matapos marinig ang mga 'yon sa bibig ni Lincoln.

"Akala ko ba ang opisina na ang huling pupuntahan natin? Ba't moko dinala rito?"

'di ko alam kong bakit ko natanong iyon. Sinalubong ako ni Lincoln ng matalim na mga titig.

"Ano ba ang nasabi ko ha? Ba't ganyan ka kung makatitig?"

"Bakit bawal bang tumingin?"

"MAAARI NANG BUMALIK ANG MGA ESTUDYANTE SA KANI - KANILANG DORMITORYO AT MAGHANDA PARA SA GAGANAPIN BUKAS "

Natigil kami ng marinig ang nakakabinging ingay ng speaker sa paaralan.


Gamit ang dalawang paa, dali - dali akong naglakad at gano'n din si Lincoln. Di ko nalang namalayan   na nabunggo ko ang isang babae na nakatayo na may dala - dalang libro at cellphone. Aksidenting nahulog ang mga iyon. Galit ang nabuo sa mukha ng babae.


"Hindi ka ba tumintingin sa dinadaanan mo!?"

Galit na tanong ng babae.

"Sorr...............................,"

Hindi ko natapos ang sanang sasabihin ko. Sampal, napakalas na sampal ang natanggap ko na nanggaling sa kanang kamay ng babae. Natutula ako dahil sa bilis ng pangyayari.

"Kilala mo ba ang nabangga mo ha!?"

Mabuti na lamang at tumakbo ng mabilis si Lincoln at inawat ang babae.

"'wag ka ngang mangialam dito Lincoln. Ito na naman ba ang bagong babae mo?"

Bagot na bagot ng umalis ang babae, parang may sinabi si Lincoln na nagpatahimik sa babae.
Inalalayan ako ni Lincoln pabalik sa dormitoryo. Kumuha siya ng malamig na tubig at maliit na tuwalya. Piniga, pagkatapos ay inilagay sa kaliwang pisngi ko. Napakasakit talaga ng sampal ng babae, parang ang tigas ng kanyang mga kamay na parang may bumabalot na bakal kanyang.

" Siya si Demetria. Demetria Denvel. Isa sa mga top student dito sa paaralan. Kinatatakutan siya ng mga estudyante dito dahil sa mga tanyag niyang kakayahan. Matalino, iskilado at higit sa lahat, palagi siyang nananalo sa mga patimpalak na isinasagawa sa paaralan lalong - lao na sa arena. Sa arena na kung saan patayan talaga ang nagaganap."

Matapos marinig ang mga 'yon sa mga bibig ni Lincoln, tinamaan ako ng takot. Hindi ko inaakalang makakabangga ko ang isa sa mga tanyag na estudyante sa paaralang ito.

"Salamat pala kanina ah."
Ani ni Creiah.

Tumango lamang si Lincoln at dinala ang sarili sa labas ng pintuan at nagpaalam na aalis na.

Aakmang aalis na sana si Lincoln  ng bumalik ito kaagad sa kwarto dahil may kung ano raw siyang namasdan na parang may mali sa paligid.

Agad isinirado ni Lincoln ang pinto at agad na pinatay ang mga ilaw na bumabalot ng liwanag sa silid. Hindi ko talaga alam kung ano ang nangyayari. Tanging si Lincoln lang ang makakasagot sa mga katanungan na tumatakbo sa 'king isipan.

"Nandyan na sila, ang mga estudyanteng nagiging halimaw tuwing gabi. Kinakain ang sino mang naamoy at nakikita nito. Mahirap labanan dahil sa tanyag na lakas at kalakihan nito."

Matapos ang ilang minutong katahimikan, mayroong kumatok sa pintuan. Tumindig ang aking mga balahibo at hinawakan ni Lincoln ang aking bibig upang walang ingay na lalabas. Luha ay nabuo sa 'king mga mata, Nanginginig ang buong sistema, 'di alam kung anong gagawin.












Crazy Little Thing Called DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon