Kabanata 1

77 29 8
                                    

Gumising ako sa isang purong puting kulay na kuwadradong silid na may napakaliwanag na bumbilya. Napansin ko na may dextrose sa aking kamay. Duster na kulay puti rin ang suot ko at may bandage na nakabalot sa ulo ko. Gusto kong igalaw ang mga parte ng aking katawan ngunit nakakaramdam ako ng sakit sa tuwing ginagalaw ko ito. Lalong-lalo na ang aking ulo.

Hindi ko alam kung ilang minuto, oras o araw na akong nakatulog pero lubos ang aking pasasalamat at buhay pa ako.

Sa oras na ito, may dumating na babae na naka kulay puti rin ang suot ngunit mas pinaiksi iyong sa kanya. Kulot, matangkad, at maganda ang babae. Kung susuriin mo, nasa bente sais na gulang na ang babae. Habang papalapit ang babae, nakikita kong may dala dala itong trolley na may may sari saring laman. Pagkain, tubig, juice, medisina at isang syringe na may kulay kahel na likido sa loob. Nanghina ulit ako ng napaisip na naman kung bakit ako nandito sa lugar na ito at kung ano ang nangyari sa akin.

"Kumain kana Creiah at nang lumakas iyang katawan mo." Ani ng kulot na babae.

Hindi ako kumibo at diretso lang ang aking tingin sa kanya. Napaisip ako kung bakit alam ng babaeng ito ang pangalan ko.

"Ako pala si Wendy. Pwede mo 'kong tawaging Wend."

Sabay bigay sakin ng dala dala niyang  pagkain.

Nanginginig na ang sikmura ko kung kayat kinain ko lahat ng dinalang pagkain ni Wendy. Pagkatapos kong kumain ay binigay niya ang dalawang piraso na gamot na kulay puti at dilaw, sabay bigay ng isang basong tubig. Ininom ko iyon at bumalik sa pag higa.

"Maya maya ay darating dito si doc. Wag kang masyadong makulit  dahil nakakatakot yun pag magalit. Si doc ang mag tuturok sa iyo nitong syringe."

Humiga lang ako at binaon sa utak ang sinabi ni Wendy. Inikot ko ang aking mata sa kwadradong silid dahil ito lamang ang tangi ko pang magagawa sa ngayon. Kulang pa ang aking lakas upang tumayo at manglaban.

Bumukas ang pinto at lumabas ang isang nasa apat napu't dalawang taong gulang na lalaki. Naka laboratory gown na suot ito, nakamask, naka gloves, at may dalang libro na binabasa habang naglalakad at may dala - dalang stethoscope sa liig.

"Creiah Florantino? Iche-check muna natin ang heart beat mo Creiah ha."

Tumango lang ako at ilang segundo lang ang nakalipas, ay kinuha niya ang aking kanang kamay at hinawakan ito. Kinuha niya ang syringe na dala ni Wendy kanina at hindi nag atubiling iturok yun sa braso ko. Masakit ito at muli akong nanghina. Ipinahinga ko ulit ang aking sarili at nakaramdam uli ako ng antok.

Hindi ko maisip kung ano talaga ang nangyari sa akin. Kahit anong pilit kong balik sa nakaraang nangyari, wala talaga akong maalala. Mas lalo lang sumasakit ang aking ulo sa tuwing sinasagad ko ang sarili na maalala ang lahat.

Nagising nalang uli ako ng nararamdaman kong parang may dumadaloy at nahuhulog na kung ano sa mukha ko. Nang hawakan ko ito, dugo pala na nagmumula sa sugat sa ulo ko. Nakakaramdam ako ng hapdi at takot, takot na baka hindi na ako mabubuhay. Takot na baka kung ano na ang  mangyari sa akin at takot na wala na talaga akong pag asang makalabas sa silid na ito. Sa gitna ng pag iisip, may napakalakas na tunog ang narinig ng aking dalawang tainga. May speaker pala sa silid.

"Bukas ay pwede na kayong lumabas sa sari sarili ninyong mga silid, upang bigyan kayo ng pagkakataon na masilayan ang kagandahan ng buong eskwelahan. Walang sino man ang pwedeng lumabas sa gate ng paaralan. Marami ang nakapalibot na gwardiya sa loob at wag kayong magtangkang tumakas. Kung madadakip kayo ng gwardiya, hindi niyo talaga magugustuhan ang mangyayari sa inyo. E - enjoy niyo lang ang paglilibot sa paaralan bukas. Kung wala kayong masamang gagawin na ikasisira ng paaralan, wala ding masamang mangyayari sa inyo."

Maraming mga imahe ang nabuo sa aking utak ng marinig ko iyon. Ano? Paaralan pala ito? Bukas? May tour sa paaralan? Hindi ko lubos maisip na paaralan pala itong napasukan ko. Pero ang katawan ko hindi ko pa masyadong magalaw, paano ako makakalabas bukas? 

Napakasakit na talaga ng buong katawan ko ngayon. Kung kanina ay ang ulo ko lamang ang masakit, ngayon ay ang buong sistema ko na. Hindi ko na talaga alam kung ano ang dapat kong gawin. Gusto kung maka-alala ngunit wala, hindi ko kaya.

May aircon sa silid kaya malamig. Nakaramdam ako ng lamig sa buong sistema ko.

Ilang oras ang sumapit, ay may babaeng nakapalda ng maiksi ang dumating nakatali ang buhok at naka I.D. at may dala dala itong mga gamit.

Sinalubong ko ng tingin ang babae at ganon rin siya. Walang kahit isang ngiti ang lumabas sa kanyang mga labi. Seryoso ang babae sa kanyang ginagawa. Kaya naman pagkatapos niyang gawin ang kanyang trabaho ay lumabas na agad ito at dinala ang wala ng lamang trolley.

Isang blusa at isang palda na maiksi na hanggang binti ko lang at meron pang mataas na medyas na hanggang binti ko rin at isang pares ng maitim na sapatos, at isang kulay pink na bag.  Hinanger niya ang mga damit at  palda at nilagay sa lalagyan ng mga damit.

Nakatingin ako sa orasan na nakalagay sa ibabaw ng pintuan. Hindi ko talaga alam kung araw pa ba o gabi na. Ang silid ay balot na balot ng kulay puti at hindi maaliwalas ang kulay at ganap sa labas. Tanging sarili ko lang ang aking nakikita at ang mga taong may kailangan sa akin. Sa orasan ay alas onse na pero d ko alam kung umaga o gabi. Bukas, ano kaya ang mahihinatnan ko.

Sa nagdaang mga oras ay hindi na masyadong masakit ang aking mga katawan. May masakit na parte pero hindi na gaanong masakit hindi kaparehas kani kanina lang na para na akong mamatay sa sakit.

Napaisip ako na matulog nalang muna at baka gabi na. Hindi ko pa alam ang mahihinatnan ko bukas. Mas mabuti pang magpahinga at ihanda ang sarili para bukas.




Crazy Little Thing Called DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon