Kabanata 9

38 11 0
                                    

Kabanata 9

Matapos marinig ang sinabi ng guro, halos lahat ng mga estudyante sa silid ay hindi makagalaw. Natulala na para bang  hindi makapaniwala sa sinabi ng guro. Buong sistema ko ay nanginig. Hindi alam ang gagawin.   Tanging takot at pananabik na huwag nalang patayin ang pusa ang nangingibabaw sa mga oras na 'yon.

"Maam bakit kailangan naming gawin to?"

Isang estudyante ang naglakas loob na tanungin si Ms. Dema Ano.

"Time is running fasten your move." Padabog na sabi ng guro.

Parang hindi nakinig ang guro sa halip ay pinaglalaruan lamang nito ang dalang pamaypay.

Binalewala na lamang ng estudyante ang guro kahit hindi nito sinasagot ang kanyang katanungan.

Sa tantsa ko, humigit limang minuto na ang lumipas at hanggang ngayon, wala pa ding nakakagawa sa inuotos ng guro.

"Five minutes left. Please do your job quickly. If you can't do this activity, may kahalip na parusa para sa inyo. Kung magagawa niyo naman, maari na kayong bumalik sa inyong dormitoryo at ihanda ang sarili para sa gagawin na aktibidadis bukas. Hindi niyo magugustuhan ang parusa." Ngumiti at nakakatakot ang hitsura ng guro.

Ano bang gagawin ko? Tanong ko sa sarili na nag - aalala at natatakot.

"It's either the cat will die or we die." Sabi ng kaklase ko na katabi ko lang.

Medyo natauhan ako sa narinig. Oo, baka tama nga siya. Marami ng estudyante ang nakakagawa sa activity. Nasa Pito nalang kaming naiiwan. Kung kaya nila, kaya ko rin ito. Ako'y nag buntong hininga at tinitignan padin ang nakakawang mukha ng pusa.

"Putulan mo na." Isang boses ang parang dumaan sa magkabilang tenga ko. Muli akong nanginig at natakot. Na wari mo ay nagbibigay ng utos sa akin.

"Very good Ms. Florantino." Ani ng guro.

"Anong?" Hindi ako makapaniwala na bigla nalang gumalaw ang  kamay kong may hawak ng kutsilyo. At nakita ang mga nagsusulpotan na dugo na nanggaling sa leeg ng pusa. Kitang - kita ko rin ang pagkahulog sa ulo ng pusa. Nahulog ang ulo ng pusa sa ilalalim ng aking upuan at ang mukha nito ay nakatingin sa aking direksyon.  Maraming dugo ang nagkalat sa aking mga kamay, maging sa ibabaw ng aking upuan ay hindi nakaligtas.

Dinala ko ang kawawang ulo ng pusa kay Ms. Dema Ano upang ako ay makakalabas na sa silid.

"Paano naman po itong naiwang katawan ng pusa maam?" Salitang naitapon ko ng walang katakot - takot sa guro. Doon ko nalang namalayan na parang hindi gusto ng guro ang tanong ko kaya naman agad akong yumuko at humingi ng pasensya. Agad akong bumalik sa aking upuan upang kunin ang aking bag at ng makauwi na. Nasa pintoan na sana ako ng silid ng marinig na sinagot ng guro ang katanungan ko kani - kanina lang.

"May pakakainin ako niyan Ms. Florantino. O baka ako ang kakain sa preskong karne ng nga pusang iyan. " May mga ngiti sa labi ng guro habang sinabi niya ang mga salitang 'yon.

Umalis ako ng diritso at hindi alam kung tama ba ang ginawa ko sa pagpaslang ng pusa kanina. Hindi rin mawala sa aking isipan na kung ano na kaya ang nangyari sa natitirang estudyante doon sa silid.  Sa tingin ko kase hindi kayang putulan ng leeg ang pusa ng isang babae kanina na naka eye glasses. Pagkatapos ko kasing gawin ang sa akin kanina, dalawa nalang ang naiwan.

Binura ko nalang sa aking isipan ang kung ano mang nangyari kanina sa silid. Diritso lang ang mga paa ko sa paglalakad. Nakaramdam ako ng gutom kaya naman ay iginaya ko muna ang aking sarili sa kantina upang makabili ng makakain. Umupo ako saglit sa isa sa mga upuan doon at inantay ang pagkaing e - norder ko. Nakita ko 'di naman kalayuan ma may dinampot na lalaki at babae.

" Grabe talaga 'tong eskwelahan na ito. Bakit ba bawal umibig dito? Bakit wala tayong karapatan na umibig? Natural lang naman ang umibig ah."

Doon ko nalaman na mag - jowa pala ang dinampot kani - kanina lang. Nag - buntong hininga ang babae matapos sabihin ang mga 'yon.

Naalala ko tuloy na, oo nga bawal sa paaralang ito ang mag lovey - dovey. Kaya naman kung pu - pwede hanggang crush - crush nalang muna. Pipigilan nalang muna ang nadarama. Teka nga, may nagugustuhan na nga ba ako?

"Ito na order mo." Agad ko itong kinuha at nagbayad sa ale.

Naglakad ulit ako bitbit ang pagkaing galing sa kantina, pauwi sa dormitoryo.

Sa kalagitnaan ng paglakad, may narinig akong isang boses na parang nasasarapan. Kaya naman ay inilingon ko ang aking mga mata sa pinanggagalingan ng boses. Hinay - hinay akong naglakad patungo doon sa may gripo na kung saan ko narinig ang mga boses. Sarap na sarap talaga ang taong kumakain nito kaya naman ng papalapit na ako, nakikita ko na ang mga paa nito.  Nakatalikod at ang luma ng mga damit nito. Puno ng natutuyong dugo ang damit nito at ang mga buhok nito ay napaka gulo. Hindi ko pa maaliwalas ang buong pagmumukha nito sa kadahilanang nakatalikod ito.


Nakita ko ulit na may mga dugong nakakalat. Malapit na ako sa pwesto ng babae ng makaamoy ng napakabaho na nanggaling sa kanya. Tinakipan ko ang aking ilong gamit ang dalawa kong kamay at patuloy na naglakad. Hindi ko sinadyang matapakan ang isang plastik na bote ng mineral water kaya naman nakuha nito ang atensyon ko ng dahil sa ingay na narinig. Lumingon ang pagmumukha ng babae sa akin at nakahalaray sa akin ang punit - punit na damit, mukha na natuyoan na ng dugo, at ang napakapayat na katawan nito. Kaya naman ng makita ako nito, ginagalaw niya ang kanyang ilong upang maka - amoy. Parang aso na naghahanap ng pagakain. Ginagalaw din nito ang kanyang ulo na parang ngayon lamang ito nakakita ng tao, na parang pinag - aaralan ako.

Doon ko napansin na ang kinakain nito ay isang katawan ng tao. Nagsikalat ang mga laman loob nito sa sahig at ang dugo nitong napaka - presko at ang pula - pula.

Hinay - hinay na humahakbang ang babae papunta sa 'kin at hinay - hinay din akong umaatras. Hindi ko napansin na may nakaharang na basurahan doon kaya naman ako ay nabundol at hindi agad nakatayo. Biglang tumakbo ang babae papunta sa akin at nahawakan nito ang aking mga paa. Lubos ang aking pag pupumiglas. Dinala ako ng babae sa kanyang pwesto at doon ko nakita na ang kinakain ng babae kanina lang ay ang babaeng naka eyeglasses kanina sa loob ng silid aralan.

Kinuha ko ang aking bag at sa tulong nito, hinampas ko ang babae ngunit medyo malakas ito. Nakakadama na ako ng sakit sa likod dahil sa gas - gas na natamo. Nakakatakot ang pagmumukha nito na parang halimaw kung tignan.








Crazy Little Thing Called DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon