Kabanata 7

52 14 0
                                    


Kabanata 7

"Good night kase matutulog na ako."

Pinilit ko siyang sabihin sa 'kin ang lahat ng nalalaman niya tungkol kay Mrs. Dema Ano ngunit kahit anong pilit ko, ay hindi nito sinasabi ang dahilan. Sa kabilang dako ay mas pinili ko nalang na igiya ang dalawang paa ko patungong pintuan upang makalabas na at makabalik na sa kwarto.

Pag bukas ko ng pintuan, laking gulat ko ng may mapansing may gumagalaw na kung ano sa mga bulaklak sa labas. Ng dahil sa kuryosidad, hindi nakapagpigil ang aking sistema na tignan kung ano iyon.

"Hi!..........."

Para akong bolang tumalbog galing sa pagkakahagis sa hugis bilog na ring. At dahil do'n, hindi ko nalang namalayan na sa gilid ko ay may bulaklak na nakalagay sa isang pot at hindi sinasadyang nabundol doon. Sa hindi kasamaang palad, nahawakan ko ang magkabilang braso ni Lincoln at pilit na iniiwas ang tingin sa mga mapupulang labi at nagniningning na mga mala - bituin niyang mga mata. Iwan ko pero bakit ako nakakaramdam ng gan'to?.

"Hala...sorry sorry sorry talaga Creiah. Hindi ko sinasadya."

Mukhang nagslow - motion ang lahat ng pangyayari. Naiisip ko tuloy ang isa sa mga pelikulang napanood ko no'n. Kaparehong - kapareho sa nangyari sa'min ngayon ni Lincoln Morales.

"Nasaktan ka ba? Naku, sorry talaga" pag - aalalang sabi niya.

Che - neck niya ang katawan ko kung may natamo ba itong sugat mula ulo hanggang paa. Kaya naman ng mapansin kong hawak - hawak ko pa din ang kanyang magkabailang braso at ang kanyang dalawang kamay sa baywang ko naman ay agad - agad akong tumayo, nag ayos ng sarili at umarte ng normal na para bang walang nangyari.

"Balik na muna ako sa room ko ha?"

Sabi ko ka Lincoln na humihingi ng tawad sa nangyari.

"Sorry talaga Creiah ha. Hindi ko talaga sinasadya."

"Ano ka ba okay lang 'yon. Sige mauna na ako." sabay wagay - way sa mga kamay at tumalikod upang makabalik na sa kwarto.

Iniwan kong mag - isa si Lincoln doon. Inisip ko lahat ng mga pangyayari at ito'y aking pinag uugnay - ugnay ngunit wala, nalilito at nahihirapan pa din ako sa mga pangyayari.

Kaya naman ay mas pinili ko nalang igiya ang aking sarili sa higaan. Yakap ang malambot at malaking unan. At pinikit ang dalawang mata upang makatulog ng tuloyan.

"Huwag. Huwag mo 'kong patayin. Nagmamakaawa ako sa 'yo. Marami pa akong misyon na kailangang taposin. Please huwag"

Nagising ako sa isang bangungot. Nang tignan ko ang orasan,  alas dose na pala ng hatig gabi. Takot ay ang aking nadarama matapos ang panaginip na 'yon. Isang halimaw napakalaking halimaw ang aking napaginipan na kung saan ito'y palapit ng palapit sa 'kin. Sumigaw ako ng tulong ngunit wala ng ibang nakakarinig kundi ako nalang dahil kitang kita ng dalawa kong mata ang mga patay na katawan ng mga tao na naka - pwesto at nakahalaray sa gilid ng kalsada na wala ng mga kamay, putol ang ulo, at ang iba naman ay wala ng mga ulo.

Hindi ko napigilan ang halimaw kaya naman ay hinawakan nito ang aking leeg gamit ang malaki nitong kamay. Sa ginagawa ng halimaw sa 'kin, unti - unti kong nararamdaman na nauubusan na ako ng hangin sa katawan. Kahit anong gawin kong pag - pupumiglas ay walang nangyayari sa kadahilang napakalakas nito. Kaya ang laman ng aking isipan sa puntong 'yon ay baka mamatay na ako na baka dito na nagtatapos ang yugto ng buhay ko.

Mabuti na lamang at sa mga oras ma 'yon ay agad akong nakagising dahil kung hindi ay malaki ang posibilidad na sa aktong oras na 'yon ay mamatay na ako.

Bumangon ako sa kinahihigaan ko at ang ilaw ay pinailaw. Pawis na pawis ako at hinihingal kaya naman ay kumuha ako ng isang basong tubig at ininom 'yon. Napaupo ako sa silya na nakalagay sa gilid ng aking kama. Ipinag dugtong - dugtong ang mga pangyayari ngunit wala pa ding nagkatugma at hindi parin malinaw ang lahat.

Hindi ko alam kung para saan ang mga panaginip na 'yon at nakadama ako ng takot sa mga oras iyon. Nanghina ako at parang walang umay. Ewan ko pero iyon ang nadarama ko.

Ilang saglit lang ay nakita ko sa orasan na nakadikit sa pader na ika una pa pala umaga. Kaya naman ay ulit kong iginiya ang aking sarili sa aking higaan upang bumalik sa pagkakatulog. Inilagay ko ang isang basong tubig sa gilid ng aking kama dahil mayroon doong nakalagay na maliit na lamesa.

Pilit kong ipinikit ang aking dalawang mata ngunit hindi talaga ako nakakadama ng antok. Sa halip ay tumingin ako sa kisame ng kwarto ko at laking gulat ko ng may makita akong kung ano doon. Ipinikit ko ulit at saka binuka, paulit - ulit ko iyong ginagawa at minsan may nakikita akong kung anong bagay at minsan din ay wala. Nakakapagtaka lang. Napaisip ako na baka siguro ay sa kulang ng tulog ko lang 'yon kaya nakakakita ako ng kung ano.


Napakatahimik ng silid at maririnig mo ang mga ingay ng insekto sa labas.

Sa mga oras na iyon, bigla akong naka - amoy ng baho ng isang kandila. Kaya muli akong nakaramdam ng takot. Nakarinig rin ako ng mga yapak ng paa. Hindi lang isa kung hindi ay marami. Sa kuryosidad ko, ay hindi ko napigilan ang aking sarili na tignan kung ano ang mga iyon. Gustong lumabas ng aking puso ng marinig na huminto ang mga yapak na naririnig ko sa labas sa gilid ng aking kwarto. Kaya naman ay mas pinili ko nalang na manatili sa pagkakahiga at pinilit ang sarili na makatulog.



Isang sigaw ang aking narinig ng magkabila kong tenga. Kung hindi ako nagkakamali, sigaw iyon ng isang babae dahil sa tulis ng sigaw nito. Kaya naman ay nag u -umapaw ang aking kaba. Bigla akong nabuhayan ng napagtantong baka 'yon ay ang estudyanteng babae na aking pinuntahan sa kanyang kwarto kanina lang. Kinuha ko ang aking kumot at itinabon iyon sa buong katawan ko at ang mga mata ko ay paikot -ikot na gumagala sa paligid at baka may kung anong mangyayari sa paligid.


'' ahhhhhhhhhhhhhhh,,,,,!!....!!hhh!!.!!!!,,,,,,"

Muli, isang sigaw ulit ang aking narinig. Gustohin ko mang tumulong, mas pinili ko nalang na matulog at huwag na lamang pansinin anga naririnig sa paligid.
Ngunit paano kung ang sumigaw kanina lang ay ang babae na nasa kabilang kwarto lang? Pero bakit?

Crazy Little Thing Called DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon