Kabanata 6

46 17 0
                                    

Kabanata 6

Sinunod kaagad ng dalawang lalaki ang utos ng guro kanina. Dinala ng dalawang gwardiya ang tatlong babae na katabi kong nakaupo kanina lang. Hindi naman pumalag ang mga estudyante at sumama nalang.

Sinundan ko ang yapak ng mga gwardiya. Tago ako ng tago sa pwedeng mapagtaguan, upang hindi mapansin na sinusundan ko sila. Sa may puno ng kahoy, sa mga bulaklak, at sa basurahan 'ko itinago ang aking sarili.

Huminto sila at pumasok sa isang opisina. Nang silang lahat ay nakapasok na, may nakalagay sa labas ng pintuan na katagang, "Outsider's are not allowed". Mabuti na lamang at gawa sa salamin ang pintuan maging ang lahat ng parte na nakaugnay sa opisina. Kaya naman ay klarong - klaro ang imahe ng sino mang tao sa loob.

Hindi ko marinig at mapagtanto kung ano ang pinag uusap - usapan nila.

Nakita ko na may kinuhang bagay ang guro sa ilalim ng mesa niya. Oo, isang kutsilyong napakakinis at napakatulis nito. Takot ang nakita kong reaksyon sa tatlong estudyante matapos makita ang kutsilyong hawak - hawak ng guro.

Lumuhod ang isa sa mga estudyante na pawang nagmamakaawa. Pinalapit ng guro ang isa sa mga estudyante at  nagpupumiglas pa ito.

Sa mga oras na 'yon tanging kurtina na lamang  ng opisina ang aking natatanaw. Sinirado ng dalawang lalaki ang bintana at bago isinarado 'yon, sumilip ang isa sa mga guwardiya sa labas upang siguraduhin na walang ibang tao ang nakakasaksi sa kung anong gagawin nila sa loob. Tanging anino na lamang ng mga 'to ang aking natatanaw dahil sa nakatabon na kurtina.

Naghintay ako sa labas ng halos isang oras at kalahati. Sa tansta ko, mag a - alas nuywebe na at napakadilim na ng paligid. Ngunit dinig na dinig ko pa rin ang kasiyahan na nagaganap sa 'di kalayuan.

Naghintay at nagtago ako sa may gilid ng daanan na kung saan napakakapal ng mga bulaklak ang nakatanim 'don. Kung susuriin, nasa harapan ko lang ang opisina. Nilalamok na nga ako doon sa kinalalagyan ko.

Narinig kong bumukas ang pintoan ng opisina at nakita ko ang tatlong babaeng puno ang mga mata ng luha. Pawis na pawis at nanginginig.

Ang pinagtataka ko ay kung bakit hawak - hawak ng mga estudyanteng ito ang kanilang mga  kamay. Silang tatlo ay halos hawak ang kanilang kaliwang kamay.

Hindi ko napigilan ang aking sarili na maglakad papunta sa mga estudyante at maglakas loob na tanongin sila kung ano ang nangyari sa kanilang mga kamay at kung bakit hawak - hawak nila ito.

"Anong nangyari sa inyo? Bakit kayo umiiyak?"

Hindi napigilan ng isa sa mga estudyante  na umiyak matapos marinig ang isa sa mga katanungan ko. Hindi nila ako sinagot datapwat ay pinasadahan nila ako ng luha sa kanilang mga mata. Naawa ako sa kanila kahit 'di ko alam ang tunay na nangyari.

Tinanong ko ulit sila ngunit walang kahit anong salita ang lumabas sa kanilang mga bibig. Nilagpasan lamang nila ako ngunit buo pa rin ang aking kalooban na tanongin sila sa kung ano ang nangyari.

Sinundan ko ang tatlo. Para akong buntot nila na sunod ng sunod. Hanggang sa hindi ko nalang napansin na tumigil sila malapit lang sa kwarto ko. Napagtanto ko na magkapitbahay lang pala ang mga kwarto namin kaya naman ay pumasok agad ako sa kwarto ko upang magpalit ng susuotin at mag suot ng damit pantulog. Pagkatapos ay lumabas ako ng kwarto ko at pinuntahan ang isa sa mga estudyante na kani - kanina lang ay umiiyak.

"Tao po? Tao po?"

Walang sumagot kaya naman ay nag tao po ulit ako.

"Tao po? Tao p..........,o......,o"

Napakatahimik ng paligid sa kadahilanang, lahat ng estudyante ay nandoon parin sa kasiyahan na sinasalubong ang opening ng klase.

Biglang bumukas ang pintoan at biglang gumulong ang aking ang mga mata sa sugat na natamo niya. Nang makita niya akong nakatingin sa sugat niya, agad niya itong tinabunan at bahadyang itinago sa kanyang likoran.

"Ano ba ang kailangan mo?
Tanong niya na pawang galit na may halong sakit. Hawak - hawak pa din nito ang kanyang kamay.

"Hindi mo lang ba ako paspasikin?"

Pinapasok niya ako sa kanyang kwarto at isinirado ang pinto.

Ako ngayon ay nakaupo sa isang upuan kagaya din 'to sa aking kwarto ngunit ang kulay nito ay itim. Sa akin kasi ay kulay puti.

Ang dahilan kung bakit ko pinuntahan ang babaeng ito ay upang gusisihin sa kung ano talaga ang nangyari sa kanila.

"Wala ngang nangyari sa amin."

Tila nagsisinungaling ang babae kaya naman ay tinanong ko ulit siya.

"Ano ba ang talagang nangyari sa 'yo? sa inyo?

Nakikita ko sa ekspresyon ng babae na ito'y naguguluhan. Naguguluhan sa kung ano isasagot sa tanong ko at mukhang natatakot.

Kaya naman ay 'di ko nalang kinulit pa ng kinulit ang babae at iginiya ko ang sarili sa kanyang pintuan upang makalabas na.

"Natatakot akong sabihin sa iyo ang tungkol sa nangyari doon sa opisina. Oo alam ko at nakita ko na sinundan mo kami hanggang opisina. Ngunit, hindi ko nalang ito pinansin."

Natigil ako sa pagtulak sa 'king sarili palabas ng magsalita siya kaya naman ay agad akong bumalik sa 'king kinauupuan kani kanina lang

Kaya naman ay agad kong binuksan ng malaki ang aking dalawang tenga at inihanda ang sarili upang makinig sa sasabihin niya. Ipinakita naman niya sa akin ang sugat na natamo niya kani - kanina lang. Kung susuriin, malalaman mo talaga na daplis iyon ng matulis na bagay ngunit nakahugis ito.

"Minarkahan ng guro ang bawat kamay namin malapit sa pulso ng bawat isa."

Agad ko siyang tinanong kung bakit ganoon nalang katindi ang ginawa ng guro sa kanila at kung ano ang iginuhit doon.

"Ginuhitan ito ng guro ng hugis puso gamit ang isang matulis na kutsilyo kaya isinirado ng guro ang kurtina ng kanyang opisina at siniguradong walang makakakita at makakarinig sa labas. Ngunit kahit anong sigaw namin, wala pa ding makakarinig dahil sa ingay na nilalabas ng speaker sa ginaganap na programa sa labas. Iniisa - isa niya kami hanggang sa nakuha niya ang kanyang gusto na maparusahan kami."

Naawa ako sa sinabi ng babae pinatahan ko nalang siya dahil sa namumuong luha sa kanyang mga mata. Sa kabilang dako ay kumuha siya ng isang band aid at ginamit iyon upang itakip sa natamong sugat.

"Hindi ko dapat ito sinasabi sayo. Tugon kasi sa amin ni Mrs. Dema  Ano na huwag ipagsasabi ang ginawa niya sa amin dahil kung hindi ay malalagot raw kami sa kanya ulit. Hindi daw namin magugustohan ang mangyayari sa amin pag nagkataon."

"Ganyan din ba ang nangyari sa dalawa mo pang kasama?"

Tumango lamang ito.

"Sa pagkakaalam ko kase, si Mrs. Dema Ano ay napakabuting guro ngunit nag bago ang lahat matapos siyang iwan at tarantaduhin ng kanyang nobyo."

"Bakit ano bang nangyari?"

Crazy Little Thing Called DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon