Kabanata 5

46 22 0
                                    

Kabanata 5

Gumising ako ng wala ng kahit anong kirot na nadarama. Hinipo ko ang aking kamay na may sugat. Sobrang saya ko nang makita ang mga kamay ko na napakaliit nalang ng sugat at 'di na ito dumudugo.

Kasabay 'non ay iginiya ko ang aking mga mata sa kabilang higaan na kung saan naka higa si Lincoln. Lubos ang aking pagtataka ng hindi makita ang kanyang imahe sa higaan.

"Gising ka na pala, bumili ako ng kape at sandwich halika't sabayan mo ko."

Tumango ako at kompletong bumangon sa pagkakahiga. Tumabi ako sa upuan at sinabayan siya sa pag inom ng mainit na kape at pagkain ng sandwich.

"Siya nga pala Ms. Florantino, ngayon ang opening ng paaralan. Maraming programa ang gaganapin, mga laro at kainan ngayon sa paaralan*

"Hindi na siguro ako makikibahagi mamaya sa mga programa dito sa paaralan, may importante pa kasi akong gagawin eh."

" Perooooo........,a,....eh.......,"

Mukha siyang nadismiya matapos kong sabihin ang mga 'yon.

Matapos ang mga kaganapan kahapon, may takot pa ring naiiwan saking puso at isipan. Takot na baka mangyari ulit ang mga 'yon. Kaya mas pipiliin ko  ang mag isa nalang sa dormitoryo kesa sa makikipaghalubilo sa ibang tao na wala kang ka ide - ideya kung masama ba ito o hindi. Sa paaralang ito, tanging sarili mo lang ang 'yong makakampihan. Tanging ikaw lamang ang makakatulong sa iyong sarili. Tanging ikaw lang.

Gusto ko sanang tanongin sa Lincoln tungkol sa mga nangyari kahapon at noong isang araw. Ngunit natatakot at may halong hiya ang aking nadarama. Kaya mas pinili ko nalang na itikom ang aking mga bibig at hindi nalang mag salita. Nagpasalamat ako sa kanya sa pagligtas sa 'kin at sa kape at sandwich. Sinuklian naman niya itong ng magaganda niyang mga ngiti.

"WALANG KAHIT ISANG ESTUDYANTE ANG MAAARING MAGPAIWAN SA KANILANG DORMITORYO. LAHAT AY KAILANGANG MAKILAHOK SA BAWAT PROGRAMANG GAGANAPIN NGAYONG ARAW. MAY MAG LILIBOT NA MGA GWARDIYA SA BAWAT DORMITORYO AT KAPAG KAYO'Y MAHULI, 'DI NIYO MAGUGUSTOHAN ANG MANGYAYARI SA INYO. ENJOY THE DAY!."

Nang marinig ang announcement na 'yon, nagising ang aking buong sistema at walang magagawa kung hindi ay sundin nalang ang ipinapagawa.

Bagohan palang ako dito kaya kailangan kong sundin at sumasabay sa daloy ng paaralang ito. Natatakot kase ako sa posibilidad na mangyari kapag susuwayin ko ang kanilang pinapagawa. Mas mabuting sundin nalang ang kanilang inuutos at damdamin na kabilang ako sa mga estudyante dito.


Pagkatapos naming magkape ni Lincoln ay sabay kaming lumabas ng klinika. Nag log out muna kami sa atttendace sheet upang patunay na nakalabas na kami. Mabuti na lamang at may mga libreng damit doon sa klinika at may nasuot kami.

Hinatid ako ni Lincoln pabalik sa dormitoryo ko. Hindi ko akalaing ang dormitoryo rin pala ni Lincoln ay nasa kabilang banda lang. Kaya agad akong nagpaalam at pumasok na ako sa kwarto ko. Napakalinis ng silid. Sa pagkakaalam ko, may nag mimintina sa bawat kwarto at meron silang kopya ng bawat susi sa dito.

Agad akong pumunta sa CR dahil kani pa ako naiihi. Nakakahiya naman kasing magpaalam kay Lincoln na iihi muna ako. Pagkatapos ay nakita ko ang aking repleksiyon sa salamin. Kitang - kita ko ang mga masasaya ang karumal - dumal na nangyari sa akun. Sa halip ay pinunasan ko ang aking mukha at lumabas.

Agad akong nag ayos at nalilito kung ano ang susuotin ko. Kaya naman, aking napag desisyonan na mag mini dress nalang. Naka hikaw na hugis puso at naka flat sandals ako. Maingay na ang mga tao sa labas kung kaya ay binilisan ko ng kaunti ang aking galaw. Napakaraming babae ang nagsidatingan sa kabilang banda pagbukas ko ng pinto. Habang papalapit ako doon, natatanaw ko na ang kinababaliwan ng mga babae ay walang iba kundi ang nag iisang si Lincoln. Lincoln Morales.

Pinagtitilian siya mga babae. Habang palapit na ako ng palapit, nabangga ako ng isa sa mga babae na uhaw na uhaw makita si Lincoln.

"Sorry miss."

Mabuti na lamang at mahina lang ang pagkabunggo ng babae sa 'kin.  Sa pangyayaring 'yon, nabaling ang atensyon ni Lincoln sa akin.

"Napaka pogi talaga ni Lincoln, kung ako magiging jowa niyan, 'di ko na talaga siya pakakawalan."
Ani ng isa sa mga nag iidolo kang Lincoln.
 

Pinagpatuloy ko ang aking paglalakad upang marating, makapag pasyal, at mapasaya ang sarili sa mga booth na nakapalibot sa paaralan. Nakita kong papunta si Lincoln sa kinalalagyan ko ng biglang may isang babae na kumuha ng kanyang atensyon at hinawakan ang kanyang kamay at dinala sa tabi upang masayaw.

Mabilisan kong binaling ang aking atensyon sa dala - dala kong sling bag. Umarte ako na parang walang nakita. Kumuha ako ng barya sa 'king sling bag at bumili ng hotdog

"Ate isa ngang hotdog with cheese" sabay abot ng bayad.

Mag isa akong kumain sa tabi na kung saan nandoon rin ang ibang mga estudyante na nakaupo. Habang kumakain ng hotdog, mayroon akong naalala. Naalala ko na ako, at ang aking nakababatang kapatid ay binilhan ng hotdog ni mama sa gilid ng kalsada noo . Doon ko napagtanto na namimis ko na ang aking pamilya. Narinig ko rin na nag uusap - usap ang mga magkakaibigang estudyante sa 'king tabi.

"Nakakatakot talaga dito sa paraalang 'to. May pinost na naman na bagong kaso sa mga estudyante na pinatay kanina lang alas kwatro ng hapon.

"Bakit daw pinatay?

"Inilagay dito, kaya raw pinatay dahil sa hindi raw ito sumunod sa ipinagbabawal ng paaralan."

" 'yon lang?"

"Patingin nga ng picture, hindi kasi maliwanag. E - zoom mo nga."

" Diba, sa pagkakaalam ko, isa sa mga batas sa paaralang ito ay ang hindi pakikipagtalik ng kahit na sino. Kaya kung may balak kang ligawan ang isa sa mga estudyante rito, wag mo nalang ipagpatuloy. Datapwat ay tiisin niyo nalang ang inyong nadarama at ipagtabi muna."

"Hala!  hindi ba't si Alfred at Via 'yan? Si Alfred na taga seksiyon 3 at Via na taga seksiyon 2?

May biglang dumating na guro na may bitbit na pamaypay. At may dalawang kasamang lalaki.

"Anong pinag - uusapan at ginugulohan niyo riyan mga ija?
Bawal gumamit ng cellphone kapag nasa campus hindi ba? Lalong - lalo na sa ganitong oras na sinasalubong natin ang unang araw sa pagsisimula ng klase"

"Pasensya na po Madame, akala po kase namin pwedeng gumamit ng cellphone upang kumuha ng mga letrato."


"Dalhin niyo sila sa 'king opisina upang maturoan ng leksyon ang mga estudyanteng ito."













Crazy Little Thing Called DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon