Kabanata 3

57 30 30
                                    

Kabanata 3

Mga mapupulang mata, matutulis na mga kuko, at napakapangit na mukha ang nakita ng aking mismong mga mata. Ang buong imahe ng halimaw ay aking natanaw. Tumatagaktak ang mga dugo galing sa bibig nito.  Parang galing sa laro na uhaw na uhaw uminom. Uminom ng Dugo at mga laman loob ng tao.

"Takbooooooooo!!!"

Hinawakan ni Lincoln ang aking kamay at at sabay kaming tumakbo palabas ng kwarto ko. Nauubusan na ako ng hangin, sa walang tigil na pagtakbo. Tanaw ko pa rin ang halimaw na kumaripas ng takbo sa likod namin. Nasapo ng halimaw ang kanang bahagi ng katawan ni Lincoln, kung kaya'y nasugatan si Lincoln at may nabuong dugo rito. Muntikan nang mahablot sa mga matatalas na kuko si Lincoln ng biglang may narinig akong tunog ng baril na nagpahinto sa halimaw . Bumagsak ang halimaw ng wala sa oras. Nagsilabasan ang mga nakamaskarang estudyante matapos matumba ang natitirang halimaw. At tinadtad nila ito gamit ang kanilang mga matatalim na bagay tulad ng espada. Pinuntirya ang ulo ng halimaw at walang awang pinutol 'yon. Hindi rin nakaligtas ang malaking tiyan nito.  Nagsilabasan ang mga buto ng tao at ang malansang amoy nito ang nagbayani sa oras na iyon. Parang bulok na mga basura ang amoy ng halimaw. Mukhang marami nang estudyante ang napatay at kinain nito na nagsitambakan  sa mismong tiyan nito.

"Pinatay at kinain ng halimaw na ito ang Kapatid ko! Kaya dapat lang sa kanya yan"

Humagol - hol ang isa sa mga nakamaskara at hindi naawang pinag tad -tad ang mga parte ng katawan ng halimaw.

Kitang kita ko ang pagtalksik ng mga dugo sa ginagawa ng lalaking nakamaskara, puno ng dugo ang damit niya at inawat na lamang siya ng kasamahan sa kadahilanang ayaw na itong tumigil. Hindi matanggap ng lalaki ang karumal dumal na nangyari sa kanyang kapatid.

Nabaling ang aking atensyon sa wala ng malay na si Lincoln. Malubha ang sugat ni Lincoln at nakakaawa itong tignan. Isa lang ang dapat kong gawin, ang tulongan si Lincoln at madala sa klinika. Dinala at tinulongan ako ng isa sa mga nakamaskarang lalaki papunta sa klinika ng Paaralan, upang madaling magamot si Lincoln. Sa tulong ng lalaki sa pag akbay at pag alalay, umabot kami sa klinika ng mabilis. Nagpasalamat ako sa lalaking nagdala sa amin at tumango lamang ito.

Sinalubong kami ng Nars at dali - daling inilapag si Lincoln sa higaan. Tinanong ako ng Nars kung ano ang nangyari at ibinigay ko naman ang mga detalye ng pangyayari.

"Kailangan muna natin siyang palipasan ng isang gabi dito, tsaka pa siya makakalabas. Hindi naman masyadong malalim ang ang sugat na natamo niya kaya bukas pwede na siyang makalabas dito sa klinika."

Tumango lamang ako sa mga pahayag ng nars.

"Tsaka nga pala, bantayan mo muna ang boyfriend mo hanggang bukas upang may mag aalaga sa kanya rito"

"Hindi ko po siya boyfr.............,"

Nagpaalam ang nars at iginiya ang sarili palabas ng isa sa mga kwarto sa klinika kung saan kami naroroon. Sinisilayan ko ang nakabalot na bandage sa katawan ni Lincoln. Namamaga ito ngunit nawala ang aking takot na baka kung anong mangyari kay Lincoln sa kadahilanang may tiwala ako sa nars na nag gamot sa kanya. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na tumingin sa magandang katawan ni Lincoln. Napakamistisong nilalang at ang ganda ng mukha. Naalala ko kung paano niya ako niligtas kanina. Mala pelikula ang pag tanggol ni Lincoln sa akin, buwis buhay ang ginawa niya upang ako ay maligtas sa uhaw na uhaw na halimaw.

Sa gilid ng hinihigaan ni Lincoln, ay may mahabang upuan kung kaya ay nilagay ko ang aking sarili do'n at nagpahinga narin.

Bago ko ipinikit ang aking mga mata, sinilayan ko muna ang nagpahingang katawan ni Lincoln at nagdasal na sana ay bukas, maayos na ang kalagayan niya.

Sa mahimbing at napakatahimik na gabi, bigla akong nagising ng marinig si Lincoln na umiiyak at may kung anong sinasabi.

" Huwag, 'wag niyo siyang patayin maawa kayo. Ako nalang patayin niyo."

Kaya agad kong ginising si Lincoln sa kinahihigaan niya. Luha ang nabuo sa mga mata ni Lincoln at 'di ko namalayan na nakayakap na pala siya sa 'kin.

"Huwag mo 'kong iwan. Please 'wag."

Damang - dama ko na may dinadalang pighati si Lincoln. Para siyang bata na naka yakap sa kanyang ina dahil may umaway sa kanya. Puso ko ay kumirot ng marinig ang mga salitang 'yon kay Lincoln. Hindi ko maisip na ang isang lalaking tulad niya ay may tinatagong kirot sa kaloob looban. Ipinahinga niya ang kanyang ulo, sa 'king balikat at 'di ko akalaing makakatulog siya kaya hinay hinay ko siyang inilapag sa kanyang higaan at pinunasan ang kanyang mga pawis gamit ang malinis na tuwalya na iniwan ng nars kanina. Mabuti na lamang at walang nangyari sa kanyang mga sugat na naka bandage habang umiiyak na nakayakap sa'kin.

Sa mga oras na 'yon, hindi nako bumalik sa pagtulog dahil alas kwatro na ng madaling araw. Sa halip ay lumabas ako sa klinika ng bahadya upang makabili ng mainit na kape sa Kantina ng paaralan. Nag hintay ako ng ilang minuto sa in - order kong kape at sandwich. Sa 'king pag hihintay, naaliwalas ang aking tingin sa isang pamilyar na mukha na 'di kalayuan sa kantina. Naka upo ito sa isang banda ng mga upuan, malapit sa puno ng Balete mukahng nag mumuni - muni. Hindi ko maisip kung bakit pinabayaan lang ng paaraln na ito ang paglaki ng puno ng balete. Sa pagkakaalam ko, maraming misteryo ang nabubuo sa balete dahil sa mga hindi nakikitang nilalang.



"80 pesos lahat ija"

Nabaling uli ang aking atensyon sa tindera ng kantina at ako'y nagbayad sabay abot sa mainit na kape at sandwich. Napapansin ko talaga sa mga tindera ang kanilang mga kilay. Ewan ko pero sa tuwing bibili ako sa mga tindahan o mga sari sari store, una kung napapansin ay ang kanilang mga kilay.

Dumaan ako sa gilid ng puno ng balete at kitang kita ko talaga na napakalaki na ng puno. Nasilayan ko muli ang pamilyar na mukha ng lalaki na nakaupo sa  upuan malapit sa puno na parang may kinakausap pero wala namang tao na kasama. Maaaliwalas ko na sana siya, ngunit 'di ko napansin, nakaalis na pala ito.

Dinala ulit ako ng aking mga paa pabalik sa sa klinika at inilapag sa mesa ang dala dalang kape at sandwich.

Habang iniinom ang mainit na kape at kumakain ng sandwich, may biglang humawak sa'king mga kamay. Mahigpit ang pagkakahawak at nakakaramdam ako ng sakit. May sugat na nabuo dahil sa higpit ng pagkakahawak. Hindi ko napigilan at ako ay sumigaw ng sumigaw dahil sa sakit.






















Crazy Little Thing Called DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon