Kabanata 12

26 6 0
                                    

Kabanata 12

Binigyan ng napakalutong na suntok ni Lincoln ang lider ng grupo kani - kanina lang. Agad naman itong natumba at tila nakakita ng Sampung bituin dahil sa tama.

Gusto kong pigilan si Lincoln ngunit hindi ko ito maawat dahil sa lakas nito. Galit na galit na awra ang tanging nakikita ko sa kanya.

Tila wala akong magagawa kung hindi ay tunghayan na lamang ang pangyayari. Naawa ako sa lalaking sinuntok niya sa kadahilanang wala man lang ginawa ang kanyang mga kasamahan upang tulongan siya. Doon ko nahinuha na hindi talaga lahat ng kaibigan ay totoo. Kung sa kasiyan ay nandiyan sila, maaaring sa mga panahon na kailangan mo sila ay 'yon din ang panahon na wala sila.  Naawa ako na nagagalit dahil sa mga salitang tinapon nila kay Lincoln. Sa tatlong nagsalita kanina kay Lincoln,  ang tinuonan talaga niya ng pansin at nilagyan ng puot, ay ang Lider ng grupo.


Ang mga tao sa paligid naman ay walang ginagawa. Tanging pinanood lamang nila ito kahit na malapit ng mawasak ang mukha ng kalaban ni Lincoln.

"Kawawa naman si Clint. Sayang gwapo sana kaso ang ugali kahit aso hindi kakain. Haysss."

"Go Lincoln patayin mo 'yang taong iyan."

"Dapat lang iyan sa kaniya. Ang taas kase ng tingin sa sarili eh"

"Go bro ikaw na mag bigay ng hustisya para samin na biniktima ng Clint na 'yan!"

Iilan lamang ang mga salitang 'yan na maririnig mo sa paligid. Oo nakakaawa ngunit wala ni isang tao ang nagtakhang umawat sa dalawa. Sa huling suntok na binitawan ni Lincoln, tuloyan na talagang nawalan ng malay itong si Clint. Dugo ang bumalot sa kaniyang mukha. Ang dating makinis at gwapo na mukha nito ay ang kabaliktaran na ngayon. Sayang ang mukha ni Clint pero kahit sino naman siguro kung pagsasabihan ka ng ganoon, ay ganoon din ang gagawin mo lalo na at masasakit na mga salita ang binitawan nito sayo. Sabi nga nila "Words are sharp and it can kill."

Nakuha ni Lincoln ang kanyang gusto matapos ang labin - limang minuto at mahigit. Kaya naman ay agad itong umupo at binigyan ko ng malamig na tubig.

"What is happening here?"
Isang guro ang nagtanong

"Oh my God? is this Clint? Sinong gumawa nito? Ikaw ba? Ikaw ba ha Lincoln?" Tanong ng gurong si Glenda. Nalaman ko ang pangalan nito dahil sa I.D niya. Glenda Magbanua ang Buong pangalan nito.

Walang sumagot sa halip ay tinungo ng guro ang direksyon ni Lincoln.

"You're already notified about this Mr. Morales kaya ihanda mo sarili mo sa parusa na ipapataw namin sa iyo. This school year parusa is new kaya prepare your self." Si Glenda na parang gusto ng kumawala ng dalawang mata nito dahil sa galit.

Nilapitan ko naman si Lincoln matapos siyang pagsabihan ni Gng. Glenda. Ki - nomfort ko siya at pawis na pawis ang katawan nito. Pero kahit papano, nasa side pa din ako ni Lincoln. Bumabakat ang malaking katawan ni Lincoln dahil sa pawis nito. 

Nagpaalam si Lincoln sa akin na pupunta lang daw siya sa CR saglit.

"Maghintay ka lang dito, babalik ako kaagad. CR lang ako." Ani ni Lincoln na parang nagsisisi sa ginawa niya kay Clint.

Lincoln's POV

Dinala ako ng aking mga paa sa CR at doon ko nilabas ang lahat ng galit ko. Pinag - susuntukan ko ang pader at kahit na dumudugo na ang mga kamao ko, kahit isang sakit na dapat ay nadarama ko ay wala akong nararamdaman. Tinitignan ko ang sarili ko sa salamin na nagsisisi na nagagalit, ngunit 'di ko talaga alam kung bakit ganoon nalang kalakas ng tama ng mga salitang iyon sa akin. Siguro, pumipitik na itong puso ko sa kung sino. Ewan ko pero nagagalit ako sa tuwing may naninira kay Creiah. Pinumasan ko ang aking mukha ng tubig st ganoon din ang aking mga kamao. Lumabas ako sa CR at nakikita ko kalyuan ang babaeng si Creiah na naghihintay sa akin. Iyong ganda niya na nakakasilaw, ang buhok niya na napakaitim, ang kulay ng balat niya na tamang - tama at napaka - perpekto para sa kanya. Ang mga mata niya na parang mga bituing kumikislap tuwing tinititigan ko siya at lalong - lalo na ang mga ngiti sa kanyang labi na kung saan ako nahulog talaga.

Pilit kong tinatago ang aking nararamdaman habang dinadala ko ang sarili papunta sa kanya. Nagbabasakali na pumayag si Creiah na sumama sa akin.

Sinalubong naman ako ng kanyang matatamis na ngiti. Ganoon din ang ginawa ko. Kahit na hindi ko alam ang mangayayari sa akin sa parusa na sinasabi ni Ms. Glenda.

Tumayo si Creiah sa kanyang kina - uupuan at pinasabay kung saan ako pupunta. Hindi pa rin kaya ng aking mga bibig na sabihin sa kanya na sumama sakin sa gusto kong puntahan.

"Saan tayo pupunta Lincoln?"  Tanong niya sa akin.

"Sa paborito kong lugar dito sa paaralan." Tugon ko.

Tumango lang naman siya at sumabay lang din sa akin.

Dinala ko siya sa paborito kong pwesto dito sa paaralan, sa lugar na kung saan ko inilalabas lahat ng sama ng loob ko sa pamamagitan ng pagsigaw nito. Para kase sa akin, pag sumisigaw ako nararamdaman ko na nababawasan at nawawala ang mga problema.na aking dinadala. Nandoon pa rin ang mga problema ngunit kahit papano, gumagaan na ito. Wala akong ibang dinala dito sa lugar na ito kung hindi ay ang sarili ko lamang at ang babaeng ito.

Narating din namin ang tuktok o mas kilala sa tawag na roof top. Kitang - kita ko sa mga mata niya na namamangha sa nakikita sa paligid.

"Ang ganda ng paligid no? "

"Oo nga ang ganda dito."

" Ang ganda nga parang ikaw."

"A..a...ha..a?"

"Ang paligid ang ganda. Hihihi" nahihiyang tugon ko.

Tumango lang naman siya. Sa mga oras na ito, hindi ko na gustong itago pa itong nararamdaman ko sa kanya. Siguro, magtatapat na ako sa nararamdaman ko sa kanya ngunit hindi ko alam kung saan at papano sisimulan.

" Creiah may sasabihin sana ako sayo. Medyo corny pero sana paniwalaan mo itong sasabihin ko sa iyo."

"Hmmmmmm...........?"

"Ehy kase, ano e."








Crazy Little Thing Called DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon