2nd.

6 2 0
                                    

Naka ilang shot na ang nainom ko, kaya medyo nahihilo na ako pero laban lang!

"Wooooh!"

Tumayo si Ram sa tabi ko at lasing na lasing na. Sumasayaw na siya sa harap ni Josh! Kaloka!

"Uy truth or dare!"

Narinig kong sumigaw yung babae sa dulo. Bumaling ang iba sa kanya at nakangiti silang tumango. Bata? Truth or dare amp!

Kahit nahihilo na ako nakisali na den ako, masabihan pa ko ni Tristan na KJ eh. Badshot yun!

Humilig na ako sa lamesa nang ikutin na ng babae ang bote sa lamesa. Ngumuso ako, kinakabahan dahil medyo lasing na ako. Nagtruth ung unang naturo ng bote, ang basic lang ng unang tanong "Sinong kinaiinisan mo na andito?"

May nag-abot sakin ng shot ng Jager, tinungga ko yun. Paglapag ko ng shot glass, lahat sila nakatingin sakin.

Sakin na pala nakatapat ang bote, shiz!

"Tru-"

"Ako ang magtatanong!" Nagulat ang lahat sa sigaw si Ram.

Nakangisi siya habang tinataas ang kanyang baso na may coke. Pinandilatan ko siya para umayos siya! Napasapo na lang ako sa noo ko nang ninguso niya kay Tristan. Oh my gosh! Lasing na nga!

Kinakabahan ako sa tatanungin niya. Kukutusan ko talaga siya kapag hindi niya inayos.

"Who is your crush?"

"Ang basic naman, dapat top or bottom na lang eh" sigaw nung lalaki sa dulo.

Nakahinga ako ng maluwag sa tanong ni Ram. Buti na lang talaga inayos niya. Safe!

Uminom ako ng coke bago sumagot, "Dylan Tine!"

Ngumisi ako nung inikot na nila ang bote. Naconvince naman ang lahat, pwera kay Ram.

"Sinong Dylan Tine? Nanghula ka lang ba ng pangalan para hindi mo masagot na si Tristan ang crush mo?" Bulong niya.

Ayoko namang ipahiya ang sarili ko dito noh. Baka mamaya may jowa pa yun at masabunutan ako bigla!

"Manahimik ka nga dyan!"

Napasimangot siya at uminom na lang. Hindi naman ako ganun kapatay na patay kay Tristan. Nung isang araw ko pa lang siya nakikilala!

Sumandal muna ako sandali tsaka pumikit. Nahihilo na talaga ako. Gusto ko ng umuwi at matulog.

"10 seconds lang bro!"

"Walang video!"

Kahit nakapikit ako, naririnig ko ang mga ingay nila. Parang makakatulog pa ata ako dito ah.

Iinom na sana ulit ako, kaso pagdilat ko napasandal ulit ako sa sandalan at nagulat nung may humalik sakin!

"Whoooo ang wild!"

Nagsisigawan na ang kamasa namin. Hindi ako nakagalaw sa nangyayare, para akong nabingi at nabulag lalo nang nalaman ko kung sino humalik sakin, shit!

Pull Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon