8th.

5 2 0
                                    

"Ready class! 5! 6! 7! 8!"

Nagzumba kami para sa P.E. namin. Ayos! Ni hindi kami nainform na magsuzumba kami sa Quadrangle! Edi pawis na pawis ako! Wala pa naman akong dalang extrang shirt!

Pagtapos magzumba, pinagjogging pa kami sa buong Quad! Seryoso? Parang training na to ah!

"Go Gab! Go!" Cheer ni Ram nang makitang pagod na pagod na ako.

Tawa ako ng tawa habang nagjaja-jog kasi hype na hype si Ram sa pagjogging. Hindi siya napapagod at tuwang tuwa pa siya sa pinapagawa sa amin!

May mga naglalaro basketball at volleyball sa loob ng Quadrangle, nakakahiya tuloy. Nakaanim na ikot na kami at hinihingal na ako, hindi ako sanay sa ganito. Napapapikit na lang ako minsan habang natakbo. Parusa talaga itong si Mrs. Asturias eh.

Isang ikot na lang at matatapos na kaya medyo binagalan ko ang pagtakbo, naiiwan na ako ng mga classmate ko. Whoooo!

Huminto ako saglit para huminga, yumuko ako at tinukod ang aking kamay sa tuhod ko. Hindi pa ako nakakabalik sa normal na paghinga...

"Halaa!!!"

Nagulat na lang ako sa sigawan kasabay ng pagtalsik ko, shit! Pagdilat ko nakahiga na ako malayo sa pinaghintuan ko kanina. Hindi ako makabangon... anong nangyare?

"Gab!" Nanlaki ang mata ko nang lumapit sakin si Tristan para alalayan ako.

Hindi ako makatayo ng maayos dahil sa sugat ko sa tuhod at braso. Ang sakit!

"I'm sorry...sorry" hinawakan niya ako sa braso at bewang para alalayan.

"Gaaaaab! Anong nangyare? Okay ka lang? Shit! May sugat ka!" Nataranta si Ram paglapit sakin. Sinuri niya ang katawan ko at nang makita ang sugat kumunot ang noo niya.

"Sorry, nabangga ko siya kanina. Nagbabasketball kasi kami hindi ko namalayang nasa likod ko siya!" napatingin ako kay Tristan na nakahawak sakin. Grabe naman siya magbasketball, giyang na giyang siguro siya kaya ang lakas ng talsik ko.

Masama na ang tingin ni Ram kay Tristan."Ikaw! Sinaktan mo na naman siya! Nakakainis ka na Stan ha! Palagi mo na siyang sinasaktan" Tinuturo turo niya pa si Stan.

Pinandilatan ko si Ram sa sinabi niya kahit hindi siya nakatingin sakin. Nafufrustrate na ako. Hindi ko na alam uunahin ko, yung sugat ko? Yung pag-alalay sakin ni Stan? O yung bestfriend kong nagpapanic at kung ano ano sinasabi? Pwedeng mahimatay na lang?

"Dela Cuesta bakit hindi mo pa yan dalhin sa clinic? " ani Mrs. Asturias.

Bumalik na si Ram sa mga classmate namin at pinagpatuloy na nila ang activity. Inaalalalayan ako ni Stan papuntang clinic, nilingon ko ang mga classmate ko at nakita ko ang malungkot na mata ni Ram habang sinusundan kami ng tingin. Saan siya nalulungkot?

"Sorry talaga Gab..." paulit ulit na humihingi ng tawad si Stan at paulit ulit ko den sinasabing okay lang.

Ginamot na agad ako ng nurse pagdating sa clinic, si Stan naman nasa gilid ko lang at pinapanuod kung paano ako mamilipit sa sakin na gawa niya!

"Okay na Miss Soriano. Mag-iingat ka na lang sa susunod...log ka na muna dun sa counter"

"Thank you po..." sasabihin ko sanang si Stan ang dapat mag-ingat eh.

Pagtayo ko masakit pa den pero pinilit ko maglakad, iniisip na mawawala den ang sakit.

"I'm sorry..." ayan na naman siya.

"Okay nga lang!"

"Sorry talaga." Saan ba siya nagsosorry? Nakakarindi na kasi, paulit ulit!

Inirapan ko siya sabay padabog na nilapag ang ballpen tsaka inistretch unti ang binti ko bago naglakad palabas.

Pull Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon